"Patawad sa aking naging kapangahasan, Labyryth. " Pagkausap sa akin ni Wagon ng matapos na ang aming pagpupulong.
"Forgiveness granted. " Malamig kong tugon sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "Hindi sa lahat ng oras mabibiro mo ang tao, Wagon. Kaya mag-ingat ka sa mga salotang bibitawan mo. " Ramdam ko ang takot na bumabalot kay Wagon. Dahil alam niyang malayo ang antas namin sa isa't-isa. Alam niyang kaya ko siyang patayin ng hindi niya namamalayan dahil simula pagkabata minulat na ako ng aking pamilya upang pumatay.
Hindi na rin siya pa nangulit dahil may kanya kanya pa rin kaming misyon ngayon dito sa Vestarima.
Pumunta kami ni Sabir sa kagubatan at humanap ng kuweba doon namin hinintay ni Sabir ang pagsapit ng dilim bago kami naghanda ng aming mga sarili.
Hinanda ko na ang sarili ko, binalot ko ng itim na tela ang mukha ko. Tanging mata at ilong lamang ang kita sa akin. Sinuot ko rin ang itim na kapa na bigay sa akin ng kapatid kong lalaki na nakakatanda sa akin. He said, it will protect me. Hinanda ko na rin ang mga sandata ko; ang mga punyal at ang espada ko. Sinubukan ko rin gamitin ang aking mahika na hindi ko pa alam kung ano. Hindi pa rin ito lumalabas samantalang dapat ay noong bata pa ako lumabas na ito.
"Labyryth, tulungan mo nga akong isuot itong damit ko. "Napalingon ako sa kaibigan kong si Sabir na ngayon ay nahihirapan sa pag susuot ng damit niya.
Tanging ang damit panloob lamang niya ang suot niya ngayon. Wala namang malisya dahil pareho kaming babae.
Kaya kitang kita ang napakagandang kurba ng katawan nito. Kita rin ang kaisa-isa nitong pilat sa kanyang baywang na siyang parang itinatak.
"Tumataba ka na, Sabir. Ang sikip na ng damit mo sayo. "Biro ko sa kanya na ikinasimangot niya. Napakasaya talaga biruin nito.
"Hindi ko na nga dinadalasan ang pagkain ko. " Nakanguso niyang sabi sakin. Habang tinutulungan ko siyang isuot ang damit niya sa kanya.
Tinali ko ng palaso' ang tali na nasalikod niya na siyang sumusuporta sa damit niya upang huwag malaglag. Kasunod niyang nilagay ay ang kanyang maskara na ang sakop ay ang buo niyang mukha. Tanging mata lamang ang kita sa kanya. Nilagyan din niya ng itim na taklub ang kanyang ulo upang hindi makita ang kanyang buhok. Ang kasunod ay inayos niya ang kanyang gamit at sinubukan niyang gamitin ang kanyang mahika. Mayroon siyang mahika na kayang magpalutang ng mga bagay. Kaya rin niyang mag summon ng mga espirito.
"Handa na ako! "Masigla niyang saad.
"Ako rin. " Saad ko.
Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. "Sabir, " Tawag ko sa pangalan niya ng humigpit pa lalo ang yakap niya.
"Wish me luck, Labyryth! "Masaya niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan dahil ang madalas niyang sinasabi sa akin kapag naghihiwalay kami upang sumabak sa misyon ay 'Let's do our best, Labyryth'. Subalit ngayon--?
Kumalas ang pagkakayakap sa akin ni Sabir saka humalik sa pisngi ko. "Aalis na ako, Labyryth. " masaya nitong saad saka kumaway.
Hindi ko talaga alam pero may masama akong kutob.
Hindi ko namalayan na nakalayo na pala si Sabir at hindi ko na siya matanaw kung nasaan. Kaya nagsimula na rin ako maglakad upang puntahan ang misyon ko.
Tahimik kong pinasok ang tahanan ng Familia Crolen isa sa mga maimpluwensiyang angkan dito sa Vestarima.
Dumaan ako sa pambungad pintuan ng mga Crolen. Hinayaan kong makita ako ng mga tagabantay ng Crolen.
"Sino ka? " Mapagbantang tanong ng mga tagabantay habang nakaharang ang mga sandata ng ito upang hindi ako makapasok.
Sa halip na sagutin sila mabilis kong kinuha ang aking espada. Sa isang iglap ay bigla silang nagbagsakan sa sahig.
Lumakad ako ng kaunti saka muling tumigil, "By the way, my name is Labyryth Kelleighn Yveriaz. " Pagpapakilala ko sa mga patay na katawan ng mga tagabantay bago muli ako magpatuloy sa loob.
Katulad ng aking inaasahan madaming mga kawal ng tahanan na ito. Subalit hindi na ito bago sa akin. Sa dami na ng mga nasabakan kong ganitong misyon ay nasanay na ako.
Tumapak ako sa gilid ng dingding ng may isang kawal ang dapat ay sa saksak sa akin. Tumakbo ako upang sumalida. Matikas kong iginalaw ang aking braso upang hiwain ang mga katawan ng mga kawal ng Crolen.
Panay ang pagdaing ng mga kawal at pagdanak ng dugo sa bawat pagsugod ko at pagsugod sa aking mga kawal ng mga Crolen.
Umakyat ako sa hagdan na siyang kumukonekta sa ikalawang palapag.
"Anong nangyayari--"Hindi na natapos ang sasabihin ng Isang lalaking na sa palagay ko ay nasa gitnang edad pa lamang. Nang makita ang nagkalat na patay sa ibaba ng kanilang tahanan.
"Anong kalapastangan ito?! "Galit na sigaw ng lalaki at nakahanda na siyang lumaban. Sa palagay ko'y gagamit siya ng mahika. Subalit hindi ko na siya pa binigyan ng pagkakataon at ginamit ko ang itinuro ng aking kapatid na babae na mas nakakatanda sakin ang paraan ng pagtakbo ng mabilis na siyang madalas kong gamitin. Ipinahalang ko ang posisyon ng aking espada saka ito hiniwa sa katawan ng lalaki.
Kita ko ang paghiwalay ng dalawang bahagi ng katawan ng lalaki habang sumisirit ang dugo nito na siyang tumatama sa akin.
Sumilay ang aking mata sa isang pintuan. May isa 'roong bata na tulalang nakatitig sakin habang sa kanyang pisngi ay may tumutulong tubig galing sa kanyang mga mata.
"Ama!" Bigla itong natauhan saka tumakbo sa direksiyon ng kanyang ama. "Anong ginawa mo kay ama?!" Halata sa maliit nitong boses ang matinding galit.
Malamig ko lamang itong tinignan na sa palagay ko'y mas ikinagalit ng bata. Ibinuka ng bata ang maliit niyang palad saka may apoy na lumabas doon. Mabilis naman akong nakailag sa naging pag-attake ng bata.
Tinignan ko siyang muli, " Hindi ako kumikitil ng buhay ng isang bata kaya huwag mo akong pilitin. " Kita ko ang matinding pagkasindak ng bata.
"Ina!"Malakas na sigaw ng bata.
Ilang sandali lamang ay nagmamadaling yapak ang akong narinig ang papalapit sa amin.
"Oh my God! "Napatakip ng bibig ang Babae na ngayon ay kadadatal pa lamang. "Ernesto, Aking mahal!"Humahagulhol na sigaw ng babae. Di umano ay bumaling ang paningin ng babae sa akin. "Sino kang lapastangan? Anong ginawa mo sa asawa ko?!"Hiyaw nito sa akin. Bakas sa mukha nito ang matinding poot sa akin.
"Huwag kang mag-alala isusunod na kita. "Malamig kong saad sa babae. Namutla ang babae sa di mawaring dahilan. Subalit napanatili parin nitong mapakalma ang kanyang sarili at nakapaglabas ng kapangyarihang apoy. Mas malakas iyon kumpara sa kapangyarihang pinalabas ng bata.
Sinalag ko ang apoy na kanyang pinalabas gamit ang aking kapa na siyang nakapagpalusaw ng apoy na papunta sa akin.
Patuloy niya akong pinatamaan habang humihiyaw na may pagpipighati. Patuloy rin ako sa pagsalag sa mga atake niya hanggang sa nakakita ako ng panahon upang ako naman ang umatake. Ipinusisyon ko na ang aking sandata upang kitilin ang buhay ng babae. Subalit na udlot ang aking pag-atake ng may sumalag ng aking espada.
"Ina, tumakas na kayo ni Aki ako na ang bahala dito!"Utos ng binatang sumalag ng espada ko. Malamig ko siyang tinignan. Saglit akong nagulat ng makitang hindi magkagaya ang dalawa nitong mata. Kayumangi ang isa at ang isa naman ay berde.
"Subalit anak, "May pag-aalinlangan pa ang ina ng binata bago kinuha ang bata.
Iginalaw ko ang aking espada upang bumuo ng bagong posisyon na muling nasalag ng binata. Napahanga naman ako sa taglay nitong lakas. Subalit hindi iyon sapat para talunin ako. Mabilis akong nagbago ng posisyon upang mahawakan ko ang braso niya na siyang may hawak ng kanyang sandata. Binali ko ang braso niya kaya napasigaw siya sa sakit.
Inilipat niya ang kanyang sandata sa kamay niyang walang bali. Subalit naging mahina ang kanyang depensa dahil sa kanyang bali. Kasunod kong binali ay ang dalawa niyang binti. Nawalan na ng balanse ang katawan ng binata kaya napahiga na lamang ito sa sahig ng kanilang tahanan.
"Ah! Tama na! "Paki-usap niya sa akin. Subalit tinignan ko lamang siya.
Pinosisyon ko ang espada ko saka ko kinitil ang buhay ng naghihingalong binata.
Muli kong nilibot ang bahay upang hanapin ang mag-ina. Hindi naman ako nahirapan dahil pagod na ang babae kanina dahil sa kapangyarihan binato niya sa akin.
"Paki-usap huwag mo kaming patayin. "Humahagulhol na pagmamakaawa ng babae habang yakap yakap nito ang anak niya na ngayon ay umiiyak din. May kirot na dumapo sa akong puso kaya napagdesisyonan kong huwag na silang patayin kaya tumalikod na ako.
"Mamatay ka na! " Narinig kong sigaw niya kasabay ng parang dagok sa likod ko. Lumingon ako sa babae. Nagpakawala pala muli ito ng kapangyarihang apoy niya. Tinangka niya akong patayin!
Nawala ang awa ko sa babae kaya itinarak ko sa puso niya ang aking espada. "Sumpain ka sana ng mga Diyosa! "Utas nito bago mamatay.
"Ina!" Sigaw ng bata.
Inilahad ko ang kamay ko sa bata upang hatakin siya sa kandungan ng kanyang patay na ina. "Halika na bata."
"Ayaw ko sayo! Pinatay mo ang pamilya ko! "Sigaw niya sa akin.
Isa na namang bata ang may ayaw sa akin. Nakakatawa pero isa na namang bata ang naulila dahil sa kagagawan ko.
Kinuha ko ang maliit kong kuwaderno upang lagyang ng guhit kung ilan ng bata ang nagawa kong ulila.
Napabuntong hininga ako ng makitang halos mapuno ko na lahat ng pahina ng aking kuwaderno.
Napabuntong hininga muli ako saka ko hinampas ang bata sa batok niya upang makatulog ito . Hinugot ko ang espada ko sa ina ng bata pinunasan ko muna ito bago ko ilagay sa kaluban nito. Binuhat ko ang bata upang dahil sa kabilang kaharian. Upang ibigay sa ibang pamilya.
Lumabas na ako ng tahanan nila. Kumuha ako ng isang kabayo sa kanilang kwadra upang sakyan papunta sa Ulsara Tremia ang kalapit na kaharian ng Vestarima.
Ganito lagi ang ginagawa ko sa mga batang nauulila dahil sa akin hindi ko sila hinahayaang mawalan ng maituturing na pamilya. Subalit bago ko iyon gawin ay binubura ko ang kanilang alaala sa pamamagitan ng pagpapainom ng tubig galing sa talon ng pagkalimut.
Subalit sa pagkakataong ito ay hindi ko nadala ang bata sa kabilang kaharian sapagkat naalala ko ang kaibigan kong si Sabir. Hanggang sa nasasakupan lamang din ng Vestarima subalit ito'y malayo sa pinaka sentro ng Vestarima.
Iniwan ko ang bata sa isang kubo. Nag-iwan ako ng sulat may-ari ng bahay. Pagkatapos ay agad akong nagmadaling bumalik sa Sentro ng Vestamira.
Muling nagbalik ang pag-aalala ko sa kaibigan. Saan ko nga ba siya pupuntahan? Hindi ko alam kung saan ang kanyang misyon.
"May kaguluhan na naman nangyayari sa Palasyo. "Narinig kong pag-uusap ng mga tao na ikinabahala ko.
Sana naman hindi tama ang kutob ko.
iKnoW_L