MJ:
"Sir nakahanda na po ang chopper sa rooftop para sa trip niyo sa Cebu this weekend"
"Ok Cathy thank you"
Naisip kong mag unwind this weekend kasama si Mika sa resthouse ko sa Cebu..i feel exhausted sa dami ng trabaho ko..
Mahigit isang buwan na simula ng ibinalik ko siya sa Penthouse ko..
Naging ok na ang takbo ng samahan namin..
Nang hilingin niyang gusto niyang mag aral ng culinary..pinayagan ko na lang siya kasama naman niya ang dalawang body guard na sina Perez at Castro..
Ayaw ko nang maulit ang nangyari sa kanilang dalawa ni Nanny Belen..
Alam kong hindi sila magkakasundo..knowing Nanny Bel..likas na taklesa at striktong matanda siya..
At isa pa iniiwas ko na lang siya kay Sophia..atleast sa Penthouse di basta-basta makakapasok si Sophia dahil wala siyang Access sa unit ko..
Samantalang sa bahay..kakamping lahat ni Sophia ang lahat ng katulong doon pati mga security guards..
Biglang nagvibrate ang iPhone ko na nakapatong sa desk ko..
Si Perez...ang isa sa mga bodyguards ni Mikaela..
Tumawag si Mika kanina..dadaan daw muna siya sa Glorietta may bibilhin lang siyang gamit para sa pagluluto..
"Hello Perez"
"Sir..nasa sasakyan kami ngayon papuntang Hospital"
Bigla akong sinalakay ng di matatawarang kaba..
"Why? What happened?!"
"Sir..si Maam Mika po bigla na lang hinimatay habang nasa parking lot kami"
"What?!"
Parang biglang lumaki ang ulo ko sa narinig ko.
"How is she now? Is she ok? Nasaan na kayo ngayon?"
Sunod-sunod kong Tanong sa kanya.
Shit!
What happened to her?
"Sir malapit na kami sa Makati Medical Center sumunod na lamang kayo dito"
"Sige..Perez..wa..it..Is she still brea...thing.."
Halos di lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun
Bigla akong natakot sa ano mang isasagot ni Perez..
"Yes Sir..of course naman ho..sa palagay ko ok naman si Maam..bigla lang yatang nahilo"
"ok..ill be there..Tawagan na lang kita uli"
Di ko na hinintay na makasagot siya..pinatay ko na ang tawag..
Wala akong inaksayang sandali..nagmamadali akong lumabas sa opisina..
"Cathy Cancel my next appointment..im leaving its emergency"
Di na nagawang sumagot ng secretary ko..dahil nagmamadali na akong sumakay ng private elevetor na ako lang pwedeng gumamit pababa sa basement..
Sari-saring emosyon nararamdaman ko..
Bakit siya nag passed out?
Baka may malubha siyang sakit na di ko alam?
No..hindi naman siguro..
Halos takbuhin ko ang nakaparadang sasakyan ko..
Nanginginig pa ang mga kamay ko habang inistart ko ang ignition ng saskyan ko..
What if di ko na siya abutan?
What if..pagdating ko sa ospital natatabunan na siya ng puting tela?
SHIT!
Napamura ako..
Boung buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito..
When my mother's died..
Hindi naman ganito ang nararamdaman ko..maybe because all along expected na namin ni Daddy na doon siya pupunta..
When Clarisse died..di naman ako nakaramdam ng ganitong takot..
But she's Mikaela..the woman you want to revenge with and yet why are you so afraid?
Giit ng kabilang bahagi ng isipan ko..
Napapikit ako ng mariin ng ma-stock ako sa Traffic light,halos di ko maantay ang pagpapalit ng green light.
Ilang araw ko na kasing napapansin ang pananamlay niya..
Last night..i was kissing her..because i want to make love with her but she's not responding my kissed..i know something wrong with her..pag tinatanong ko naman siya..umiiling lang siya..
Sampung minuto lang ang nakakalipas nasa parking lot na ako ng Makati Med..
Tinawagan ko si Perez..para alamin kong nasaan sila..
"Perez nasaan kayo? Nasaan si Mika?"
"Sir nandito kami sa Emergency..nasa loob na si Maam Mika..tumuloy na lang kayo dito"
Lakad-takbo ang ginawa ko makarating lang ako sa Emergency ng Makati Medical Center..
Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao..
Feeling ko parang may phobia na ako sa hospital na ito..
Malayo pa lang ako,nakita ko na sina Castro at Perez..nakatayo sa labas ng Emergency..
Nang makita nila ako mabilis nila akong sinalubong..
"Sir salamat naman at nakarating kayo agad"
Makikita sa mga mata nila ang sobrang pag alala..
"Nasaan si Mika?""
"Mga limang minuto na ang nakakaraan mula ng ipasok siya sa loob Sir"
"What happened? Bakit siya hinimatay bigla?"
"Sir..ganito kasi yun..nakalubong namin si Sir Hanz ng palabas na kami sa gate ng Glorietta..tapos nakiusap siyang kung pwede daw ba niyang makausap ng sarilinan si Maam Mika..pumayag naman kami..nag usap sila sa isang Coffee Shop..sandali lang naman..pagbalik Maam..nakita naming parang umiiyak siya..tapos hayun na hindi na siya umimik hanggang makarating kami sa Parking lot..tapos nakita na lang namin unti-unti na siyang napaupo..hanggang sa mawalan na siya ng malay"
Naikuyom ko ang mga kamao ko sa mga narinig ko..
Ano kaya ang sinabi ng magaling kong kaibigan sa kanya..at naging dahilan para mawalan siya ng malay..hanggang ngayon kasi pilit pumapasok sa pagitan naming dalawa si Hanz..
Humanda siya sa akin..babasagin ko ang bungo niya pag may nangyaring masama kay Mikaela..
Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan ng Emergency ng bumukas ito..
Isang nakangiting Babaeng Doctor ang iniluwa niyon..
"Good Afternoon po sa inyo..sino ba ang kamag anak sa inyo ng pasyente?"
Mabilis akong lumapit dito..
"Ako Dok"
"So kaanu-ano ka ng pasyente? ikaw ba asawa niya?"
"Yes"
"I know who you are? Michael John Lorenzo..Am i right?
"Yah..how is she?"
Nabubuwusit ako sa doktor mas inuna pang alamin ang real identity ko kesa sabihin ang lagay ni Mikaela.
"Dont worry Mr.Lorenzo,She's Doing fine.."
"Anong sakit niya? Bakit siya hinimatay bigla?"
"Wala siyang sakit Mr.Lorenzo..Normal lang iyon sa mga babaeng nagsisimulang magbuntis"
Di ko alam ang mararamdaman ko ng marinig ko ang huling salitang sinabi ng Doctor..
Di nga ako makapagsalita..samot-saring emosyon ang lumukod sa akin..
Damn!
Mikaela is Pregnant..
She's Pregnant with our child!
Tumawa ang doktor habang naaaliw itong pinagmamasdan ang reaksyon ko..
"Congratulations Mr.Lorenzo!
Tumango lang ako..speechless parin ako
Magiging ama na ako!
Shit!
After 9 months matatapos na ang kontratang pinirmahan naming dalawa..
"Um..Mr.Lorenzo..pwede ba kayong sumama sa opisina ko..gusto ko lang kayong makausap regarding sa pagbubuntis ni Mrs.."
Wala sa sariling tumango na lang ako..
At sumunod sa doctor habang naglalakad ito papunta sa Office nito..
Now..i feel like caught in the Middle..
Im so happy..dahil pakiramdam ko bou na ang pagkatao ko dahil magkakaanak na ako..
At the same time..bigla akong nakaramdam ng takot dahil ibig sabihin nun..malapit ng matapos ang napagkasunduan naming dalawa..
Wala parin ako sa sarili ko ng makapasok ako sa opisina ng Doktora..
Sinenyasan niya akong maupo sa Upuang nasa harap ng table nito..
"Mr.Lorenzo..huwag kayong masyadong mag mag alala sa asawa niyo..As ive said..she's doing fine..Masyado lang siyang na stress..after 1 hour magigising na rin siya"
Tumango lang ako..sinulyapan ko ang dalawang nurse na naghahagighikan sa isang sulok habang nakatingin sa akin..
"Mister..sa unang stage ng pagbubuntis ni Mrs..kailangan nyo ng mahabang pasensya ha..
Expected niyo nang magiging bugnutin siya..
Iwasan nyong bigyan siya ng sama ng loob dahil makakasama yun sa baby..
habang maaari..ibigay niyo sa kanya ang ano mang gusto niya"
Tumango lang ako at ngumiti sa mga paalala nito..
Marami pang sinasabi ang doktora pero wala na sa kanya ang atensyon ko..
Marami ng pumapasok ng kung anu-ano sa isipan ko..
Di ko napaghandaan ang mga bagay na ito..
Kahit ito naman talaga ang plano ko noong una,akala ko ganon lang kadali.
Ngayon pakiramdam ko para akong nakalutang sa kawalan..
Nasa labas na ako ng opisina ng Doktor pero wala parin ako sa sarili ko..
Sinalubong ako ni Castro..
"Sir nailipat na si Maam Mika sa private room''
"Gising na ba siya?"
"Hindi pa Sir.. tulog parin hanggang ngayon"
"Sige sisilipin ko lang siya..tapos aalis na ako..kayo na ang bahala sa kanyang mag uwi after one hour magigising na siya sabi ng Doctor at pwede na siyang iuwi..Inayos ko na ang lahat ng bills..pati mga gamot at vitamins niya ako na ang bahala.Kailangan ko talagang umalis ngayon..may importate kasi akong appointment eh"
Tiningnan ako ni Castro ng may kasamang pagtataka
"Sir di niyo siya hihintaying magising?"
"Hindi na sisilipin ko lang siya sandali"
Tumango lang si Castro at binuksan ang pintuan ng kuwarto
Dahan-dahan akong lumapit sa kama kung saan nakahiga at natutulog si Mika
She looks so pale
Kaya pala lately nangangayayat siya
Hinipo ko ang buhok niya
Mariin akong napapikit..
SHIT!
Di ko maintindihan ang sarili ko habang tinitingnan ko ang mukha niya
Nararamdaman ko na naman ang takot
Sa loob ng halos dalawang buwan ko na siyang nakakasama..
Marami akong natuklasan sa kanya
Marami siyang katangian na pambihira ko lang makita sa ibang babae
Napaka Unpredictable niya
Minsan ang hirap hulaan ang mga iniisip niya o di kaya nararamdaman niya
And she's not afraid of speaking her mind!
I thought Mikaela Trinidad was one hell spoiled and useless little brat but i think im so wrong..
And now when i've got a chance to know her better..pakiramdam ko tinangay ng hangin ang lahat ng mga plano ko sa kanya..
I must admit..She's totally innocent from intimate things but She really knows how to pleasure me..
Those Sleepless nights we spent together, drives me insane instantly when im thinking of it..
And now she's carryig my child..
Napatingin ako sa impis niyang tiyan..
Few months from now..
She will going to leave me with that little thing on her tummy..
I cant imagine her look while her tummy getting bigger and bigger..
Bumuntong hininga ako at ipinasya ko ng lumabas sa kuwarto..
Nalilito na ako sa ibat-ibang emosyon na nararamdaman ko..
Fear and Happiness..
Dalawang magkaibang emosyon ngayon ang lumulukob sa boung pagkatao ko..
Maingat kong binuksan ang pintuan palabas..
Nakatayo lang ang dalawang bodyguards niya sa labas..
"Castro,Perez Im leaving kayo na ang bahala sa kanya"
Tumango lang ang dalawa..alam ko nagtataka sila kung bakit di ko maantay na magising si Mikaela..
Nagmamadali akong lumabas sa Hospital at sumakay sa sasakyan ko
Noong mamatay si Clarisse..akala ko nasama narin niya sa hukay niya pati puso..
Wala akong maramdaman habang inihahatid siya noon sa libingan niya kung hindi Galit sa taong naging dahilan ng maaga niyang kamatayan kasama ng magiging anak namin..
Revenge..
Tanging bagay na nasa isipan ko noon..
I really want Mikaela to suffer from all of her fault..
For killing Clarisse..the only woman i really loved..
Dahil sa impluwensiya ko..ginawa ko ang lahat ayon sa kagustuhan kong makaganti..
And everythings Fell into places..according to my plan.
At first..masaya ako habang nakikita ko siyang nag susuffer..
Seeing her crying made me think..naiganti ko na si Clarisse..
Until lately,I really cant stand looking at her sad and crying for small things..
I remembered that night..when i forced her to make love with me..dahil sa sumbong ng dalawa niyang bodyguards na nakipagkita siya sa isang lalaki..luckily Castro took a photo of them while eating in the high class restaurant in Makati..
His name is James Allen Smith..
Isang Fil-Am International Model na nakabase sa California..
The same man na kasama niya noon sa California ng magtago siya sa ibang bansa pagkatapos ng aksidente..
"Dont worry John..even though i really like him..Asahan mong tatapusin ko muna ang napag-usapan natin sa kontrata bago ako muling makipagkita sa kanya..may isang salita akong tao and ill make sure na ikaw ang magiging ama ng isisilang kong sanggol"
Biglang bumalik sa isipan ko ang salitang binitiwan niya ng komprontahin ko siya tungkol doon ng gabing iyon..
From that day..
Wala ng naisumbong sa akin ang mga bodyguards niya tungkol sa pakikipagkita niya sa lalaking iyon..
SHIT!
Napamura ako ng maisip ko ang sinabi niya..
Ilang sandali pa nasa gate na ako ng Manila Memorial Park..kung saan nakalibing si Clarisse.
Di ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko..
Basta ang alam ko naduduwag akong harapin si Mikaela..
Kung ano ang dahilan di ko rin alam..
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa libingan ni Clarisse..
"Im sorry Clar..wala kang flowers ngayon..nakalimutan ko kasi eh"
Mahina kong sabi..habang kaharap ang tomb niya..
Dati pag dumadalaw ako sa kanya..
Nakaupo lang ako dito at inaalala ang mga masasayang araw na kasama ko siya..
But now,Its different.. im here because im so confused..
Confused for everything.
I really need to handle this kind of emotion or else I will end up losing the game i started with Mikaela Trinidad..
Ipinikit ko ang mga mata ko..
Naglalaro kasi sa imahinasyon ko ang mukha niya habang natutulog sa hospital bed..
Once again..I took a very deep breath..
Mabilis akong tumayo at naglakad palabas ng Cementery..
Kailangan ko munang maglibang..at kalimutan ang lahat bago ako masiraan ng bait..