Sa pagkakaospital ni Leleng at sa pagdami ng mga kumplikasyon nito, marami na ring pagkain ang ipinagbabawal sa ginang gaya na lamang ng balimbing, mga prutas na matubig, matatamis at maaalat na pagkain. Bawal na rin ang kape, tinapay, at tsokolate. Pinapabili sila nito ng gatas na para sa mga cancer patients ngunit may kamahalan rin. Nagbigay ang nutritionist nito ng listahan ng mga pwede nitong kainin ngunit may limit lamang. Hindi ito pwedeng kumain ng marami. Bukod kasi sa diabetes ay hindi pa rin humuhupa ang pamamanas ng paa nito kaya naghihigpit na rin ang mga doktor bagay na sinang-ayunan ng dalaga basta gumaling lamang ang ina. Patuloy rin ang dialysis si Leleng habang nasa ospital kaya nonstop rin ang bayarin. Ang ikinakatakot niya ay baka sumunod namang madali ang puso ng ina. Sobrang bagsik kasi ng cancer ng ginang dahil kumalat na ito sa katawan. Idagdag pa ang pagiging malilimutin nito na isa rin sa epekto ng malakas na gamutan.
"Iuwi mo na lang ako anak, ayaw ko na rito sa ospital. Pakiramdam ko ay mas mapapadali ang buhay ko kapag nagtagal pa ako rito," pakiusap ni Leleng kay Danica nang tawagan ito ng huli.
"Pero 'ma, kailangan pa kasi ng mga doktor na suriin ka pa ng mas maiigi para malaman kung ano talaga ang pinagmumulan ng pamamanas mo maging ang pangangati ng katawan mo."
"Anak, kung mahal mo ako ay susundin mo ako. Iuwi na ninyo ako ngayon din, ayoko na... Pagod na pagod na ako!" giit ng matanda.
Nakagat ng dalaga ang pang-ibaba niyang labi. Masakit para sa kanya ang marinig ang paos na boses ng ina. Alam niyang hirap na talaga ito ngunit mas lalong lalala ang kondisyon nito kung iuuwi lang nila.
"Sorry 'ma, mahal kita pero hindi ko yata kayang pauwiin ka lalo na sa kalagayan mo ngayon..."
"Bakit ba ayaw ninyo akong pakinggan?! Ako ang maysakit, ako ang nahihirapan at hindi kayo, iuwi na ninyo ako o mamamatay ako rito!" singhal ng ina.
Napapikit siya ng mariin nang marinig ang pagtaas ng boses ng ina. Tama ang sinabi ni Larissa sa kanya, nagiging mainitin na nga ang ulo ng ina. Buti na lang maagap ang mga nurse na nakatoka sa ward ni Leleng dahil nang marinig ng mga ito ang pagsigaw ng matanda ay kaagad itong sumaklolo. Sinaksakan ng pampakalma ang matanda para hindi na ito magwala pa.
"Anak, ano na ang gagawin natin sa mama mo? Nahihirapan rin akong makita siya na nahihirapan. Kung pwede nga lang na akuin ko na lang ang lahat ay gagawin ko." humihikbing wika ng ama.
"Wala po tayong magagawa 'pa kung hindi maghintay ng resulta ng mga test ni mama. Kung ano ang ipapayo ng doktor. Iyon po ang gagawin natin."
"Paano ka anak? Ang laki na naman tiyak ng bill natin dito sa ospital. Hindi rin naman kita matulungan dahil alam mo namang simula magkasakit si Leleng ay ako na ang nag-alaga sa kanya."
"Huwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala. May naitabi naman po ako sa bawat sahod ko. Kung magkulang man ay magka cash advance na lang po ako sa mga amo ko."
"Pasensiya ka na anak, hindi man lang ako makatulong sa'yo..."
"Iyong pag-aalaga mo kay mama at Larissa ay sapat na po para sa'kin. Kailangan nating maging malakas para kay mama."
"Oo anak, siya nga pala, nagpunta rin dito si Ken kanina. Ang sabi ay pinapunta mo raw siya para kumustahin ang lagay ng mama mo."
"Opo, napakiusapan ko po siya na magpunta diyan," kumpirma niya.
"Nagbigay rin siya ng tatlong libo. Ibinigay ko kay Larissa 'yung iba dahil may bibilhin daw na gamit para sa eskwela."
"Tatlong libo po?" gulantang na ulit niya. Sampung libo ang ibinigay niya kay Ken, saan napunta ang pitong libo?
"Oo, ang sabi niya ay galing raw 'yon sa'yo."
Hindi siya makapaniwala na magagawa pa ni Ken na bawasan ang ibinigay niyang pera sa kabila ng kalagayan nila ngayon. Hindi ba dapat tumutulong ito sa kanya?
"Opo, ibinigay ko nga po 'yun sa kanya para may magastos kayo habang naka confine si mama." Aniya.
"Maraming salamat anak, kaso baka kailangan mo pang dagdagan 'yong ibibigay mo kasi nagbigay ng resetang mga gamot ang doktor para sa katikati ni Leleng. Ang sabi ng doktor ay herpes rash daw iyon. Kailangan daw naming mag gloves sa tuwing hahawakan namin ang mga rashes at sugat niya dahil baka raw kami mahawa lalo na at 'yung mga butlig niya ay pumutok na. May inireseta ring ointment para sa kanya para daw matigil ang pagtutubig ng mga sugat." Ani Niko.
"Sige po 'pa, sabihin ni'yo na lang po sa'kin kung magkano ang kailangan para maipadala ko sa inyo."
Pagkatapos nilang mag-usap ng ama ay humugot siya ng malalim na paghinga. Ang bigat sa pakiramdam na marinig ang sunod-sunod na problema. Paano niya ba kakayanin ang lahat? Bukod sa pinansiyal ay bugbog na rin ang utak niya sa kakaisip ng mga problema at bayarin. May ipon siya pero nangangamba siya na hindi iyon magiging sapat lalo at napapatagal ang paglalagi ng ina sa ospital. Muli siyang humugot ng marahas na buntong-hininga nang sumagi sa isip niya si Ken. Ngayon niya higit kailangan ng pera. Itatanong niya rito kung nasaan na ang iba pa.
"May itatanong lang sana ako mahal, huwag ka sanang magagalit," aniya nang sagutin nito ang tawag niya.
"Ano 'yon?" tanong nito.
"Hindi ba pinadalhan kita ng 10k noong nakaraang araw? 3k lang daw ang naibigay mo kila Papa. Itatanong ko lang sana kung nasaan na 'yung 7k? Pasensiya ka na ha, kasi may mga bibilhin raw na gamot kay mama baka kasi kulangin 'yung iniabot mo." Kabadong wika niya. Umabot sa pandinig niya ang mahinang pagmumura ni Ken ngunit pinalagpas niya iyon. Karamay ang hanap niya at hindi kaaway.
"Hinahanapan mo ba ako ng pera mahal? Ano'ng tingin mo sa'kin, magnanakaw? Sa kabila ng lahat ng ginawa ko sa inyo ng pamilya mo aakusahan mo ako ng ganyan?!" pagalit na bigkas nito.
"Hindi naman sa gano-"
"Huwag kang mag-alala, babalik ako sa ospital ngayon din para ibigay ang 7k mo, nakakahiya naman sa'yo!" singhal muli ng nobyo.
"Mahal, wala naman akong ibang ibig sabihin, nagtatanong lang naman ako... Huwag ka naman sanang magalit,"
"Alam mo Danica, hindi biro ang pag-aalalay ko sa pamilya mo kung alam mo lang. May sarili rin akong buhay na inaasikaso pero kapag may sinabi ka o nanghihingi ka ng pabor, hindi ka nagdadalawang salita sa'kin. Tapos ito lang ba ang matatanggap kong balik mula sa'yo? Ni hindi mo itinanong sakin kung saan ko dinala 'yung ibang pera!"
"Pasensiya ka na, hindi ko sinasadya mahal..." pagpapakumbaba niya.
"Ibinayad ko sa ibang pagkakautang 'yung ibang pera dahil alam mo naman ang sitwasyon ko, tapos naghulog na rin ako sa motor ko dahil natakot naman akong mabatak dahil hindi ako makapaghulog. Alam ko marami kang gastusin at natakot ako na baka hindi ka na naman makapagbigay sa'kin. Mayroon pa namang natira at iyon ang ibabalik ko sa tatay mo pagpunta ko don."
"Sorry na..." wika niya. Lalo siyang panghihinaan kong mag-aaway sila ni Ken.
"Dani, boyfriend mo ako. Balang araw, magiging mag-asawa tayo. Naiintindihan ko na may pamilya kang sinusuportahan pero huwag mo rin sanang kakalimutan na ako ang magiging asawa mo sa hinaharap. Huwag mo naman akong pabayaan at pag-isipan ng masasakit dahil parang hindi ko yata matatanggap 'yan," ani Ken sa malumanay na tinig.
Nakaramdam ng awa ang dalaga sa nobyo. Minsan lang sila mag-away ni Ken at kapag nangyari 'yun ay napakahirap nitong suyuin. "Pasensiya ka na sa'kin, magulo lang siguro ang isip ko. Huwag mo nang ibalik kila Papa 'yung pera. Gamitin mo na lang 'yan sa pangangailangan mo. Ako na lang ang bahala sa mga gastusin." Aniya.
"Sige, salamat mahal," ani Ken sa kabilang linya bago ito nawala.
"Akala ko ba hawak mo sa leeg 'yang girlfriend mo? Bakit hinahanapan ka na yata ng pera ngayon?" ani Myra. Nakatihaya pa rin ito sa ibabaw ng katre niya at wala ni isang saplot sa katawan. Sa kanang kamay nito ay may nakaipit na bagong sinding sigarilyo.
"Hayaan mo siya, kaunting drama ko lang kay Dani, sigurado akong titiklop 'yon!" pagmamalaking wika ni Ken.
"Talaga lang ha!" diskumpiyadong wika ng dalaga.
"Pwede ba Myra, huwag mo ngang pinag-iinit ang ulo ko!" ani Ken.
"Ito naman, hindi na mabiro..." ani Myra. Inilapag nito ang hawak na yosi sa stainless ashtray sa gilid nito. Pagkatapos ay bumangon ito sa pagkakahiga at nilapitan si Ken na nakasuot lang ng mumurahing boxer short. "Hayaan mong pag-initin kita sa ibang paraan, alam kong magugustuhan mo ang gagawin ko sa'yo..." dugtong nito matapos ibaba ang boxer ng binata.
Tumambad sa harapan nito ang two inches na natutulog na alaga ng kaharutan. Maliit lamang ang kargada ni Ken, umaabot lamang ng 4inches kahit galit na galit na ito. Ngunit walang pakialam pa si Myra dahil galante naman ang binata. Lalo na kapag napapadalhan ito ni Dani. Kahit hindi siya magsalita ay malaki ito kung magbayad sa kanya kumpara sa iba niyang costumer.