Max's POV
2 am na pero hindi pa ako nakakauwi sa bahay, ang lakas ng ulan kaya tumigil muna ako sa isang 7/11 store. Hindi na rin ako makatawag kay Angel dahil lowbat ang cellphone ko. Kakalabas ko lang sa hospital, sobrang busy kanina kaya wala akong choice kundi mag-overtime.
Isang babae ang tumatakbo papalapit sa gawi ko.
Agad ko syang namukhaan.
"Hi." Bati ko. Si Abigail.
Huminto ito sa harap ko at nag-angat ng mukha. Medyo basa ang buhok nito at damit.
"Ikaw na naman?" May himig na pagkairita ang kanyang boses.
Ngumiti ako. "Bakit? May problema ba?"
"Freak!" Umirap ito at nilampasan ako. Pumasok ito sa loob ng store.
Nagtataka ko naman itong sinundan ng tingin. Galit ba sya sa akin? May nasabi ba ako?
Nagkibit balikat na lang ako at tumingala sa langit. Sana naman huminto na ang ulan. Sana rin hindi magalit si Angel sa akin pag-uwi ko. I'm sure hindi pa yun natutulog ngayon. Hindi daw kasi sya mapakali kapag hindi nya ako katabi.
Hayy...
"Hey, why are you here?" Napalingon ako. Si Abigail ulit. Tumabi ito sa akin, may hawak itong can ng beer at isang supot pa ng beer.
"Malakas kasi ang ulan kaya tumigil muna ako. Inaantok na kasi ako, ayoko namang madisgrasya."
"Whatever." Uminom ito.
"Dahan-dahan sa pag-inom. Madulas ang daan baka di mo ma-control ang manibela kapag lasing ka." Sabi ko pero hindi nakatingin sa kanya.
"Wow, concern ka sa akin? Thanks but no thanks. I know what i'm doing."
"Sinasabi ko lang, marami pa namang pasyente ngayon sa hospital baka di ka maasikaso agad kapag nadisgrasya ka." Seryoso kong wika.
"Excuse me? Pwede ba mind your own business."
Tumingin ako sa kanya. Nagtama ang mata namin.
"Alam mo maganda ka sana kaya lang sobrang sungit." Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko. Simula ng unang pagkikita namin nagsusungit na talaga ito sa akin. I don't know why. Pwede naman syang magpasalamat o kaya maging nice man lang sa pagsasalita.
Nag-iwas ito ng tingin. "Wala kang paki kung masungit ako." Uminom ulit ito ng beer, kita ko ang pagdaloy ng alak sa kanyang leeg.
Tinapon nya sa basurahan ang empty can at nagbukas ulit ng isa.
"Gail tama na yan." Napahinto ito sa pag-inom at tumingin sa akin. I'm just concern.
"A-anong tinawag mo sa akin?"
"Gail? Bakit?"
"Bakit mo'ko tinawag na Gail?" Binaba nito ang can. Nakatitig ito sa mga mata ko.
"Ha? Eh kasi Abigail ang pangalan mo di ba?" Hindi ko maintindihan. May mali ba sa sinabi ko? I just assume that's her nickname.
"Freak!" Yun lang at naglakad na ito sa gitna ng ulan. Automatiko namang gumalaw ang paa ko. Sira ba sya? Agad ko itong hinabol at hinatak pabalik sa store.
"Hindi mo ba nakikita? Ang lakas pa ng ulan oh. Magkakasakit ka sa ginagawa mo."
Winaksi nya ang kamay ko. "Paki mo ba sa akin? Di naman tayo close ah. Wala kang paki kung gusto kong maligo sa ulan o gusto kong magmaneho ng lasing!" Sigaw nito.
"Oo alam ko wala akong karapatan kasi hindi tayo close pero I'm sorry hindi kasi ako ganung tao. Mas gusto ko pang makialam kesa hayaan kang maaksidente."
Hindi ito umimik. Galit ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Ilang minuto ring walang nagsalita sa amin. Hindi ko na rin pinansin ang mga mata nito. Tssk. Bakit ba ang sungit nya.
"I'm sorry." Tumigin ako sa langit. Medyo tumitila na ang ulan. "Yan, maghintay ka lang ng kunti. Sigurado ako titigil na ang ulan."
"Freak! Sa susunod na magkita tayo wag na wag mo akong kakausapin o kaya hahawakan man lang. Alam mo bang nasusuka ako sa mga katulad mo?"
Katulad ko?
"Ha?"
"You freaking lesbian."
Napakunot ang noo ko. "Nasusuka ka dahil lesbian ako?"
"Yes, stupid!" Tinaasan nya ako ng kilay.
Ah, homophobic pala sya? Well, hindi naman ako madaling maging affected sa mga katulad nila. Hinahayaan ko lang kung ano gusto nilang isipin. Kanya-kanya naman kami ng paniniwala.
Ngumiti ako. "Ok, sa susunod hindi na kita kakausapin o hahawakan." Madali naman akong kausap.
Tumigil na ang ulan.
"Aalis na ako. Mag-iingat ka sa pagmamaneho." Nakangiti akong tumalikod.
"Freak!" Rinig ko pa bago ako tuluyang nakalayo sa kanya.
Pumasok agad ako sa sasakyan. Thank god makakauwi na'ko.
After 15 minutes nakarating na rin ako bahay. As expected nasa sala pa nga si Angel, nakahiga at may hawak na cellphone.
Dahan-dahan akong lumapit. "Love." Lumuhod ako sabay hawi ng kanyang buhok. Nakatulog na nga sa kakahintay. Hayy.
Kinuha ko ang cellphone sa kamay nito at nilagay sa bulsa ko. Maingat ko itong kinarga, kahit mabigat ok lang ang importante magtuloy-tuloy ang tulog ng asawa ko.
---
Pagkagising ko sa umaga wala na si Angel sa tabi ko. "Love?" Tawag ko.
Anong oras na ba? s**t! 9:30 na? Kelangan pa naman nasa hospital na ako by 11. May naka schedule na operation ngayon. As a med student I need to observe and assist.
Nagmamadali akong bumangon. Traffic na ngayon panigurado. Haist naman. Bakit hindi nya ako ginising? s**t! Hindi ko nga pala nasabi.
5 minutes lang tapos na akong maligo. Lumabas ako ng banyo at agad naghanap ng masusuot.
Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako ng hagdan. May naamoy akong niluluto, dumiretso agad ako sa kusina.
"Good morning baby. Buti naman gising kana. Gigising na sana kita eh." Sinalubong ako ng halik ni Angel. Nakahanda na ang pagkain sa mesa. Wala pa kaming katulong sa bahay kaya sya na muna ang gumagawa.
"Love, malilate na'ko." Umupo ako. Humigop muna ako ng kape. Sumubo rin ako ng hotdog.
"Anong malilate? Di ba wala kang trabaho? Tsaka wala ka ring klase?"
"Ahmm.. Oo. Kaya lang biglaan eh. Kagabi lang sinabi ni doc na kelangan namin pumunta sa hospital ngayon. May special case at --"
"Umabsent ka!" Padabog itong umupo sa katabi kong silya.
"Eh love hindi pwede, ayoko namang bumagsak."
"I don't care Max. You promise me, sabi mo pupunta tayo kina mommy ngayon."
I look my wrist watch. Ang bilis ng oras. Malapit ng mag-10.
Tumayo ako. "Uuwi ako kaagad mamaya. Pagkatapos na pagkatapos love. Promise."
"What?!" Sigaw nito.
Hinalikan ko ang labi nito. "I love you. Uuwi agad ako love."
Tumalikod ako para umalis na.
"Buti pa wag ka ng umuwi kahit kelan. Bwesit ka!"
Tumigil ako sa paghakbang. "Love naman." Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya. "Please?"
"Bwesit! Umalis ka na nga bago pa to tumama sayo." Tukoy nito sa hawak na tinidor.
Ngumiti ako. "See you later love." Tumalikod agad ako at mabilis na tinakbo ang garahe. Kung maaga lang sana akong nagising kanina makakapag-breakfast pa kami ng sabay. Hayy.. Ang tagal ko kasing nakauwi kagabi.
Pinaharurot ko ang sasakyan. Sabi ko na nga ba, traffic.
Sampung minuto na lang bago mag-alas onse. Tamang-tama lang ang pagpark ko sa sasakyan. Wala na akong inaksaya pang minuto, tinakbo ko ang hospital building. Lord, sana hindi pa sila nagsisimula.
Hinabol ko ang pasarang elevator. Thank god nakaabot.
Ngumiti naman ako sa katabi kong matanda.
Pagkarating ko sa 3rd floor nakasalubong ko ang isa sa mga kaklase ko. "Bro, andyan na ba si doc?"
"Wala bro. Hindi tayo tuloy."
"Ha? Bakit?"
"Nilipat sa ibang hospital ang pasyente kanina. May kamag-anak daw kasi silang doctor sa hospital na yun."
Anak ng -- halos paliparin ko ang sasakyan para lang makaabot dito sa oras tapos wala pala.
"Ganun ba. Oh sige salamat."
"Sige."
Hayy..Tatawagan ko na lang si Angel para sabihing pauwi na ako. Kinapa ko ang pantalon ko. Teka, asan ang cellphone ko?
Putik. Naiwan ko sa bahay, nag charge nga pala ako kagabi. Kung minamalas ka nga naman.
"Hi Max." Napalingon ako. Si Maureen, kasamahan kong nurse.
"Oh Mau. May duty ka ngayon?"
Lumapit ito. "Oo."
"Wow, super woman ka ba? Duty ka kagabi tapos duty ka na naman ngayon? Laki ng pangangailangan ha." Biro ko.
"Sira! May binabayaran lang."
"Ano naman?"
"Secret." Sumabay ako sa kanya papuntang nurse station.
"Hi Max." Sumalubong agad ang ngiti ni Kathy pagkarating namin.
"Hello. May bago bang patient?"
"Oo tatlo."
"Ah." Tumango-tango ako.
"Uggghhh! Nakakainis!" Nagulat kami ng dumating si Dominique. Nakakatawa ang etsura nya, bakas na bakas ang pagkainis. Siguro sinungitan na naman ng isang pasyente kaya ganyan.
"Anong nangyari Dom?" Tanong ko.
"Oh Max, andyan ka pala."
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Natawa kaming lahat.
"Nakakainis kasi yung Gomez na yun. Tinabig ba naman ang kamay ko. Tinitingnan ko lang naman kung ok na ba ang pasa nya sa braso."
Gomez?
"Baka naman nabigla lang."
"Nabigla? Ang ayos-ayos kaya ng pagkakasabi ko. 'Maam echecheck ko lang po ang pasa nyo ha' . Hay naku. Maganda nga masungit naman."
Natatawa ako sa inaasta nya. Hindi talaga maiiwasan ang mainis minsan sa pasyente lalo na't ginagawa mo lang naman ang trabaho mo.
"Pagpasensyahan mo na. Kunti na lang oh end na ng shift mo." Tinuro ko ang wall clock.
Oo nga pala, kelangan ko na ring umuwi. Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi ng tiyan ko. Gutom na'ko.
Sana naman hindi tinapon ni Angel ang mga pagkain.
°°°°°