Chapter 4

1265 Words
Angel's POV "Roses are red. Violets are blue. I'm sorry, I love you." Si Max? Napalingon ako. Nakangiti si Max habang papalapit sa akin. May dala itong bouque ng flowers. Binitiwan ko ang hawak kong hose. Wala kasi akong magawa kaya naisipan ko munang magdilig ng mga halaman. Tinaasan ko sya ng kilay. "For you love." Inabot nya ang bulaklak. "Akala ko ba may pasok ka?" Hindi ko muna tinanggap. I crossed my arms. "Oo pero hindi natuloy love. Wala si doc." "Ah ganun?" Mataray kong wika. Nakakainis. "Oo. Uhmm. Sorry?" She hold my waist. Kinuha ko ang flowers. "Saan mo to binili?" "Sa favorite flower shop mo. Sorry love ha?" She quickly kiss my cheek. Inamoy-amoy ko ang roses. "Nag-effort pa naman akong magluto tapos iniwan mo lang ako." Nakakatampo talaga. "Alam ko namang nag-effort ka love. Umuwi nga ako agad dito eh. Excited na akong kainin lahat ng niluto mo." Takaw! Alam ko namang gutom na sya ngayon. "Wala ka ng kakainin. Tinapon ko na." It's not true. Gusto ko lang makita ang reaction nya. "Ha?! Bakit mo naman tinapon? Love naman, sayang yung hotdog." Umatras ito na parang hindi makapaniwala. "Hotdog? What about my effort? Mas iniisip mo pa sila kesa sa akin?" "Pagkain yun love. Pati pagkain pagseselosan mo?" "Hindi ako nagseselos. Naiinis lang ako sayo." Nilampasan ko sya at naglakad papasok ng bahay. Ramdam ko naman ang pagsunod nito. "Kahit na. Sayang parin yun eh." Nagtuloy-tuloy ako sa may hagdan. Gusto kong ilagay ang mga flowers sa kwarto namin. "Angel." Nanghihina ang boses nito. Bigla naman akong naawa kaya nilingon ko ito. Parang naiiyak na ang kanyang mukha, at alam kong dahil yun sa gutom. I use an 'Come here' index finger sign. Agad naman itong lumapit. Hinawakan ko ang chin nya gamit ang isa kong kamay. "Gutom na gutom kana?" "Oo love." "Ok." Nagkibit balikat ako. "Nasa kusina ang pagkain mo. Kung hindi lang kita mahal baka tinapon ko na talaga ang mga yun." Dahan-dahang lumabas ang nakakatunaw nyang ngiti. s**t, bakit bigla yatang nag-iba ang mood ko. Parang gusto ko syang halikan. "Totoo love? Akala ko ba --" Hindi ko na sya pinatapos at mabilis na kinuyumos ng halik ang kanyang labi. Hmmm.. Ngiti palang nang-iinit na'ko. Baka malapit na ang period ko kaya ganito na naman ako. Napatigil ako ng bigla nyang pinaglayo ang labi namin. "Later love. Kakain muna ako ha." "S-sure." Pinagdikit ko ang sariling labi. 'Angel, pakainin mo muna. Mamaya na yan, marami pa kayong oras and besides she's all yours.' "Thanks love." Nagmamadali itong tumalikod at tinungo ang kusina. --- "Dad, I'm not ok with it!" Naiinis kong wika. Andito kami sa bahay ngayon kasama ang buo kong pamilya. Including Megan. Tssss.. "Love." Hinawakan ni Max ang kamay ko. "Makinig ka nga muna." "Ayoko." Matigas kong wika. Me and Megan? No way! "Tito it's ok. Kung ayaw po ni Angel wala naman pong problema sa akin." Singit ni Megan with her nice voice tone. "OMG, really? So pinapalabas mo na masama ako kasi hindi ako pumayag?" Wala akong paki kung katabi pa nya si kuya Lorenzo. If I know nagpapaawa lang sya. Ako ang nag-iisang anak na babae kaya ako lang ang may karapatan sa clothing business na ibibigay ni dad. It's mine and Megan will not be included. Period. May anak na nga sila ni kuya pero hindi parin ito pumapayag na magpakasal, i don't get her. "Hey, slow down Angel. Nasa harap parin tayo ng pagkain." Sita ni kuya Alfonzo. Ughh! Masama naman ang tingin ni kuya Lorenzo sa akin habang si kuya Miguel at kuya Rafael ay patuloy lang sa pagkain. Wala namang komento si mommy sa tabi ni dad. "Fine!" Ok I will shut up. Pero hindi ko parin nilulubayan ng tingin si Megan. b***h! Akala nya nakalimutan ko na lahat ng ginawa nya noon para lang masira kami ni Max. Kung wala nga siguro silang anak ni kuya baka iisipin ko na may balak parin syang agawin si Max sa akin. "Angel, mas makakabuti kung may katuwang ka sa negosyo. It's a big business, I'm sure Megan can help you." Si dad. Hindi ako sumagot at uminom na lang ng wine. "What do you think Maxwell? Tama naman ako hindi ba? Angel needs help for her business, and I think Megan can help her." Patuloy parin si dad. Tss.. "Ahmm.. Sa tingin ko rin po tama kayo,mas ok kung may kasama si Angel. I'm sure Megan knows how to handle a business --" "Wow, knows talaga? Ganun mo talaga sya kakilala noh? Mukhang sure na sure ka yata." Sarkastiko kong wika. "Oh I forgot, of course bestfriend nga pala." "Hindi naman sa ganun love. Hindi mo pa naman sinusubukan at binibigyan ng chance si Megan. Bakit hindi ka muna makinig --" Tumayo ako. "I'm done. Uuwi na ako." Inubos ko ang isang baso ng wine at umalis na. Puro na lang sila Megan. "Talk to her Max." Rinig ko pang wika ni dad bago ako makalayo. Nagtuloy-tuloy ako sa labas ng gate. Sumandal ako sa kotse habang hinihintay si Max. Ugghh nakakainis! "Anong klaseng attitude yun?" Wika ni Max ng makalapit. "I wanna go home." "Sure, uuwi tayo at mag-uusap ng masinsinan." Hindi ko pinansin ang sinabi nito at pumasok na sa kotse. Wala kaming imikan habang pauwi. Pagkarating namin sa bahay umakyat agad ako sa kwarto. Naghubad ako ng damit at nagtapis ng tuwalya. "What?" Nakapameywang kong tanong. Nakaharang kasi ito sa pinto ng banyo. "Maliligo ako Max, ano ba." "Bakit ba ayaw mong makinig sa ama mo love? Simply lang naman ang gusto nya ah. Wala namang mawawala sayo kung pagbibigyan mo sya." I smile. Ngiting alam mong nagtitimpi. "Pagbibigyan ko sya? O baka si Megan ang ibig mong sabihin na pagbibigyan ko?" "Sister in law mo na yung tao. She's now part of the family love, kung ano man yang iniisip mo ngayon sana naman tigilan mo na. Kilala kita kaya alam ko yang tumatakbo sa utak mo." "Oh kilala mo naman pala ako eh. So I bet alam mo ring seryoso ako kapag sinabi kong ayoko." "Pero Angel naman --" "At isa pa nga pala, she's not my sister in law. Pamangkin ko lang ang tinuturing kong parti ng pamilya." "Love wag ka namang ganyan. Siguro hindi pa sya handa para magpakasal ngayon. Pero sigurado naman ako na doon rin sila papunta." Ngumiti ako at kinawit ang dalawa kong kamay sa batok nito. "You know what baby? I really don't care." Wala naman talaga akong pakialam kung magpapakasal sila ni kuya o hindi. "Alam ko wala kang pakialam pero love ibang usapan naman to eh. Iba ang business at personal na issue." Enough of Megan. Nakakarindi na sya. Bumitaw ako at hinubad ang nakatapis kong tuwalya. I'm totally naked. "Baby, pwede bukas mo na lang ipagpatuloy yan. Gusto ko na kasing maligo at matulog." Sinampay ko ang towel sa kanyang balikat at tinulak ito ng mahina para makapasok ako. "Love." Hinawakan nito ang braso ko. Matamlay ko syang tiningnan. "Please? Pagod na'ko." Bumuntong hininga ito. "Oh sige na nga love. Pero bukas pag-uusapan parin natin to. Ok?" "Ok." Sabi ko na lang para matapos na. "Ahm. Sabay na tayong maligo?" "Sure. Come here." Dinikit ko ang hubad kong katawan sa kanya at dahan-dahang tinanggal ang pagkaka-butones ng kanyang polo. Habang gumagapang ang kamay ko pababa sa mga butones hindi ko naman inaalis ang tingin sa kanyang labi. Narating ng kamay ko ang zipper ng kanyang pantalon. Nilapit ko ang labi ko sa labi nito. "You make me feel hot baby." Ngumiti ito at hinawakan ang magkabila kong bewang. "Ang dami mo kasing ininom na wine kaya ganyan love." "Siguro nga." I kiss her lips. Hindi ko alam kung dahil nga ba to sa wine o talagang mainit lang ang pakiramdam ko ngayon. Naramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. Gumaganti na rin ito sa halik ko, kissing me aggresively. 'I love you Max', paulit-ulit na sigaw ng utak ko habang pinagsasaluhan namin ang mapusok na halik. ••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD