(He’s so sweet) NAKAKATUWANG tingnan ang kanyang kapatid habang isinasayaw si Angela. Makikitang bakas sa mukha ng dalawa ang labis na kaligayahan. Wala siyang inggit na maramdaman kahit naunahan siya ni Brix. Maaaring hindi pa niya natatagpuan ang lalaking makakasama niya sa habang buhay. Bigla siyang napalingon siya sa katabing kanina pa hawak ng mahigpit ang kanyang kamay. Masyadong magkadikit ang kanilang upuan kaya naman hindi mahahalata ng mga taong nasa paligid nila ang paglalampungan ng kanilang mga palad. Sinubukan niyang tanggalin ang kanyang kamay ngunit hindi ito pinahintulutan ng lalaki. Lalo lamang hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya. Kanina pa ito nakangiti at hindi niya mawari kung dapat ba niyang ikatuwa iyon. Lagi niyang sinasabi sa sarili niya na mahirap umasa

