Chapter 2

1657 Words
Angel's POV "What if humingi ako ng pera kay dad?" Sabi ko kay Max habang nakakandong sa hita nito. Wala itong pasok ngayon at tinatamad rin kaming lumabas kaya dito muna kami sa may swimming pool nakatambay. "Ayoko love. Nahihiya na ako." Napag isipan kasi naming mag negosyo. Restaurant ang gusto ko kaya lang ayaw naman ni Max na sabihin sa pamilya ko. Tss.. "So how can we put up a business?" "Uhm may naipon pa naman tayo di ba? Yung negosyo lang naman na simple at tsaka maliit." Simple and small? Cheap. "Anong gagawin ko sa simple at maliit? Boring naman yun." Sinubsob nito ang mukha sa dibdib ko. I'm just wearing my bikini. "Para lang naman may mapagkaabalahan ka kapag wala ako." Oh na touch naman ako. Ako parin talaga ang iniisip nya kahit nasa school o trabaho sya. Napangiti ako. "Kung hindi lang kita mahal hindi talaga ako papayag sa maliit lang na business baby." "Wag mo namang lang langin ang maliit na negosyo love. Still it's a business." "Yeah I know." Yun na lang ang nasabi ko. Naisip ko, naturingan pa naman akong business graduate tapos hindi man lang kayang magpatakbo ng isang maliit na negosyo. Tsss.. "So ok na sayo?" "Yeah papayag na ako. Just in one condition. Ako lahat ang masusunod!" Lumayo ang mukha nito kunti na parang natatawa. "Bakit?" Curious kong tanong. "Eh kasi sabi mo ikaw ang masusunod lahat. May bago pa ba dun Angelica?" Nahampas ko ito bigla sa braso. "Nakakainis ka. Hindi naman parati ah!" Maarte kong wika. "Hindi daw. Pag hindi ka nga nasusunod nagmamaktol ka kaagad dyan eh." "Hey, hindi ako nagkakamaktol ha." Nabulol pa ako. Tss.. "Oh halatang nagsisinungaling." Tumawa na nga ng tuluyan ang asawa ko. Hmm.. "Nakakainis ka talaga Max. Dyan kana nga!" Tumayo ako at agad nag dive sa tubig. "Pikon pikon nito." Dinig kong wika nito sa likod ko. Pag ahon ko hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala ito. Naramdaman ko ang dalawang kamay nito sa aking bewang. I just remain my position, mas lalo pa nya akong niyakap sa likod. "Pikon." She put her chin on my shoulder. Winaksi ko nga. "Sige mang asar ka pa." "Pikon." Narinig ko pa itong tumawa ng mahina. Humarap ako para hampasin sana ulit ang braso nito pero nasurpresa ako ng biglang sumalubong ang mga labi nito. Hmmmmm... Mabilis akong napakapit sa magkabila nitong braso. She hug my waist closer. Mas lalo pa nitong pinagdikit ang aming katawan. Dahan-dahan itong naglakad hanggang sa sumandal ang likod ko sa pader. "I love you." Sabi nito ng maghiwalay ang labi namin. "I love you too." Pagkatapos naming maligo umalis naman kami papunta sa isang restaurant. "Love, may nakausap pala akong isang patient sa hospital. Naghahanap sila ng private nurse, iniisip ko lang kung pwede kaya akong --" "Nope." Sagot ko agad. I take a sip of my wine. "Hindi pa nga ako tapos magsalita love." "Alam ko naman ang sasabihin mo Max, you want to work for that guy right? Ayoko period." No way, hati na nga ang time namin dahil sa work at school nya tapos may eepal pang ibang tao. "Malaki naman ang bayad --" "Wag mo ng ipilit dahil ayoko talaga." "Oh sige na, hindi na." Mabuti naman di na pinilit pa. Ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagkain. Nag ring naman ang cellphone ni Max. She answer the call. "Hello?" "Oo, nasa labas ako ngayon. Bakit?" "Ano? Ngayon lang?" "Talaga? Oh sige. I'll be there in a minute." Binaba nito ang phone saka tumingin sa akin. "Love, emergency kelangan ako sa hospital ngayon. Yung patient na sinasabi ko nag-arrest daw." "Ha? Tapos? Iiwan mo'ko dito?" Tumayo ito at parang di mapakali. "Ahmm.. Sige ikaw na ang magmaneho ng kotse, pumunta ka muna ng mall o kaya sa bahay nyo. Magtataxi na lang ako papunta sa hospital." Nilapag nito sa mesa ang susi. Hindi na ako pinasalita pa at dali-dali na itong lumabas ng resto. Kainis naman! Kinuha ko ang susi at nilagay sa shoulder bag ko. Tinawag ko ang waiter para magbayad. Nawalan na ako ng ganang kumain. Lumabas ako ng resto. Sige pupunta na lang ako ngayon sa mall para mag-shopping. Dun ko na lang hihintayin si Max. *** Habang pumipili ako ng damit hindi ko napansin ang tao sa likuran ko kaya nabangga ko ito. "Ops, sorry miss." Paumanhin ko sa babae. She smile. "It's ok." Tatalikod na sana ako ng magsalita ulit ito. "Is that the limited gucci bag?" Turo nito sa shoulder bag ko. "Yeah." Proud kong wika. Regalo lang naman to ni kuya Alfonzo sa akin. Late na nga lang para sa graduation ko pero masaya parin ako. "Oh my. I've been looking for that. Saan mo binili?" "Sa states." Tipid kong sagot. Hindi naman sya mukhang social climber or trying hard to be rich. Elegante rin kasi ang damit nito at style. My hawak rin itong Hermes bag. "Wow, you're lucky you have one." "Thanks." Yun lang at tumalikod na ako. Kinuha ko ang dalawang pares ng polo shirt para kay Max. Bibilhan ko sya ng bago, kasi kung kasama ko sya ngayon malamang tatanggi na naman ito. Sayang lang daw ang pera at kelangan magtipid. Tsss.. Matapos kong mabili ang mga gusto ko pumasok muna ako sa isang coffee shop. Kelangan ko pa palang etext ang asawa ko. Umupo ako sa pinaka dulo. Busog pa ako pero kelangan kong umorder, hindi naman ako pwedeng makiupo na lang dito. Bumili lang ako ng one slice chocolate cake at coffee with cream. Bumalik ulit ako sa table ko. Tinext ko si Max na andito lang ako sa mall. "Hi. May kasama ka?" Sya ulit? Yung babae kanina. May bitbit itong maliit na tray at paper bag. "Wala." Umupo agad ito sa katapat kong silya. Aba feeling close? "Pwedeng makishare? Wala na kasing bakante." "Sure." Ok. Hindi naman akin tong coffee shop eh. "By the way I'm Abigail." "Ahmm. Angelica." "Nagbabakasyon ka rin ba?" Napaarko ang kilay ko. Hindi talaga ako friendly kaya hindi ko magets kung bakit kelangan mag-usap kami. Pwede namang nasa iisang table kami pero hindi nag-uusap. "Ahm. Kinda." "Really. Parehas pala tayo. Saan ka sa states?" "Pennsylvania. Ikaw?" Napilitan na rin akong magtanong. Tsss.. "New York." "Ah ok." Tumango-tango ako. "Are you studying in Warton University?" Tanong ulit nito. "Yeah." Uminom ako ng kape. "Graduate na ako." "Oh i see. Kaya pala may singsing ka." Tiningnan nito ang wedding ring ko. Ha? Anong konek? "What about my ring?" "Well, i also have a friend who's studying in Warton. Meron din syang singsing. It's a defense strategy daw kung gusto mong makagraduate dun. Boys will definitely stay away from you. She also has a point, sino ba naman ang manliligaw pa sayo kung alam ng kasal kana di ba." Muntik na akong matawa. Tanga ba ang kaibigan nya? Hello? Baka pagmamadre ang kinukuha nyang course kaya ganun ang ginawa nya. "Really? Ahmm no offense girl, but I think your friend is crazy. That's so funny. Hindi naman kasi mga bobo ang nag-aaral dun. You don't need to make some defensive strategy or what so ever, ang mga studyante dun walang seryoso pagdating sa love life. Wala silang paki kung kasal kana o hindi pa, basta ang importante pumatol ka." "So sinasabi mo na hindi totoo ang sinabi nya?" "Wala akong sinabing ganun." Ngumiti ako. "And besides this ring has a real meaning. Hindi ito props lang." Tiningnan ko ang singsing ko. Ang ganda lang, bagay na bagay sa akin. "You're married?" Parang di ito makapaniwala. "Yeah. Proud wife." Oo, ako na ang proud. Sino ba naman ang hindi? Imagine ang tagal kong pinangarap to. Hayy.. "Wow. Nakakainggit. Alam mo pangarap ko ring makasal na." "Then? Magpakasal kana." Parang close na kami kung makapag-usap. Sya naman kasi, kung hindi nya ako kinausap hindi rin naman ako magsasalita. "Well, that's the problem. Wala pa akong makitang tao na seseryosuhin. I'm looking for someone who is perfect for me." Ok, ayoko sanang magbigay ng advice pero mukhang kelangan nya eh. Expert na yata ako pagdating sa pag-ibig. "Alam mo girl, love is so magical. Kung hinihintay mong dumating yung perfect man for you eh tatanda ka na lang hindi pa dumadating. Kung ako ikaw, if someone makes you feel loved, happy and makes you feel complete grab it right away. Hindi kasi salita lang ang perfect, you have to make it, you have to move. Kung hindi sya perfect para sayo, eh di ikaw ang gumawa para maging perfect sya for you. Trust the process girl." Katulad ko kay Max, hindi naman perfect si Max eh. Iniisip ko lang talaga na sya ang the best sa lahat at wala ng makakapantay sa kanya. "You have a point." Ngumiti ito. "I know." "Ok. I will take your advice." Hindi ko na namalayan ang oras. Almost two hours na pala kami dito. Kung ano-ano na lang kasi ang pinag-usapan namin, pero most of it ay fashion. My phone ring. Si Max. "Yes baby?" Sagot ko. "Asan ka? Andito na ako sa loob ng mall." "Talaga? Ok. Nasa coffee shop ako sa second floor." "Ok. Papunta na'ko dyan." Sasagot pa sana ako pero nawala na ito sa linya. "Husband mo?" Tanong ni Abigail. "Nope. My wife." "Ha?" Bakas ang pagkalito sa mukha nito. "Wife?" "Yeah. Wait papunta na sya dito. Ipapakilala kita." Mas lalong kumunot ang noo nito. Hindi ko nga pala nasabi sa kanya na babae ang asawa ko. I know she's confuse, well hindi ko na problema yun. "Love." Agad akong napatayo. Lumapit ito sa table namin. "Sorry kung matagal kang naghintay. Tumulong pa kasi ako --" Biglang huminto ito sa pagsasalita ng makita si Abigail. Nakatingin naman si Abigail kay Max. "You?" "H-hi." Ngumiti si Max na parang may naaalala. "Wait, do you know each other?" Nagtataka kong tanong. Pasimple kong hinila si Max sa tabi ko. "No. Napulot lang nya yung wallet ko sa mall last day kaya I recognize her." "Totoo ba Max?" "Ahmm.. Oo love." Tumayo si Abigail. "Ah sige. Mauuna na ako sa inyo. Nice meeting you Angelica." Hindi naman nito tiningnan si Max. Kinuha nito ang pinamili nya at lumabas na ng shop. Nagkibit balikat na lang ako. "Uwi na rin tayo baby?" "Sige." Sumagot ito pero ang mga mata naman nakatingin sa papalabas na si Abigail. "Max ano ba. Tulungan mo'ko dito." Ewan ko pero bigla na lang akong nainis. Nauna akong lumabas sa kanya. "Love hintayin mo naman ako." °°°°°
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD