Chapter 5

1898 Words
Max's POV Kinabukasan pinatawag ulit ni sir Alfred si Angel sa bahay nila. "Hey Max." Napalingon ako. Papasok na sana ako sa kotse. "Oh Megan." Sinara ko ulit ang pinto at nilapitan ito. Kakababa lang nito sa kanyang sasakyan. "Aalis kana?" "Uhm.. Oo. Hinatid ko lang si Angel." "Your paranoid wife?" May himig na biro nitong wika. Ngumiti ako. "Meg give her a time. Alam ko sooner or later papayag rin sya." "Max it's ok. Pagdating talaga sa kanya lagi akong talo at sya lagi ang panalo." "Bakit naman napunta sa usapan kung sino ang talo at panalo?" Nakakunot noo kong wika. "Nevermind. Oh by the way nagkita pala kami ni Mark last day. Sabi nya kung pwede ba daw tayong magkita-kita sa bahay nila Julia." "Talaga? Buti pa kayo nagkita na." Hindi ko alam na umuwi na pala ito galing sa states. "Nagkasalubong lang din kami sa mall. Kasama ko si Lorenzo that time." "Uhm sige, hahanap ako ng time. Alam mo naman ako medyo busy sa pagiging doc." Binuka ko ang braso ko na parang nagyayabang. "Oo nga pala. Sana naman bilisan mo na yan para libre na ang check up namin." Natawa naman ako sa sinabi nya. "Hindi pwede ang libre sa mayayaman." "Ah ganun? Grabe ka naman." "Pero kung si baby Chris ok lang. Libre --" "Bakit hindi kapa umaalis?" Isang mataray na wika ni Angel. Sabay kaming napatingin ni Megan sa kanya. Naka crossed arms itong lumapit sa amin. "Akala ko ba nagmamadali ka?" "A-ah. Oo. M-may pinag-usapan lang kasi kami love pero aalis na ako." Kumapit ito sa braso ko. "Anong pinag-usapan nyo?" "Ahmm. Wala, tungkol lang kagabi." "Sige Max papasok na'ko." Paalam ni Megan. "Teka, sabay na tayo. Hahalik lang ako sa asawa ko." Isang madiin na halik sa labi ang ginawa ni Angel. Hindi naman ako maka-iwas dahil baka magalit na naman mamaya. Umiwas agad ako ng tingin kay Megan ng bitiwan ni Angel ang labi ko. Hindi na rin hinintay ni Megan si Angel at pumasok na sa loob ng gate. "Love bakit mo naman ginawa yun?" Hindi naman sa naiinis ako, pero bakit sa harapan pa ni Megan. "Ops may lipstick." Pinunasan nito ang labi ko gamit ang thumb nya. "Yan pwede ka ng umalis." Hindi man lang sinagot ang tanong ko. Napabuntong hininga na lang ako sa asawa ko. Grabe talaga to kung minsan. Ai hindi pala minsan. Madalas pala. "Sige aalis na ako. Behave ka dito ok? Yung pinag-usapan natin kanina wag mong kakalimutan." "Yes baby. Don't worry good mood ako ngayon." Ngumiti ito. "Ok. Bye ulit." Hinalikan ko ang noo at labi nito. "I love you." "I love you too. Mag-ingat ka." Tumango lang ako at pumasok na sa kotse. Nakita ko namang pumasok na rin ito sa gate. Sana naman maging ok ang pag-uusap nila. --- "Whats up doc?" Tinapik ni Anton ang balikat ko. Kakarating ko lang sa hospital. "Ui buti naman nagpakita kana." Isa sa mga kasama ko at naging kaibigan dito. "Namiss mo ba ako?" "Sorry pero hindi eh." "Grabe ang sakit naman. Ui Kathy ako namiss mo ba?" Tawag nito kay Kathy na busy sa pagsusulat. "Sorry Anton pero hindi din eh." Hindi ko napigilan ang matawa. Masyado talaga tong papansin. Magsasalita na sana ako ng biglang may mahagip ang mata ko. "Abigail?" Bulong ko. Nabitiwan ko ang hawak kong papel at sinundan ang pasyenteng naglalakad palabas ng kwarto. Hindi ko alam pero bigla na lang gumalaw ang mga paa ko. Anong ginagawa nya dito? "Ui Max saan ka pupunta?" Sigaw ni Anton. Hindi ko muna sya pinansin. Patuloy lang ako sa pagsunod sa likod ng babae. "Abigail." Lakas loob kong wika. Huminto naman ito at lumingon. Sya nga. "Hey, anong ginagawa mo dito? Anong nangyari sayo?" Nakakunot ang kanyang noo hanggang sa unti-unti itong napalitan ng pagtataas ng kilay. "It's me Max." Pagpapakilala ko. Mukha kasing hindi nya ako natatandaan. "What a small world." Yun lang at tinalikuran nya ulit ako. "Teka, naaksidente ka ba?" Sumabay ako sa kanyang lakad. Naka-hospital gown parin ito pero wala ng nakakabit na dextros sa kanyang kamay. "Obvious ba." Napansin ko ang pasa sa kanyang braso."Uhm ok kana ba? Bakit lumabas ka sa kwarto mo?" "Gusto kong uminom ng kape." Bigla itong huminto sa paglalakad. "Teka nga, ano bang ginagawa mo?" "Ha? Ginagawa ko? Ahm. Dito ako naka-assign eh." "Freak. Kita ko naman na nakasuot ka ng puti, ang ibig kong sabihin bakit mo'ko kinakausap? The last time we talk I already told you not to talk to me right?" Napakamot ako sa kilay. "Ahmm. Sorry nakalimutan ko." Totoo namang nakalimutan ko. Sinabi ko ba yun? Hindi naman ito sumagot at nakataas parin ang isang kilay sa akin. "Sorry. Sige aalis na'ko." Tipid akong ngumiti. Nakakahiya. "Wait." Bigla nitong pinigil ang braso ko. "Ha?" Para itong napaso at binitiwan agad ang pagkakahawak sa braso ko. "Ahmm.. Total andito kana rin lang. Pwede mo bang ituro ang canteen?" "Uhm ganito na lang, bumalik kana lang sa kwarto mo tapos ihahatid ko na lang ang kape." "Talaga? Gagawin mo yun?" Parang hindi ito makapaniwala. Ngumiti ako. "Oo naman. Sige na bumalik kana sa loob." "O-oh sige." Iniwan ko na sya at patakbong tinungo ang canteen. Pagkarating ko agad akong umorder ng mainit na kape at tatlong chocolate cup cake. "Magkano?" Tanong ko sa cashier. "Doc libre na po yan." Singit naman ni Aling Tess, ang namamahala dito sa canteen. Napangiti naman ako sa sinabi nya. "Aling Tess hindi pa po ako doctor. Sige na po babayaran ko na." "Libre ko na yan, birthday ng anak ko ngayon eh." "Talaga po? Naku, happy birthday pala sa kanya." "Salamat." "Uhm. So kukunin ko na po to ha?" "Oo. Sige na." "Salamat po. Aalis na po ako." "Ok doc." Si Aling Tess talaga. Binilisan ko naman ang lakad ko pabalik sa taas. Malapit na ako sa kanyang kwarto ng bigla namang humarang si Kathy. "Ui para kanino yan Max?" "Sa kaibigan ko." "Hmmm.. Kaibigan mo pala yun? Yung masungit na pasyente na akala mo kung sinong maganda?" "Sino? Si Abigail?" "Oo, si miss Gomez. Alam mo ba lalabas na yan mamaya pero hanggang ngayon wala paring dumadalaw sa kanya." Nakaramdam naman ako ng awa sa sinabi ni Kathy. "Baka busy lang ang pamilya nya. Teka, ihahatid ko muna to sa kanya." "Ok." Nagkibit balikat lang ito at tumalikod na. Pagkatapat ko sa kwarto ni Abigail kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. "Hi." Sinara ko ang pinto at lumapit sa gawi nya. Naka-upo ito sa bed habang nanonood ng tv. Nilapag ko ang kape at cup cake sa katabi nyang table. "Magkano lahat?" Walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha. "Ah wag na. Libre din kasi yan ni Aling Tess sa akin. Birthday kasi ng anak nya." "Ganun ba. Ok." Kinuha nito ang kape at humigop. Pinagmasdan ko ang kilos nya, bakit kaya walang dumadalaw sa kanya? Alam ba ng pamilya nya na naaksidente sya? "Ah Gail kung may kelangan ka nasa labas lang ako. Mamaya pang 3pm ang uwi ko." Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko to sa kanya. "Incase lang naman kung may kelangan ka." Hindi ito sumagot. Kinuha nya ang cup cake at sumubo. Ok, mukhang ok na yata sya. "Sige maiwan na kita." Tumalikod ako at naglakad sa may pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla itong magsalita. "Can you give me a ride? Uhm later?" Napalingon ako sa kanya. "Wala bang susundo sayo mamaya?" Umiwas ito ng tingin. "Hindi pa kasi ako pwedeng magmaneho. Wag na lang kung ayaw mo." "I'm just asking. Kung wala ka namang sundo sige ihahatid kita mamaya." Ngumiti ako ng tipid. "Talaga? Ah ok thanks." Nagtama ang mga mata namin. "and salamat pala dito." Tukoy nito sa kape at cup cake. "Walang anuman." Binuksan ko ang pinto.  "Take a rest." Paalala ko bago tuluyang lumabas. --- Nakasandal ako dito sa kotse habang hinihintay ang paglabas ni Abigail. Nagbabayad pa kasi ito ng bill nya. "Lets go?" Hindi ko napansin ang paglapit nito. "Ok." Magkasabay kaming pumasok sa kotse. Sinabi naman nito kung saan sya nakatira. Sa isang condo sya namamalagi at napag-alaman ko ring nag-iisa lang sya doon. Itatanong ko sana kung nasaan ang pamilya nito pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Mukha kasing wala rin itong balak magkwento. Nagring ang cellphone ko. Si Angel tumatawag, hayy nagmamaneho pa naman ako. Wala akong dalang headset kaya naka loudspeaker ang phone ko. "Yes love?" Sagot ko. "Asan kana ba? Hindi mo pa ba ako susunduin?" Alam kong nakataas ang isang kilay nya ngayon. "Medyo malilate lang ako love pero susunduin kita. Hintayin mo lang ako." "Ha? Bakit ka malilate. Ano bang ginagawa mo?" "Basta. Mamaya ko na lang sasabihin sayo." "Ok. Ilang minuto ka ba malilate?" "20 minutes." "Ang tagal naman. Nababagot na'ko dito." "Andyan naman si baby Chris di ba? Makipaglaro ka muna." "Ano ako bata?" Muntik nakong matawa sa sinabi nya. Oo isip bata. "Love talaga, ang ibig kong sabihin makipag-bonding ka muna sa kanya." "Ayoko. Andun kaya si Megan." "Ok, ok. Sige na. Hintayin mo na lang ako." "Sige na nga." "Bye muna love." "Ok. I love you baby." "I love you too." I ended the call. "Matagal na ba kayo?" Abigail suddenly ask. Saglit naman akong napatingin sa kanya. "Oo. Sobrang tagal na. Mahigit 10 years na kaming magkakilala." "10 years? Really? You mean bata palang kayo naglalandian na?" Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-offend sa sinabi nya. Pinilit ko paring ngumiti. "Hindi ko masasabi na landian ang namagitan sa amin. We started as good friends. Bata palang din kami mahal ko na sya kaya para sa akin hindi yun landian kundi true love." "True love? Are you kidding me? True love doesn't and never exist." May kakaiba sa tono ng pagkakasabi nito. Hindi ko mawari kung pagkamuhi ba ang narinig ko. "Hindi ka pa siguro naiinlove kaya nasasabi mo yan. Pero kapag dumating na yung taong magpapatibok dyan sa puso mo, I'm sure babawiin mo lahat ng sinabi mo." "I don't think so. I never plan to fall inlove either. Mas gusto ko pa ang ganito, just pure fun and no commitment." "Pure fun and no commitment?" Napailing-iling ako. "Alam mo mas masaya ka kapag may partner sa buhay. May dadamay sayo kapag may problema ka at higit sa lahat may rason ka para ngumiti at maging masaya araw-araw." Hindi ito sumagot kaya napatingin ako sa kanya. Nakatitig ito sa akin pero agad ding umiwas. "Are you ok?" Nagtataka kong tanong. Masyado na yata akong nagiging komportable sa pakikipag-usap sa kanya. "Lesbian ka di ba?" Tanong nito pero nakaharap naman sa bintana. "Halata ba?" Nagbibiro kong wika. Bakit nya tinatanong eh alam naman nya na lesbian ako. "Anong meron sa inyo?" Hinarap nya ulit ako. Lumiko muna ako sa building ng kanyang condo. Hindi ko namalayan na malapit na pala kami. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko maintindihan ang kanyang tanong. "I-i mean bakit may naiinlove sa inyo?" Pinark ko ang kotse sa tapat mismo ng building. "Ano? Bakit may naiinlove sa amin?" Natawa ako. "Bakit ako ang tinatanong mo?" "Well, ikaw lang kasi ang nakausap ko na lesbian. I really don't like talking to someone who is like you." "Wow like me, parang sinabi mo na rin na napilitan ka lang kausapin ako dahil hinatid kita?" "Hindi naman sa ganun. Nagiging honest lang ako." "Oh. Ok.." Parang naging awkward yata ang sitwasyon namin ngayon. "Well, to answer your curiosity. Siguro katulad ng ibang gender, straight guy o straight girl ganun rin kami kung magmahal. Walang siniset na limits. Katulad ko, ginagawa ko ang lahat para kay Angel. I understand her without limitation. I trust her without hesitation and loved her unconditionally. Maybe that's why she fell inlove with me." Matagal ito bago ulit nagsalita. "Actually, hindi ko parin maintindihan." Binuksan nito ang pinto. "Salamat pala sa paghatid." "Walang anuman." Lumabas ito ng sasakyan. "Syanga pala Abigail, mag-iingat ka sa susunod." Pahabol ko bago nito sinara ang pinto. Napailing-iling na lang ako habang papalayo. In split of a second naging malalim bigla ang pag-uusap namin. Ano bang meron sa kanya at bakit ganun na lang ang pagkamuhi sa katulad ko? Hayy. Kelangan ko na palang magmadali. Susunduin ko pa nga pala si Angel. •••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD