ANSWERED PRAYER

1030 Words

Dinala siya ni Kade sa hardin at doon nakipag-usap. Ayaw niya pa sanang lumabas ngunit nagbanta itong sisirain ang pinto kapag hindi siya lumabas. Ayaw naman nilang istorbohin ang pamamahinga ni Devorah kaya nagpatianod na lang siya sa ibig nito. After all, ito pa rin naman ang amo at isa lang siyang hamak na tauhan. "Look, I'm sorry for what I've said earlier. I know that's below the belt, you're not even my type. Kaya wala kang dapat ipag-alala sa'kin dahil hindi ako interesado sa'yo. I just said it out of foolishness." Anang binata. Nananatili siyang walang kibo. Ayaw niyang sumagot sa mga sinasabi nito dahil hindi rin naman siya nito tutulungan. Manghihingi lang naman pala ng pasensiya inistorbo pa siya sa pamamahinga. Marahil ay napansin ng binata ang pananahimik niya kaya bahagya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD