Episode 73

1199 Words

"Ma, pinasasabi po ni Aling Clara na aani raw po kayo ng mga mani sa hacienda bukas. Magpunta na lang raw po kayo sa bahay nila." Imporma sa akin ni Santino matapos makauwi galing sa eskwelahan. Tuwing anihan ng kahit anong pananim sa hacienda ay sumasama ako. Sayang din kasi ang kita maging ang mga mauuwi kong mga sobra sa kung anong produkto ang aanihin. "Ganun ba? Pupuntahan ko na lang mamaya pagkatapos kong magluto ng hapunan." Sagot ko naman sa anak ko. Kasalukuyan kasi akong nagsasaing ng bigas sa kalan namin na ginagamitan ng kahoy. Wala naman akong pambili ng gas stove kaya matiyaga na lamang ako na naghahanap ng tuyong kahoy na pwedeng ipanggatong o kaya naman ay uling ang aking gamit. Nang makaluto ako ay agad akong gumayak patungo kay Ate Clara na mas matanda sa akin ng ilan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD