Angel's POV
"Aahh god Max. Ang sakit." Daing ko habang pinapahiran nito ng betadine ang sugat ko sa tuhod. Nakaupo kami sa sofa habang nakapatong ang isa kong binti sa hita nito.
"Ang oa mo naman love. Hindi naman to masakit eh." Hinihipan naman nito ang sugat pero mahapdi parin talaga.
"Sipain kaya kita. Anong hindi masakit? Kita mo nga oh may dugo pa." Naiiyak na talaga ako. Bakit ba kasi hindi ko nakita ang nakaharang na paso sa likod ng bahay.
"Love tumahimik ka nga muna pwede ba? Paano kita magagamot kung daldal ka ng daldal."
Binato ko sya ng maliit na unan sa ulo. "Dahan-dahan naman kasi. Wag mo namang idiin masyado, lalo lang sumasakit --"
"Hindi ka ba talaga tatahimik? Gusto mo lagyan ko to ng alcohol?"
Namilog ang mata ko. "Subukan mo lang Max. Kahit masakit tong paa ko talagang sisipain kita."
Mukha naman itong natakot at hindi na umimik. Pinagpatuloy nito ang ginagawa. Tinakpan ko naman ng unan ang mukha ko. Nakakainis, bukas na bukas din ipapalinis ko ang likod ng bahay.
Tiniis ko ang hapdi ng sugat. Inaamin ko, matapang ako sa lahat ng bagay pero pagdating sa dugo suko talaga ako.
"Yan, ok na. Wag ka munang malikot ha. Dapat nakahiga ka lang o kaya naka-upo para hindi sumakit. I'm sure bukas magiging ok na yan kahit paano."
"Baka magka-peklat ako nito." Binaba ko ang binti ko. Naka-plaster na ang sugat ko.
"Sus, ang liit lang nyan love. Ok lang naman magkapeklat ka. Tanggap ko naman kahit gaano pa kalaki ang maging peklat mo."
Hinila ko ang damit nya para lumapit sya sa tabi ko. "Aba dapat lang Max. Pero ang pinupunto ko naman dito ay yung legs ko. Papangit na to."
"Ang arte naman." Tumayo ito. "Halika ka nga, sa kwarto muna tayo." Inalalayan nya ako para tumayo.
"Ouch. Ang sakit." Kumapit ako sa kanyang batok.
"Dahan-dahan lang kasi love." Binuhat nya ako. "Ang bigat mo na. Magdiet ka nga."
Naiinis akong umirap. "Kung ganun ibaba mo ako. Maglalakad na lang ako."
"Di kana mabiro love noh? Joke lang. Ang gaan-gaan mo kaya. Para lang akong nagbubuhat ng isang sakong bigas." Tumawa pa ito.
Hindi naman ako natawa sa sinabi nya. Minsan totoo pa naman ang sinasabi nya pero binabawi na lang sa joke para hindi ako magalit.
Pagkarating namin sa kwarto agad nya akong binaba sa kama. Para naman itong napagod at humiga sa tabi ko.
"Love?"
"Oh?" Umayos ako ng upo at sumandal sa head board.
"May sasabihin sana ako sayo pero promise wag kang magagalit ha?" Umusog ito at umunan sa isang hita ko. Hindi naman masakit dahil nasa kabilang binti ang sugat.
Hinaplos ko ang kanyang buhok. "Siguraduhin mo lang na hindi yan babae."
"Ha? Eh yun na nga love. Babae yung ikukwento ko eh."
"Babae? Sino naman yan?" I tried my best not to over act right away.
"Kasama ko sa hospital. Si Kathy --"
Biglang umahon ang selos sa dibdib ko. "Kathy? Max don't tell me --"
"Patapusin mo nga muna ako love."
Pigil na pigil ang kamay ko na nasa buhok nya. Magkamali ka lang ng isang salita at sasabunutan ko talaga tong buhok mo.
"Relax ka lang, hindi naman to tungkol sa akin. Tungkol to sa nakita ko."
"Bakit ano bang nakita mo?" Walang gana kong tanong. Ano bang paki ko sa babaeng yun.
"Alam mo kasi yung kasama ko si Kathy may boyfriend sya tapos kahapon nagulat ako. Hindi ko naman sinasadya na makita ang nakita ko pero hindi ko alam kung bakit hindi agad ako umalis at nanood pa sa kanila."
"Oh tapos? Ano ba kasi ang nakita mo?"
"Papasok na sana ako sa x-ray room nun kasi may kukunin ako tapos may bigla akong narinig sa kabilang kwarto na, alam mo na. May parang umuungol. Tapos yun dahan-dahan kong binuksan yung pinto." Ngumiti ito na parang may naalala na kung ano. "Nakita ko si Kathy na may kahalikan pero hindi ang boyfriend nya kundi yung isa naming kasama na babae. Alam mo love dahil sa gulat ko feeling ko naestatwa ako at hindi makagalaw. Hindi ko kasi inakala na papatol pala sya sa babae, tapos may boyfriend pa sya."
"Tapos? Saan ang ikakagalit ko dun?"
"Uhm.. Sa panonood ko. Kung ganun hindi ka galit?"
"Well, as long as hindi ikaw yun wala akong pakialam."
Yeah. I really don't care.
"Ba't napunta na naman sa akin? Hayyyy." Umupo ito at humarap sa akin. "Of course hindi ko yun gagawin sayo love. Ikaw lang ang nag-iisa kong ikikiss at yayakapin."
Tinaasan ko sya ng kilay. Tsss.."Siguraduhin mo lang Maxwell. Hindi mo na ako girlfriend kundi asawa mo na. Kung noon napagtimpihan ko si Megan nung nahuli ko kayo pwes ngayon hindi na. Sa oras na mahuli kitang may ginagawa sa likod ko sinasabi ko sayo mata mo lang ang walang latay. Kayo ng babae mo."
"Wow!" Lumayo ito kunti. "Ba't sa akin napunta ang usapan love? Tapos sinali mo pa si Megan? Grabe, nakalimutan na yan ng lahat tapos ikaw binabalik mo pa?"
"Pinapaalala ko lang."
Para itong nanghihinang humiga ulit sa tabi ko. Nakatingin ito sa taas ng kisame.
"Anong iniisip mo?" Tanong ko. Hindi na kasi ito nagsasalita.
"Wala." Tipid nitong sagot.
"Ba't tumahimik ka na dyan?"
"Mas mabuti na to kesa makipagtalo." Nilagay nito ang dalawang kamay sa uluhan at pumikit.
"Galit ka?"
"Hindi ako galit."
"Ba't ayaw mo kong tingnan."
Binuka nito ang mga mata at tumitig sa akin. "Uhmm..yan nakatingin na."
Umirap ako. Alam ko galit sya sa sinabi ko.
"Anong ginagawa mo?" Nakakunot ang kanyang noo. Hindi ko sya pinansin at binaba na ng tuluyan ang may sugat kong binti sa sahig.
"Love naman. Alam mo ng masakit pipilitin mo pa." Hinawakan nito ang braso ko.
"Iihi ako."
Bumangon ito at pinatong ang kamay ko sa kanyang balikat. "Dahan-dahan lang."
"Galit ka yata. Wag na, kaya ko naman."
"Hindi nga ako galit love. Gusto ko lang tumahimik, pero hindi ako galit ok?"
Tinitigan ko ang kanyang mukha. "Sorry." I kiss her cheek. Mukha talaga akong ewan kung minsan. Kelan pa ba ako magmamature? Tss..
"Halik lang sapat na." Ngumiti ito at binuhat ako papunta sa banyo.
Pagkapasok namin sa loob nakaalalay parin ito habang binababa ko ang short at underwear ko. "Tumalikod ka muna."
"Sige." Agad naman itong tumalikod.
After kong umihi binuhat nya ulit ako pabalik sa kama. "Wew. Para akong nag-exercise sa ginagawa."
"Payakap." Hinila ko sya pahiga at umunan sa kanyang braso. "Max papasok kapa ba mamaya?" Malumanay kong tanong. Nagpapaawa ako, ayokong maiwan dito.
"Uhm bakit? Ayaw mo ba?"
"Oo. Sana."
"Ayaw mo bang ihatid kita sa bahay ng parents mo? Pwede ka naman ulit muna dun habang wala ako."
"Ayoko Max." Hanggang ngayon hindi pa kami ok sa bahay kaya ayoko munang magpakita sa kanila. Anyway andun naman si Megan kaya hindi na nila ako kelangan.
"Sige kung ayaw mo aabsent na lang ako."
"Talaga baby?" Napatingin ako sa kanya. Ang dali talagang kausap ng asawa ko.
"Yeah. Sasabihin ko na lang na masama ang pakiramdam ko kaya di ako nakapasok."
"Awww.." Kinilig naman ako. Hinawakan ko ang magkabila nitong pisnge. "Thank you. I love you."
"Sus, maliit na bagay love."
She really never fail to always set me as her priority.
---
After 3 days naging ok na rin ang sugat ko. Thanks to my nurse and partner Max. Alagang alaga nya talaga ako, kahit sa pagligo at pagkain hindi nya ako pinapabayaan.
Ngayon makakapag-shopping narin ako sa wakas. Mag-isa lang akong pumunta dito sa mall. Bibili kasi ako ng bagong suit, susuotin ko for my business.
"Excuse me?" Napalingon ako sa may-ari ng boses.
Wait. Pamilyar ang mukha nya pero hindi ko matandaan kung ano ba ang pangalan nya.
"Yes?" Ngumiti ako ng plastik.
"Do you remember me?" Ngumiti rin ito.
"Ahmm.. Yeah." Binalik ko muna ang kinuha kong damit bago bumaling ulit sa kanya. "But no offense, I can't remember your name." Pranka kong wika.
"Abigail." Pagpapakilala nya sa sarili. Oh, now I remember. Isang beses lang kasi kami nagkita kaya nakalimutan ko. "Angelica right?"
"Yeah."
"Uhm.." Lumikot ang mga mata nito na parang may hinahanap. "Ikaw lang ba mag-isa?"
"Ha? Ah oo ako lang. Bakit?"
"A-ah wala naman. Natanong ko lang kasi akala ko kasama mo ang asawa mo."
Asawa ko? Natatandaan nya si Max?
"Ah hindi ko sya kasama ngayon kasi nasa trabaho." Tumalikod ako para pumili pa ng ibang klase ng damit.
Tumabi na rin ito sa akin at pumipili na rin ng mga damit. "Kahit sunday pala may pasok sya sa hospital?"
Napataas ang isa kong kilay. Hospital? Bakit nya alam? Wala yata akong natatandaan na binanggit ko sa kanya noon kung saan nagtatrabaho si Max.
"Alam mo kung saan sya nagtatrabaho?" I ask nicely.
Para naman itong nagulat sa tanong ko. "Ha? Ah yeah. Natatandaan ko kasi nabanggit mo noon."
"Talaga? Nakwento ko yun?" Parang wala naman akong nabanggit sa kanya.
Umiwas ang mga mata nito. "Uhm oo."
Nagkibit balikat na lang ako. Well, siguro mahina lang talaga ang memory ko.
Hindi ko namalayan ang oras. Ang dami ko ng pinamili. Ganun rin si Abigail, sumama na rin ito sa akin at ang dami na rin nitong nabili.
"s**t, ang sakit na ng paa ko." Reklamo ko.
"Gusto mo kumain muna tayo? My treat."
Tumango ako. Pumayag na lang ako para makaupo na rin, nakakapagod talaga kapag hindi ko kasama si Max. Walang nagdadala ng mga pinamili ko.
Pumasok kami sa isang maliit na resto.
"Sa wakas nakaupo na rin." Nilapag ko sa sahig ang mga paper bag.
Lumapit naman ang waiter. Umorder lang kami ni Abigail ng light snacks.
"Napansin ko puro business suit yata ang binili mo." Napahinto ako sa pagsubo.
"Yeah. May bago kasi kaming business at ako ang mamamahala."
"Really? Anong business?"
"Clothing line. Actually it's my own business, binigay ng ama ko."
"That's good."
"Pero I have a huge problem."
Inubos ko ang pagkain at uminom ng juice.
"Problem?"
"Yeah. My dad wants me to have a partner in business. Gusto kasi nya may kasama ako sa pagma-manage."
"So what seems the problem? Mas ok naman yun hindi ba?"
"Well, yeah but... Uhm nevermind. Basta ayoko lang sa gusto nyang maging kasama ko." Hindi ko na tinuloy ang pagkukwento. Hindi pala kami close.
"Ang asawa mo, bakit hindi sya ang gawin mong partner?"
"Si Max? Oh no. Wag na lang, iba ang gusto nya sa gusto ko. She wants blood and I want money, hindi kami magkakasundo sa negosyo." That's true. Panggagamot ang gusto ni Max kaya malabo talaga.
"Kung ganun mahirap yan." Ngumiti ito. "Well Angelica, if you want I can recommend someone. May kilala akong business minded at makakatulong sayo. Kung gusto mo lang naman masolve ang problema mo."
"Really? Sino?" Hindi ko napigilan ang maging excited.
"Me." Walang paligoy-ligoy nitong wika. Sya?
"Ikaw? Talaga? I mean you will help me?"
"Sure. Nasa states ang business namin at wala akong ginagawa ngayon dito kaya pwede kitang tulungan."
Oh my. She's so nice! Damn!
Sa wakas, sigurado ako na hindi na nila ipipilit si Megan kapag sinabi kong may makakasama na ako.
"Seryoso ka ba? Hindi to joke?"
"Of course."
Nahawakan ko tuloy ang kamay nya dahil sa saya. "Thank you. Kahit hindi pa tayo magkakilala ng matagal pero thank you talaga."
"No problem."
Ang saya ko! Hindi na ako magpapakipot pa, i will grab this.
Hindi na'ko makapaghintay na ibalita to kay Max.
"Can I have your number Abigail?"
"Sure."
Binigay ko ang cellphone ko sa kanya para ilagay ang kanyang number.
"Thanks." Dinial ko agad ang number nito para makuha nya rin ang number ko. "That's my number."
"I'll save it."
Hindi parin nawawala ang ngiti ko. Bakit ba, masaya lang naman ako ah.
"Sige Angel mauuna na siguro ako sayo. May kelangan pa kasing akong puntahan."
"Ha? Sure. Lets just keep in touch ok?"
"Yeah I will." Tumayo ito at tinawag ang waiter para magbayad.
Ang bait naman nya. May ganun pala noh? Kahit hindi pa kami lubusan na magkakilala pero tinulungan agad nya ako? Wow.
•••••