Nakatulog na si Leleng matapos nilang paliguan na magkapatid. Nasa kwarto na si Larissa upang gawin ang mga homework nito kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon para kausapin ng masinsinan ang ama. Mula sa bag ay kinuha niya ang dalang pera na ipinahiram sa kanya ni Kade. Hindi niya iyon binawasan para buo ang maibigay niya sa ama. "Pa, dala ko po ang kakailanganin nating pera. Gusto ko sana na ako na ang magbayad sa ospital kaso kapos na rin ako sa oras. Kayo na lang po ang magpunta roon para bayaran ang balanse natin. Bilhin ni'yo na rin po ang ilang gamot at gamit na kakailanganin natin para kay mama..." aniya. "Ang laki naman nito anak, saan ka nakakuha ng ganito kalaking halaga?" usisa ng ama habang tinitingnan ang laman ng paper bag. "Bumale po ako sa amo ko. Mas okay na sa i

