Tatlong linggo nang nakaconfine si Leleng sa ospital at bahagya na ring bumuti ang lagay nito. Napagdesisyunan nilang iuwi na ang ginang para makalanghap na ng sariwang hangin. Bahagya na ring nawala ang pamamanas nito at pangangati. Mahigpit na ibinilin ng doktor ang pagsunod sa mga pinagbabawal na pagkain. Kinailangan rin nilang bumili ng BP monitor para macheck nila palagi ang blood pressure ng ina at ng blood glucose monitor para mabantayan nila ang blood sugar nito.
Masaya si Leleng sa pag-uwi nito, palagi na itong nakangiti na parang walang dinaramdam. Dahil doon ay medyo napanatag na rin ang dalaga.
"Sa wakas ay uuwi ka na 'ma!" masiglang sambit niya ng makausap ito sa telepono.
"Oo nga anak, sabi ko naman sa inyo, mas makakabuti sa'kin kung sa bahay na lang ako. Wala pa tayong gastusin, hindi tulad dito sa ospital. Hindi na nga magandang paglagian ang mahal pa ng babayaran!" nakaingos na reklamo nito.
"Hayaan mo na 'ma, ang importante ay maayos ka na. Pag makauwi kayo huwag mong kakalimutan na mag ehersisyo kada umaga ha! Saka 'yung mga bawal na pagkain, sundin ninyo, huwag pong matigas ang ulo 'ma." Bilin niya.
"Opo mam!" biro ng ina.
Napangiti si Dani. Batid niya ang saya sa mukha ng ina ngunit hindi niya maiwasang hindi malungkot. Alam niya ang hirap na pinagdadaanan nito ngunit nananatili parin itong lumaban para sa kanila. Napaka fighter talaga ng nanay niya. The best! Kaya nga hindi rin siya mapapagod na maghanapbuhay para maibigay niya ang bawat pangangailangan nito.
Malaki ang bill nila sa ospital kaya susubok siya na magcash advance para pambili ng iba pang mga gamot. Kabado man ay tinungo niya pa rin ang kinarooonan ni Kade. Nasa may terrace ito at busy sa laptop nito.
"Sir Kade..." panimula niya. Sa sobrang kaba niya ay tila naririnig niya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Sana lang ay pumayag ito sa sadya niya.
Nag-angat ito ng tingin at bahagya siyang sinulyapan. "Can't you see I'm busy?" masungit nitong sambit.
"Sorry po, Sir... may importanteng sadya po sana ako sa inyo," aniya.
Tiniklop ni Kade ang laptop nito at tumingin sa kanya. "What do you want?" malamig nitong tanong.
Bahagya muna siyang lumunok bago muling nagsalita. "Naospital po kasi ang nanay ko Sir. Kung okay lang po sana ay gusto ko po sanang-"
"If you're going to asked for a day-off, I'm sorry. Malinaw sa'yo bago ka pumasok rito na hindi allowed ang rest day since my mom needs around the clock care." Putol nito sa sasabihin niya sana.
Mabilis siyang umiling. "Hindi po day-off ang hihingin ko, sir..." mahinang sambit niya.
"I think I know what you want, pera ba?"
Napayuko siya. Nakaramdam siya ng panliliit dahil sa paraan ng pagsasalita nito ngunit wala siyang choice dahil kailangan niya talaga. "Opo sana, sir... Ang laki po kasi ng hospital bill ng nanay ko, may mga gamot pa po kaming hindi nabibili." Marahang wika niya.
"How much?" tanong nito.
Napaangat siya ng tingin. Hindi niya sukat akalain na mabilis nitong sagot sa kanya.
"Gusto ko po sanang icash-advance ang dalawang buwang sahod ko, kung okay lang po sana sa inyo..."
"That means you want a hundred thousand, tama ba ako?" anito. Matiim itong nakatingin sa kanya na waring inaarok ang kaloob-looban niya.
"Opo sana, kung pagkakatiwalaan ni'yo po ako. Hindi naman po ako aalis o tatakbuhan ang pera na 'yan. Pagtatrabahuan ko po hanggang sa huling sentimo. Kahit hindi na po ako matulog buong gabi, basta pumayag lang po sana kayo. Pangako po na lalo pa akong magsisipag!" Pakiusap niya.
Tumikhim ang binata at tumayo sa kinauupuan nito. Lumapit ito sa kinatatayuan niya at nagpaikot-ikot sa kanya. "Money is not a problem, well, at least in my case. Hindi rin ako natatakot na tatakbuhan mo ako. I could sue you right away kapag ginawa mo 'yan. I won't mind spending more of my fortune just to make sure you'll stay behind bars." Anito.
"Ibig po bang sabihin ay bibigyan ni'yo po ako?" tanong niya.
"Why not?" nakangising wika nito.
Napangiti ang dalaga. Hindi niya inaasahang makakausap niya ng mabilis ang binata. Akala niya ay papahirapan na naman siya nito gaya ng palagi nitong ginagawa sa kanya. "Salamat po, sir!" aniya. Nahawakan niya pa ang kamay nito at kamuntikan niya pang mayakap kung hindi lang siya nito pinigilan.
"Actually, I have a better offer, Miss Soler. You could earn more than you needed. I just don't know kung papayag ka." Anang binata. Hinawi nito ang buhok na tumabing sa kanyang mukha. Kagaya ng dati ay langhap na naman niya ang mabangong hininga nito. Hindi gaya ng hininga ni Ken na amoy yosi.
"Ano pong offer, Sir?" walang muwang na tanong niya.
"Are you a virgin, Miss Soler?" walang pakundangang tanong nito.
Biglang lumakas ang tahip ng dibdib niya sa mga katagang namutawi sa labi ng binatang amo. Sa nanlalaking mga mata ay napatingin siya rito na may halong pagkabigla. "A-ano p-pong sabi ni'yo?!" hindi makapaniwalang bigkas niya.
"I'm just asking you if you're a virgin, what's wrong with that?" tila nakakalokong tanong nito. Umupo ito at muling tumitig sa kanya.
"Binabastos mo ba ang p********e ko, sir?" namumulang wika niya. "Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin porke mahirap lang ako at nangangailangan?" aniya sa garalgal na tinig.
"Relax, I'm just asking you a simple question. Stop being so melodramatic, hindi mo pa naririnig ang pinakang offer ko," pambabalewala nito sa pag-iyak niya.
"Pasalamat ka at ipinanganak kang mayaman. Pasalamat ka at hindi mo naranasan ang mga nararanasan ko. Parehas lang maysakit ang mga nanay natin, ang lamang mo lang sa'kin ay mapera ka." Aniya sa pagitan ng pag-iyak. Hindi niya maiwasang ibulalas rito ang inis niya.
"And?"
"Hindi mo ako kailangang bastusin dahil lang sa nangangailangan ako, isaksak mo sa baga mo ang pera mo! Makarma ka sana!" sigaw niya. Masama ang loob na nilisan niya ang binata na nagulat sa naging reaksyon niya.
"Wow, feisty!" tila nakakalokong anas ng binata. Ni hindi man lang ito nagpakita ng pagkaawa o pagka konsensiya sa ginawa niya. Sa halip ay tila tuwang-tuwa pa ito sa naging reaksyon ng dalaga.