(How to miss someone?) KUNG HINDI lang niya kailangang umattend sa kasal ng kapatid na si Brix at nobya nitong si Angela ay hindi pa siya uuwi. Halos isang linggo rin siya sa Highlands at kasama si Justice na halos araw-araw na inangkin siya at nagpaubaya naman siya. Wala siyang hindi gagawin para sa lalaki dahil gusto niya rin naman iyon. Naalala niya tuloy kung paano siya nito hawakan ng mahigpit sa kamay at paulit-ulit na hagkan bago siya umalis. Kahit gustuhin man niyang hindi iwan ito ay hindi maaari. Baka magduda na sa kanya ang mga magulang at hindi siya tantanan sa kakatanong kung saan-saan siya nagpupunta. Mabuti na ang maingat. “Mabuti naman nandito ka na. Akala ko pa naman ay hindi ka na marunong umuwi,” may tampo sa boses ng kanyang Mama pagkapasok na pagkapasok niya pa lan

