CHAPTER THREE

1904 Words
Hinampas ko ng latigo ang kabayo na sinasakyan ko upang mas bilisan pa nito ang pagtakbo papuntang palasyo. Ano na naman bang katangahan ang pumasok sa utak mo Sabir? Hindi mo man lang ba inisip na halos lahat ng maharlika ng iba't ibang kaharian ay nasa pagdiriwang na ginaganap sa palasyo. Nang malapit na ako sa palasyo. Agad kong nakita ang mahigpit na pagbabantay ng mga kawal sa pasukan. Ang akala ko ba ay may kaguluhan na nangyayari subalit parang wala naman. Kaya napagdesisyonan kong sa itaas na lamang ako dumaan. Tumalon ako ng mataas hanggang sa makatapak ako sa mga bubungan ng mga bahay. Nagpatalon-talon ako hanggang sa nakarating ako sa mataas ng pader ng palasyo. Tahimik akong lumakad doon hanggang sa may nakasalubong akong isang kawal na agad ko namang binato ng punyal. Lumapit ako sa kawal saka ko hinugot ang punyal. Muli akong tumalon sa terasa sa palasyo. "Papaanong nakapasok ang babaing iyan dito? " Umalingaw-ngaw ang boses ng hari ng Vestarima. "Isang lapastangan upang sirain ang kasiyahan ng mga maharlika! " Muling umalingaw-ngaw ang boses nito. Babae? Agad akong tumalon upang punatahan kung saan nanggagaling ang ingay. Natuwa ako ng may makitang bintana na siyang aking tinalunan. Napahawak ang kaliwa kong kamay sa patayong bahagi ng bintana samantalang ang kanan kong kamay ay napahawak sa pahalang na bahagi ng bintana. Mula dito sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang lahat. Katulad ng inaasahan ko napakadaming maharlika ang nandirito sa palasyo. Nagkikisiga't naggagandahang prinsipe at prinsesa isama mo na rin ang mga hari at reyna. Napakaganda ng gayak ng bulwagan kanilang pinagdaraosan ng kasiyahan subalit ang mga ito ay nakatayo lamang at nakatingin sa iisang direksiyon. "Sabir," mahina kong tawag sa pangalan niya. Hindi parin natatanggal ang maskara niya subalit siya ngayon ay nakagapos. Gusto kong lumapit ngunit napakarami ng mga maharlika upang kalabanin. Satingin ko'y mahihirapan ako kapag pinagsama-sama ang pwersa nila. "Ang lapastangang iyan ay nais kitilin ang aking buhay! "Matinis na sigaw ng reyna sabay hampas sa ulo ng kaibigan ko. Gusto kong sugudin ang reyna't gilitan ang kanyang liig subalit hindi ako maaaring magpadalos-dalos sa aking kilos. "Mahal na Reyna Natasia," tawag ng isang prinsipe. "Hayaan mong ako na ang kumitil sa buhay ng lapastangan. " Naalarma ako ng hugutin ng prinsipe ang espadang nasa tagiliran niya at hinaya sa eri upang isaksak sa kaibigan ko. Agad akong tumalon sa kung nasaan ang kinalalagyan ng kaibigan ko't sinalag ang espadang sana'y tatama na sa kaibigan ko. "Isa na namang lapastangan! "Matinis na sigaw ng Reyna. Agad namang natahimik ang reyna ng batuhin ko siya ng punyal ko. "You better shut your mouth. "Tinignan ko ng malamig ang reyna. "Sino kayong mga lapastangan? "Kalamadong tanong ng isang hari. Hindi ko sinagot ang kanyang katanungan sa halip ay tinulungan kong tumayo ang kaibigan kong si Sabir saka tinanggal ang tali nito. "Labyryth, Patawad mm. " halos pabulong na lamang ang kaniyang pag-imik. Ngayon ko lamang nakita ang mga tama niya sa baywang. "Huwag ninyo ng tangkaing tumakas, Pahihirapan lamang ninyo ang sarili ninyo. "Mahinhing saad ng prinsesang may kulay pulang buhok. "Sandia,"tawag ng prinsipeng may pulang mata sa babae na siyang ikinatahimik nito. "Mga kawal dakpin ang dalawang intremetido. " Ma-awtoridad na utos ng hari sa mga kawal. Agad otong pumunta sa amin ngunit hindi ko ito hinayaang makalapit sa amin ni Sabir. "Dakpin ang mga intremetido buhay man o patay. "Muling utos ng hari kaya marahas kaming sinugod ng mga kawal. "Keep your self safe. " bulong ko sa kaibigan ko. Huminga ako ng malalalim. Ayaw ko sanang baliin ang batas ko ito subalit kailangan. Pinipilit nila ako Tinaas ko ang espada ko bilang paghahanda ng pag-atake. Ipinikit ko ang aking mga mata. I become more faster whenever I close my eyes. Naramdaman kong gumalaw na ang mga kawal kaya siya ring paggalaw ng aking kamay upang salagin ang ataki nila at upang umataki. Katulad inaasahan, Nang magmulat ako ng mata ay nakahandusay na lahat ng mga kawal at may dalawang prinsipe na sugatan. Nakamamangha hindi ko naramdaman ang presensiya ng dalawa. "Sino ba kayong mga lapastangan? "Hirap na tanong ng sugatang prinsipe. Tinignan ko ito at ngumisi sa ilalim ng itim na nakabalot sa aking bibig. Muli kong inalalayan ang kaibigan ko saka tumalon sa binta na siyang pinanggalingan ko kanina. Bago pa man kami muling tumalon ni Sabir sa kabilang bahagi ng palasyo ,"I'm Labyryth Kelleighn Yveriaz. You better not to forget my name. " "Isang Yveriaz?! "Halos may pagkasindak sa tono ng pakakaimik ng reyna. One Yveriaz can't kill them with the force they have but the whole Yveriaz Familia can vanish them. "Ah! "Napangiwi si Sabir habang nililinis ko ang mga sugat niyang natamo sa pakikipaglaban sa palasyo. "Huwag mo namang diinan, Labyryth. Ang sakit kaya. "Angal niya sa akin. "Talagang masasaktan ka sa akin. Sino ba namang tanga ang papayag na sumugod sa palasyo. Ha?! "Diniinan ko pa lalo ang paglilinis sa mga sigat niya. "Humanda talaga sa akin ang gagong Wagon na yon kapag nakita ko. Magaaklas na talaga ako sa grupo niya. " Ang gagong 'yon balak pa yata ipahamak ang kaibigan ko. "At ikaw naman bakit mo tinanggap-tanggap ang misyon na iyon? Alam mo namang delikado! "Hindi ko maiwasang mainis sa kanya. Nag-aalala lang naman ako bilang kaibigan niya. Ayaw ko naman mawala ang nag-iisang tao na siyang tumuturing sa akin bilang isang tao. "Alam mo namang hindi ko kayang humindi kay Wagon. "Nakatungo niyang saad. Alam ko namang may gusto itong si Sabir kay Wagon pero nagpapakatanga na siya kaya hindi na maaari iyong ginagawa niya. "Then learn to say it or else I'll kill Wagon." Pagbabanta ko sa kanya. "Labyryth naman---ah! " Daing niya ng diinan ko ng muli ang paglilinis sa sugat niya. "Huwag ka ng magpakatanga sa sira-ulong 'yon wala siyang paki-alam sayo! " Malakas kong sigaw sa tainga niya kaya agad siyang napatakip sa tainga niya. "Aray! Labyryth! Pag ako gumaling humanda ka sa akin! "Tinawanan ko lamang si Sabir. Makalipas ang ilang minuto ay natapos narin ang paglilinis ko ng sugat ni Sabir. "Lalabas lamang muna ako ng kuweba, Sabir. Pupunta lamang ako sa may ilog huhugasan ko ang mga damit nating may mga dugo. "Pagpapa-alam ko sa kaibigan ko. Tumango naman siya kumuha ako ng kasuotan ko bago ako lumabas ng kuweba. Malayo kami sa sentro ng Vestarima kaya panatag ang loob ko na hindi nila matutunton ang kuwebang pinagtataguan namin ni Sabir. Nang makarating na ako sa tabi ng ilog ay parang nagdalawang isip akong doon linisin ang mga damit naming duguan sapagkat napakalinis at napakalinaw ng ilog. Subalit napakalangsa din naman ng dugong nakadikit sa damit namin at mga dugong nakadikit sa balat ko. Isinabit ko muna ang sa kahoy ang malinis kong dalang damit upang masimulan ko ng linisin ang mga madudugong damit. Inuna kong linisin ang damit ni Sabir na napakarami ng butas dahil sa mga saksak na natamo niya noong labanan sa palasyo. Nakakapagtaka lamang dahil parang tila hindi man lang nakalaban si Sabir. Nang matapos ko ng linisin ang damit ni Sabir ay sinunod ko na ang damit ko na halos mapuno ng dugo. Tumingin muna ako sa kapaligiran. Sinigurado ko munang walang tao sa kapaligaran bago ko hubarin ang aking kasuotan. Lumantad ang aking kahubaran ng tanggalin ko ang aking saplot. Ilang sigundo ring nagkulay dugo ang ilog ng ibuntog ko ito sa tubig subalit nawala din iyon agad dahil sa pag-agos ng tubig. Nang malinis ko na ang dalawang damit ay lumusong naman ako sa ilog. May kalaliman din pala ang ilog na ito dahil ilang hakbang palamang ay hanggang baywang ko na lumakad pa ako hanggang sa maging hanggang balikat ko na ang tubig. Dinadama ko ang malamig na pag-agos ng tubig ng may maramdaman akong kakaiba. Tila ba nag-iinit ang pakiramdam ko at parang may kung anong kulang sa akin. Lalong lumalala ang pakiramdam kong ito habang tumatagal. Gusto ko ng umahon subalit hindi ko magawa. Nanlalabo na rin ang aking paningin. Hindi ko alam kung bakit. Tunog ng pagtilamsik ng tubig ang aking narinig. May tao ba? Sigurado akong sinuri kong maigi ang kapaligiran kanina at wala ni-isang tao akong nakita. Bakit hindi ko naramdaman ang presensiya ng taong ito? Nakaramdam ako ng kiliti ng magdampi ang balat namin sa isa't isa. Ano itong nararamdaman ko? Hinawakan niya baywang ko saka ko naramdaman na hinihila na niya ako. I'm a damn Assassin pero bakit wala akong magawa? Hindi ko narin makontrol ang sarili ko. Lalo na ang kamay ko na kung saan saan na humahawak sa taong humahatak sa akin ngayon. Napakakisig at napakatigas ng katawan niya. Hinawakan ko ang matigas niyang dibdib saka ako tumingin sa mukha niyang hindi ko maaninag. "s**t, She's naked!"Rinig kong mura ng lalaki. "Control yourself, Leiden." Narinig kong bigkas ng lalaki. Ramdam kong nasa babaw na kami ng ilog dahil nadadama na ng katawan ko ang malamig na ihip ng hangin subalit napakainit parin ng pakiramdam ko. "f**k! Your naked!"Gulat na gulat nitong saad ng tuluyan na kaming makaahon sa ilog. "Ang init, " mahinang saad ko. Ano ba itong nararamdaman ko. Pakiramdam ko'y lutang na lutang ako. "Magsuot ka muna ng kasuotan binibini bago tayo mag-usap. "Saad ng lalaki saka binato sa akin ang damit kong nakalagay kanina sa sanga ng kahoy. "I can't, " Sabi ko na tila ba pagod na pagod. Hindi ko talaga alam kung bakit ba parang pagod na pagod ako. Rinig kong bumuntong hininga ang lalaki saka dahan dahan akong binihisan. "Damn! " Mura niya sa tuwing naglalapat ang balat namin. Tagumpay naman niya akong nabihisan. "Ilang minuto nalang at mawawala na iyang nararamdaman mong init. Control yourself para wala kang pagsisihan. " Sabi niya sa akin saka lumayo ng isang metro sa kinakatayuan ko. Katulad nga ng kaniyang sinabi unti-unti ng nawawala ang kakaibang nararamdaman ko at nagbalik na sa tamang wisyo ang pag-iisip ko. Agad akong napatakip sa katawan ko ng maalala ang mga pangyayari. Heck! He saw me naked!! "Ayos ka na? " tanong ng lalaki habang papalapit aa akin. Tumango naman ako sa kanya. "Hindi ka taga dito? "Tanong niya sa akin. Muli akong tumango. Bumuntong hininga siya, "Kaya naman pala. "Natatawa niyang saad. "Ano? "Kunot noong tanong sa kaniya. Tumingin ako sa kanya at kapansin-pansin ang asul niyang mga mata. "Kaya naman pala hindi mo alam ang tungkol sa ilog na ito. "Tumingin siya sa ilog atsaka muling tumingin sa akin. "Ang ilog na iyan ang River of lust. "Halos mamula ang pisngi ko sa narinig ko. Kaya pala kakaiba ang nararamdaman ko kanina. "Kung ganoon ay isa kang Vestarian?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang umiling. "Kung ganoon ay papaano mo nalaman ang tungkol sa ilog na ito? " "Nalaman ko sa kaibigan kong dito naninirahan. "Tumango tango naman ako bilang pagsang-ayon aa kanya. Ilang saglit kaming natahimik ng siya na mismo ang bumasag sa katahimikang iyon. "Alam mo bang ang hirap magkontrol ng sarili kanina lalo na't balingkinitan ang nasa harapan. " Sabi niya saka siya tumayo. "Aalis na ako Binibini. Mag-ingat ka sa susunod baka wala na ako doon para muli kang iligtas... Paalam. Labyryth." Nagulat ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Paanong nalaman niyang ako si Labyryth? "Teka! "Tawag ko sa kanya. Tumigil naman siya saka lumingon sa akin. "Paanong nakilala mo ako?" Ngiti lamang ang kaniyang isinagot saka muling tumalikod at naglakad. Sino ba ang lalaking iyon? iKnoW_L
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD