MALALANG LAGAY NI LELENG

1112 Words
"Huwag mong sasabihing lalayasan mo ako, Ken? Alam mo naman na pumayag lang akong sumama rito sa tinutuluyan mo dahil ang sabi mo ay babayaran mo ako ng malaki!" turan ni Myra nang makita nito si Ken na nagsusuot ng pang-ibaba. "Punta muna ako sa tindahan, nagpadala raw si Dani ng sampung libo." Balewala nito sa sinabi ng kausap. Biglang nagliwanag ang kanina'y nandidilim na mukha nito. "Wow! Talaga? Paldopaldo ka na naman pala ngayon!" ngising sambit nito. "Tanga! Para 'yun sa nanay niya na naospital na naman daw!" singhal ni Ken. "Makatanga naman 'to wagas! Malay ko ba!" ani Myra. "Huwag mong sasabihin na ibibigay mo lahat ng pera na ipinadala sa'yo?" muling wika nito. "Tigilan mo nga ako Myra, pwede ba? Itikom mo muna 'yang bibig mo? Mamaya na tayo mag-usap." "Okay, pogi! Balik ka agad ha!" malanding wika ng dalaga kasabay ng bahagyang paghimas nito sa gawing pundilyo ni Ken. Biglang nag-iba ang timpla ni Ken, bahagya itong namula at tila gigil na gigil sa babaeng kaharap. "Humanda ka sa'kin mamaya!" anang binata bago lumabas ng pinto. Dumiretso ito sa tindahan para kunin ang ipinadala ng nobya. Hindi niya ibibigay ang lahat ng iyon sa pamilya ni Dani. Kilala niya si Dani, hindi ito matanong. Isa pa, magulo pa ang isip nito dahil sa sitwasyon ng ina kaya hindi na ito mag-iisip ng kung anu-ano at iyon ang sasamantalahin niya. "Aleng Flora, may padala raw sa'kin si Dani. 10k daw 'yon, pakiawas na lang 'yung utang kong alak sa'yo noong nakaraang linggo!" aniya. Inunahan na niya ang matanda keysa naman magbunganga ito. "Napakaswerte mo talaga kay Danica, 'no? Tapos niloloko mo lang, napakawalanghiya mong bata ka, tsk tsk!" tungayaw nito. "Ano ba naman 'yan, babayaran ka na nga sa utang para hindi ka na magyakyak diyan, hindi pa rin pala ako nakaligtas! Takteng buhay 'to!" aniya. "Hoy, Ken! Mahiya ka naman sa girlfriend mo! Maghahanap ka rin lang ng ipapalit sa kanya sa isa pang prosti!" "Sino ba may sabi na pinapalitan ko na si Dani? Hindi oy! Dinadagdagan ko lang, kasalanan ko ba kung may mga pangangailangan ako na hindi niya maibigay? Eh, kung andito lang siya at ginagawa niya ang gusto ko, e 'di walang Myra na kailangan ko pang bayaran para lang makaraos ako," "Aywan ko sa'yong kupal ka! Sinasabi ko sa'yo, kapag ikaw nagkatulo, magpapainom ako!" ani Aleng Flora. "Heto ang sukli mo, bale 9, 278 na lang mapupunta sa'yo." "Ang laki naman ng kaltas mo, gaano ba kadami utang ko sa'yo? Ilang bote ng empi lang 'yun ah!" "Sira ka pala eh, marami kang utang na lutong ulam! Huwag mong kakalimutan, hindi kita pinapakain dito ng libre! Nagnenegosyo ako hindi nagpapakain ng mga tambay na wasalak!" asik muli ng matanda. Mabilis na kinuha ni Ken ang pera at walang paalam na umalis. Hindi niya matagalan ang tila armalite na bibig ng matandang 'yon. Babalik na lang muna siya kay Myra at iisa muna siya bago magtungo sa ospital. Kanina pa siya laway na laway sa mabangong katawan ni Myra at pagsasawaan muna niya iyon bago harapin ang problema ng kasintahan. Kung siya ang tatanungin, mas okay pa sa kanya na mawala na lang si Leleng. Bawas sa gastusin kapag nawala na ito. Pwede na silang maikasal ni Dani at mapapasakanya na lahat ng sahod nito ng wala siyang kahati. Para sa kanya ay isa lamang pabigat si Leleng at hadlang sa kanila ni Dani. Laking tuwa niya siguro kung tuluyan na lang itong mawala. *** Ang sabi ng doktor ay kailangang manatili ni Leleng sa ospital upang maobserbahan ito. Kinakailangan ring dumaan sa ilang test ang ginang dahil sa pamamanas ng mga paa nito kasabay ng pagtubo ng mga butlig at tila mga rashes sa buong katawan. Hindi rin mapigilan ng ginang na magkamot nang magkamot kaya nagkakaroon na ng mga sugat sa buong katawan dahil sa matinding pagkaskas ng mga kuko nito. Ang sabi ng doktor ay malaki ang hinala nito na may diabetes na ang ina at ang mga rashes nito ay hindi simpleng rashes lamang. God forbid, but her symptoms might lead us to her failing liver.  Iyon ang mga salitang unang sinabi ng kapatid nang makausap niya. Iyon daw ang narinig nitong sabi ng doktor kanina. Tila kandilang biglang naupos ang dalaga nang marinig iyon mula sa kapatid. Napakarami na ng sakit na dinaramdam ng ina. Bakit hindi ito nauubusan ng sakit? Bakit napakarahas naman ng katawan nito? "Saka ate, ano kasi..." Ani Larissa. "Ano'ng ano? Sabihin mo sa'kin, Rissa." "Iba na kasi si Mama ngayon, madalas na siya humiyaw kahit sa gabi. Minsan may mga oras na puro na lang siya tulog tapos may mga araw rin na hindi na siya natutulog. Ang sabi niya sobra na raw sakit ng katawan niya. Kapag hinihilot naman namin ni Papa, ayaw naman niya." "Sinabi mo na ba 'yan sa doktor?" "Opo, kaya nga kanina, isinalang siya sa xray tapos kinuhanan siya ng dugo para sa blood test. Nilagyan na rin pala siya ng catheter kasi yung tube niya para sa dialysis sa may bandang dibdib, may namuo raw na dugo. Sabi ng nurse, baka raw nagalaw ni Mama, hindi na makapasok 'yung gamot kaya habang narito raw siya sa ospital, hahanapan muna ng ibang papasukan." "Ano'ng ibig mong sabihing ibang papasukan? Ibig mo bang sabihin, bubutasan ulit si mama?" nanlulumong wika niya. "Opo, binutasan na po siya sa kanang singit niya kanina. Tapos binigyan rin kami ni Tatay ng panali para daw sa gabi, kailangang itali si mama kasi baka raw mahugot 'yung tubo. Delikado raw kasi pag nahugot 'yun mahihirapan raw na maampat ang dugo sabi ng doktor." "Diyos ko po...Gising ba si mama?" tanong niya sa nanghihinang tinig. "Kakatulog lang po ate, hindi na po namin ginising para makapagpahinga siya. Baka kasi mamaya hindi na naman siya makatulog. Hindi naman siya pwedeng painumin ng sleeping pills kasi makakasira raw sa kidney niya 'yung gamot na iyon." Awang-awa siya sa kalagayan ng ina ngunit wala siyang magawa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya para maibsan ang paghihirap nito. "Saka ate mayroon pa pala..." muling wika ni Larissa. Nakagat niya ang pang-ibabang labi bago sumagot sa kapatid. "Ano 'yon?" "Sabi po ng doktor kanina, sa sobrang lakas raw ng gamot na iniinom ni mama ay naapektuhan na ang utak niya. Nagsisimula na kasi siyang maging bayolente ate, kanina nahampas niya si Papa. Pinagtulungan nga siya ng mga nurse kasi nagwawala na siya." Tuluyan ng nalaglag ang luhang pilit niyang pinipigilan. Sa tingin niya ay unti-unti nang nangyayari ang kinakatakutan niya o higit pa sa iniisip niyang mangyari sa ina. Ano na ang gagawin niya? Paano niya matutulungan ang ina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD