Chapter 16

1464 Words
MIKA: Dahan-dahan kong ibinukas ang mga mata ko..pakiramdam ko ang haba ng tulog ko.. Puting kisame ang una kong nakita.. Nasaan ako? Parang isang dejavu ang mga pangyayari..Feeling ko nangyari na ito sa akin before.. nagpalinga-linga ako..wala akong makitang tao.. Nasaan ako? I check my self.. Bakit ako nasa Hospital bed na ito.. Dahan-dahan akong bumangon.. Pinakiramdaman ko ang sarili ko..wala namang masakit sa akin.. Ipinasya kong bumaba..Nasaan ang dalawang bodyguards ko? Ipinasya kong maglakad papuntang pintuan.. Sinubukan kong buksan ang pinto..hindi naman pala nakalock Nilakihan ko ang bukas at sumilip ako.. Nakita kong nakatayo sa labas sina Castro at Perez.. Nang makita nila ako mabilis silang lumapit sa akin.. "Maam Mika gising na kayo?" Bumalik ako sa kama at sumunod naman silang dalawa.. "What happened? I mean bakit ako nandito sa Ospital?" "Naku Maam hinimatay kayo sa Parking lot ng Glorietta..di niyo ba natatandaan?" Umiling ako..ang natatandaan ko lang papalapit kaming tatlo sa sasakyan ng makaramdam ako ng sobrang hilo..tapos nagdilim na ang paningin ko.. "Ano daw ba ang sakit ko at bakit ako hinimatay?" Di sumagot ang dalawa at nagkatingin lang sila.. "Maam mabuti pa tawagin na lamang namin ang Doctor..siya na ang bahalang magpaliwanag at magsabi sa inyo" "Bakit malubha ba ang lagay ko?" Tumawa si Castro at umiling.. "Naku hindi maam..ok na ok kayo" Ngumiti ako sa kanya at sinundan ng tingin si Perez na papalabas ng pintuan Para tawagin ang Doctor.. Gusto ko sanang itanong kong alam ba ni John ang nangyari pero hindi ko na itinuloy.. Kasi kung alam niya siguradong nandito iyon. "Ah..Castro nasaan ang purse bag ko..nandun ang Cellphone ko eh.tatawagan ko lang si Nay Martha" "Naku maam pasensya naiwan sa sasakyan,dahil sa pagkataranta namin kanina habang dinadala ka namin ni Perez..nakalimutan naming dalhin ang bag mo..gusto mo kunin ko sa sasakyan Maam?" "No..huwag na" Biglang bumukas ang pintuan.. Isang medyo may edad ng babaeng Doctor ang kasama ni Perez.. "Hello Mrs.Lorenzo..kumusta na pakiramdam mo" Ngumiti ako sa kanya.. "Ok na ako Dok" "Mabuti naman kung ganon" "Ah..dok ano po sakit ko? Bakit ako nawalan ng malay?" Tumawa ito at lumapit sa akin at pinisil ang mga kamay ko.. "Wala kang sakit Mrs.Lorenzo..Normal lang na mawalan ka ng malay dahil buntis ka" "What?! I am pregnant?" Pakiramdam ko parang tumigil ang ikot ng mundo sa narinig ko.. Automatiko kong nahawakan ang tiyan ko.. Di ko alam kong ano ang mararamdaman ko.. Damn! May isang buhay na sa sinapupunan ko? Di ko mapigilan ang sarili ko..kusa na lang nalaglag ang mga luha mula sa mga mata ko.. Tears of Joy! "Mrs.Lorenzo nakakatuwa kayong mag asawa..kanina nang sinabi ko kay Mr.Lorenzo na buntis kayo..para siyang natuklaw ng ahas..di nga makapagsalita eh" "Nandito..si Michael John?" "Yes Mrs..kanina bago ka magising..nakausap ko na nga siya tungkol sa pagbubuntis mo at sinabi ko na sa kanya ang mga Dapat at di dapat para sa pagbubuntis mo.." Tumango lang ako.. Nandito pala si John..bakit di man lang niya nahintay na magising ako? "Mrs..Lorenzo uulitin ko parin sa inyo ang mga paalala na dapat niyong sundin.." Tumango lang ako at pilit na ngumiti sa Doctor.. "Bawal sa inyo ang Ma stress ng sobra,Iwasan nyong sumama ang loob niyo..alam ko unang pagbubuntis nyo ito Misis kaya sa unang tatlong buwan makakaranas kayo ng Morning sickness..madaling pag init ng ulo..magiging sentitive ang pang amoy niyo at panlasa" Tango lang ang isinagot ko sa mahabang lintaya ng Mabait na doktora.. "Well..as ive said sinabi ko na itong lahat kay Mr.Lorenzo kaya alam ko aware na siya sa makakasama at makakabuti sa inyo Misis" Ngiti lang ang tanging tugon ko sa mga sinasabi niya.. "Since gising kana..pwede ka ng umuwi..inayos ng lahat ng asawa mo ang lahat ng bayarin dito sa Hospital" "Thank You po Doktora" Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko.. "Ang ganda mo talaga Iha..tapos ang guwapo ng asawa mo..siguro Cute na baby ang magiging anak niyo" Napangiti ako sa ibinulong ng mahaderang doktora.. "Thank You po ulit" Tumango lang ito at nagpaalam na.. Ibinaling ko kina Castro at Perez ang tingin ko..nakatayo lang sila sa di kalayuan .. Parehas pa silang nakangiti sa akin.. "Congratulations Maam" "Salamat sa inyong dalawa" Nginitian ko silang dalawa ng ngiti kong minsan ko lang gamitin sa mga taong malapit sa puso ko.. Magkasabay pa silang sumaludo sa akin at ngumiti.. Inalalayan nila ako ng bumaba ako sa Hospital Bed.. "Nandito pala si John kanina?" Tanong ko sa kanila habang papalabas kami ng kuwarto.. "Yes Maam..di ka na nga niya nahintay na magising kasi may importante daw siyang appointment eh" Tumango lang ako.. Ano ba ineexpect ko sa kanya? Sigurado ako masaya na iyon dahil nga..buntis na ako. Malapit ko ng ma-fulfill ang nilalaman ng napagkasunduan naming dalawa. Nahawakan ko na naman ang impis kong tiyan. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko Ganito pala ang feeling ng isang magiging ina I feel so complete..and yet sad. Dahil alam kong di na ako magkakaroon ng pagkakataong maging ina ng batang ito na nagsisimula ng magkaroon ng buhay ang sa sinapupunan ko.. Dahil pagkatapos ko siyang isilang iiwanan ko rin siya ayon sa napagkasunduan namin ni John.. DAMN! Nagbabadya na namang bumagsak ang luha ko.. GOD..tama ba itong mga ginagawa ko? Wake up Ella..There's nothing important to Michael John, rather than his revenge and to see you,suffer from his mercy" Bumalik na naman sa isipan ko ang mga sinabi ni Hanz sa akin.. "Ang kompanya niyo at chain of restaurants..nasa ilalim na ng Lorenzo Empire" Di ako makapaniwala sa mga natuklasan ko.. From the very beggining pala pinlano na niya ang lahat.. "Wala akong p kong bakit kayo magkasama Ella pero minsan makinig ka naman sa akin..kilala ko si Michael John...He's one of the wiser businessman.i've ever known") ("Please Ella..leave him..bago pa niya tuluyang wasakin ang buhay mo") Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko.. Gusto kong magalit at masuklam kay Michael John dahil parang kalabisan naman yata ang ginawa niya.. Inaamin ko naman na may kasalanan ako sa pagkamatay ng fiancee niya.. Pero aksidente naman ang nangyari.. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko,anong silbi kong iiyak lang ako..kailan kong mag isip at magpakatatag..Siguro tama si Hanz.. "Maam Ok lang kayo" Di nakaligtas sa dalawa ang marahas kong pagpunas ng mga luha ko.. Tumango lang ako.. "Maam gusto nyong kumain dadaan tayo sa pinakamalapit na restaurant para bumili ng pagkain?" Umiling ako..wala akong ganang kumain..gusto ko ng umuwi pero hindi sa Penthouse kundi sa bahay namin sa Dasmarinas.. "Pwede doon na lang niyo ako ihatid sa bahay namin sa Dasmarinas?" Nagkatinginan ang dalawa.. "Maam baka magalit si Sir MJ" "Ako ang bahala sa kanya,huwag kayong mag alala,sandali lang tayo doon uuwi rin tayo sa Penthouse" Ngumiti sa akin si Castro na siyang may hawak ng manibela.. "Maam di ba kayo masaya na magkakaanak na kayo ni Sir MJ?" Di ko alam kong ano ang isasagot ko sa tanong nilang dalawa.. Paano ko ba ipapaliwanag at sasabihin sa kanila ang katotohanan.. "Im happy..Tears of Joy lang ang nakikita nyo sa akin" Sabay silang tumango at ngumiti sa akin.. Si Michael John pala ang nasa likod ng pagbebenta ng mga board of Directors ng mga shares nila.. Kaya nawalan ng Conrol si Papa sa TSL.. Parang gustong sumabog ng dibdib ko Sa sama ng loob..pag naiisip kong kaya namatay si Papa dahil sa kagagawan ni Michael John..ang lalaking walang tanging laman ng isip kung di maghiganti.. Ang lalaking siyang ama ng batang nasa sinapupunan ko.. "Pwede bang magtanong sa inyo?" Lumingon ang dalawa sa akin.. "Sige Maam..ano yun?" "Ano ba ang mga ayaw at gusto ni John na pagkain?" "Maam di kami masyadong sigurado pero ang pagkakaalam ko mahilig si Sir MJ sa Adobo kahit anong klaseng adobo tapos ayaw na ayaw niya sa mga seafoods,bakit nyo naitanong?" "Wala naman baka kasi maisipan ko siyang ipagluto sa penthouse,remember nag aaral ako ng Culinary?" "Ay..oo nga pala,naku matutuwa yon sa inyo Maam" "Talaga?" "Oo..dati yun ang gusto niyang gawin ni Maam Clarisse ang ipagluto siya ng adobo..kaso parating busy si Maam Clarisse at saka walang hilig yun sa kusina..sa mga magagandang damit at sapatos lang ang boung isipan nun" Tumango-tango ako.. At di na umimik... Bawal pala sa akin ang bigyan ng sama ng loob ha.. Lahat ng gusto ko dapat masunod.. Akala niya di ko narinig ang pag uusap nila ng doctora knina.. Well..nag papanggap lang akong tulog dahil wala pa akong lakas ng loob na makita si John after all.. Ngayon pwede akong magsisigaw at magalit dahil magiging bugnutin ako sabi ni Doktora.. Michael John who desires revenge for me should dig two graves now.. One for me.. And One for him.. Maybe I could'nt fight him Financially and Physically but I could Fight him emotionally.. May hawak akong alas.. Im gonna give him the emotional torture he will never forget..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD