(Brix wedding) HANDA NA ang lahat kaya naman halatang excited na ang mga bisita na makita ang bride. Pumwesto na si Liberty kasama ang kanyang magulang upang sa hudyat ng wedding coordinator ay mabilis silang makakapaglakad sa aisle. Siya rin kasi ang maid of honor at hindi pa niya nakikita kung sino ang magiging best man. Hindi na niya nagawa pang tingnan ang invitation na binigay sa kanya ng kapatid. Mabilisan kasi ang kasal ng kanyang kapatid. Mabuti na lang talaga pinayagan ang mga ito kahit wala man lang pormal na seminar dahil sa pagmamadali. Mabait naman ang magkakasal ng mga ito, iyon ang sabi ng Mama niya. Peach ang motif ng kasal except sa suot ng mga men’s groom na gray ang suot ng mga ito. Napatangu-tango siya sa kinalabasan ng lahat dahil maayos naman at halatang eleganteng

