Halos hindi magalaw ni Dani ang pagkaing nasa pinggan niya. Kasabay niyang maghapunan ang mga kasamahan ngunit tila wala siyang gana. Pinoproblema niya pa rin kasi ang pera para sa ina at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakukuhang pambayad sa ospital. Pumayag lang ang mga ito na ilabas si Leleng dahil nagbigay sila ng paunang bayad at nangangakong babayarin din ang balanse. "Nakalabas na ba ang nanay mo, Dani?" usisa ni Beth. Napansin nito ang pananahimik niya kaya siguro nagsalita ito upang basagin ang pananahimik niya. "Oo, kanina lang na hapon..." malumanay niyang sagot. "Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa kung nakalabas na rin naman pala ang mama mo?" ani Nida. "Kailangan kasi ng malaking halaga para pambayad sa ospital, kulang naman 'yung naitabi kong pera." Sag

