MIKA:
Mag aalasonse na ng gabi pero wala parin si Michael John..
Saan kaya pumunta ang lalaking iyon..
Gustong gusto ko na siyang tawagan pero nagdadalawang isip ako..
Ayaw kong isipin niyang nag aalala ako o di kaya masyado kong dinidibdib ang pagiging may bahay niya..
Naaawa lang ako sa kina Perez at Castro..ilang beses na silang nagtimpla ng kape at nakailang movie na rin sila sa living room..Im sure inaaantok na sila..
Lumapit ako sa kanila..
"I know..antok na kayo Guys..pwede niyo na akong iwanan..kaya ko naman ang sarili ko at saka ok na ako"
Ngumiti ako sa kanila..
"Maam baka pagalitan kami ni Sir MJ,hintayin na lamang namin pag- uwi niya"
"Huwag na..im sure pagod na kayong dalawa sa kakasunod sa akin boung maghapon..ako na ang bahala kay Michael John"
"Sigurado kayo Maam?"
Tumango ako at ngumiti uli..
Magkasabay silang tumayo mula sa pagkakaupo sa sala..
"Maam sige baba na kami sa quarters namin..pag may kailangan kayo tawagan nyo na lang kami"
"Sure"
Tumalikod na silang dalawa patungo sa pintuan..tinawag ko silang dalawa..
"Guys..thank you for taking care of me"
And i gave them my geniune smile..
Tumango lang silang dalawa..at lumabas na ng pintuan..
Napabuntong hininga ako..naalala ko ang reaksyon ni Nay Martha ng sabihin kong buntis na ako..nung una naiyak pa siya sa sobrang tuwa..pero ng marealize niya ang kobtrata..biglw na lang siyang nalungkot at napaiyak sa sama ng loob..
Dahil kahit na siya na sabik na sabik mag alaga ng bata Pero mawawalan na siya ng pagkakataon na alagaan ang magiging anak ko..
I took a very deep breath..
Ipinasya kong iligpit ang mga kalat nina Castro at Perez..
Simula ng tumira ako dito sa Penthouse ni John.marami akong natutunan..
Pagliligpit ng kalat..
Pag aayos ng kama..
May tatlong katulong naman na pumupunta rito araw-araw para maglinis at magluto ng lunch at dinner namin..pero hindi sila stay in..hinahatid at sinusundo lang sila papunta dito at pauwi sa bahay nila..
Biglang tumunog ang phone ko..
DEVIL CALLING...
Nagmamadali kong sinagot ang tawag niya..
"Hello"
"Hi..This is Mikaela right?"
Boses ng babae ang nasa kabilang linya at pamilyar sa akin..
"Yes..whos this?"
"Uh! dont you remember me huh? Its Sophia O'Brien my dear"
"Bakit na sa'yo ang Phone ni John?"
"Well..gusto ko lang ipaalam sayo na nandito sa Condo Unit ko si John"
"Nasaan siya?"
"Uhmm..too bad..he's already sleeping..hes really..really tired..you know.."
Humalakhak pa ito ng nakakaloko..
Biglang nag init ang ulo ko..ang hudyo kaya pala ginabi dahil kasama ang kapwa niya demonyong babae
"You must be waiting for him darling right?"
Di ako sumagot.
Shit!
Bakit bigla akong nakaramdam ng di matatawarang inis at galit..
"Hahaha!Dont wait for him..he said,he will going to stay here tonight"
"Ok..thank god naman.makakatulog ako ng mahimbing dahil di ko na makikita yang pagmumukha niyang nakakasawa na..and tell him Miss O'Brien..kahit di na siya umuwi at dyan na lang mamalagi sayo.
Mas ikakasaya ko pa"
"Youre not mad at all kahit dito siya natulog sa akin?"
"Bakit naman ako magagalit? Mas gusto ko ngang di na siya umuwi..nakakaumay na kaya pagmumukha niya..paggising ko sa umaga mukha niya nakikita ko tapos bago ako matulog sa gabi..mukha parin niya huli kong makikita"
"Really? Di ka nagseselos sa akin?"
"No..bat naman ako magseselos..first of all..i dont like him..second..alam kong di ka papatulan niyan dahil sa akin lang sya nababaliw"
"What?!"
Sigaw nito..halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng sigaw nito.
"Then..bakit ka pumayag na magpakasal sa kanya kung di mo siya gusto?"
"uh! Yon ba? I thought you know the reason Miss O'brien?"
"I dont know..kung alam ko magtatanong pa ba ako sayo stupid!"
"Did you Forget? Sabi mo kaya ako dumidikit kay John dahil wala na akong pera..so tama ka..because of his Money..got it?"
"Walang hiya ka talaga! Sasabihin ko ito sa kanya bukas paggising niya..humanda ka sa kanya!"
Tumawa ako ng nakakainis..
"Its ok..Miss O'brien..he already knew"
At pinatay ko na ang tawag na..
Nanlulumo akong napaupo sa sofa..
Di ko maintindihan ang sarili ko..
Isipin ko pa lang na kasama ni John ang babaeng iyon sa isang kama..umiinit na ang dugo ko..
Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakasandal sa sofa..naglalaro sa aking balintataw ang imahe nilang dalawa habang magkayakap sa kama..
Bigla akong napatayo..
DAMN! Mikaeka..
What happened to you?
Di ka pwedeng mag selos!
Hindi pwede!
Hindi ka dapat pa apekto Sa ano mang emosyon na nararamdaman mo!
Bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa..
Focus..
Yun ang kailangan ko..
Masisira ang mga plano ko kapag nawala ako sa focus..
Ipinasya kong pumasok sa kuwarto..matutulog na lang ako..
Pipilitin kong matulog kahit sari-saring mga bagay ang nasa isipan ko..
Isinarado ko ng maigi ang pintuan..natatakot ako baka biglang saniban ng masamang spiritu ang painting ng mukha ni Clarisse sa kabilang kuwarto at pasukin na lang ako dito bigla..
Pabagsak akong nahiga sa kama..
Simula ng bumalik ako dito sa Penthouse ni John..ngayon lang ako natulog ng mag isa rito..
Pabiling biling ako sa kama..bakit napakailap ng antok para sa akin?
Hinawakan ko ang tiyan ko..
Nakaramdam na naman ako ng sakit sa dibdib ko.
"Im sorry baby..im so sorry"
Mahina kong usal..
Di ko mapigilang di maiyak..
Pag darating ang araw na isisilang ko na siya..kaya ko ba siyang iwanan?
Parang puputok ang dibdib ko sa sama ng loob..
Boung buhay ko di ko naisip na mangyayari ito sa akin..na malalagay ako sa ganitong sitwasyon..
I really feel alone and miserable..
Umiyak ako ng umiyak hanggang maramdaman kong masakit na ang mga mata ko...
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Nakaramdam ako ng mainit na bagay sa mga labi ko..
Ibinukas ko ang mga mata ko..
Mukha ni Michael John ang nakita ko..nakatunghay sa akin..
Kinusot ko ang mga mata ko..
"Good Morning Mika"
Nakangiti ito habang itinatali ang necktie nito..
Dahan dahan akong bumangon..
"Did you kissed me?"
"No"
Tanggi nito..pero di makatingin ng diretso sa mga mata ko..
Denial king talaga..kahit huling-huli na siya..
"Umm ok..may be its just my dream"
"What dream?"
Baling nito sa akin..tatalikod na sana ito para kunin ang tray na may lamang breakfast..nasulyapan kong nakapatong sa isang mesa..
"I just dream of Hanz..kissing my lips"
Balewalang sagot ko..
"WHAT?!"
Kamuntik na akong mapatayo sa lakas ng sigaw niya..
"Come down John..its just a dream ok"
Lihim akong napapatawa..pinipigilan ko lang..nakita kong ikinuyom niya ang kamao niya..
Now you've got what deserves you asshole!
First Attempt Mika..
Success!
"Ok fine..I kissed you..your not dreaming"
Sa totoo lang kung wala lang siya sa harapan ko kanina pa ako nagpagulong gulong sa kakatawa..
"By the way di ako nakauwi kasi napainom ako kagabi..nagising na lang ako nasa unit na ako ni Sophia"
Ang hudyo..ang lakas ng loob sabihin sa pagmumukha kong natulog siya sa bahay ng ibang babae..
"I know"
"How did you know?"
Gulat na tanong nito..
"She called on my phone using your number"
Baliwalang sagot ko..pero ang totoo gustong gusto ko na siyang hampasin ng unan na nakapatong sa tiyan ko.
"What?! She used my phone to called you?"
"Uhmm...umm"
Pasimple kong tango..at dahan-dahan akong bumangon..
"what did she told you?"
She said..your going to sleep in her unit and dont wait for you"
Kibit balikat kong sagot..kinuha ko ang remote ng Cabinet at binuksan ko ito..
Sinundan niya ako..hanggang sa walk in Cabinet..
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko..ok no problem..kahit hindi ka na umuwi..nakakaumay na kasi ang pagmumukha mo"
"Really?"
Biglang nanindig ang balahibo ko..naramdaman ko kasi ang mainit nitong hininga sa batok ko..
SHIT!
Nawawalan na naman ako lakas pag ganito siya kalapit..pakiramdam ko tinatangay ng hangin ang lahat ng dipensang itinalaga ko sa sarili ko laban sa kanya..
Mabilis akong umiwas sa kanya..wala sariling dumampot ako ng damit sa cabinet at bumalik sa ka kama..
"Bakit ba iniiwasan mo ako?"
Tumingin siya sa akin ng makahulugan..alam na alam ko na pag ganito siya tumungin..mauuwi na naman kami sa mainit na eksena..
"Hindi kita iniiwasan..Its just...you smell Stinky!"
Mabilis kong tinakpan ang bunganga ko at nagkunwari akong nasusuka..mabilis akong tumakbo sa CR at isinarado yun..
Nagkunwari akong nagsusuka..
Panay ang kalampag niya sa pintuan..
Ang totoo..nakatayo lang ako at nag iinarteng nasusuka..
"Mika are you alright?!
Fuck! Open the damn door!"
Mabilis kong itinulak ang flush ng Inidoro..at nagmamadali akong naghilamos..
Honestly gusto kong palakpakan ang sarili ko..
Mabilis kong binuksan ang pintuan at nabuksan ko siyang halos di maipinta ang mukha sa sobrang pag alala..
"Are you ok?"
Di niya alam kong saan ako hahawakan..
"Im fine...just stay away from me..you look so ugly"
"What?!"
Di ko siya pinansin..ang totoo wala naman akong nararamdaman na kakaiba..tulad ng sinasabu nilang morning sickness..ang alam Dalawa o tatlong buwan pa bago magsimula ang paglilihi ng normal na nagbubuntis...pero ako pina aga ko na para naman makaganti ako sa unggoy na ito..
"Dont tell me nagsisimula na ang morning sickness mo?"
Nakapamewang nitong tanong sa akin..
"Siguro kasi naging sentitive na ang pang amoy ko at panlasa..
"Dont tell me pati paningin mo sentitive na rin"
Di ako sumagot..
Mabilis kong hinalungkat ang purse bag ko..
Kunwari tuwang-tuwa ako habang hawak hawak ko ang calling card na ibinigay sa akin ni Hanz kahapon
"Oh my god..akala ko nawala na ito"
Tumingala pa ako sa itaas at niyakap sa dibdib ko ang calling card..
"Ano yan?"
"Calling card ni Hanz..akala ko nawala na"
"Bakit ka niya binigyan ng calling card?"
"Siyempre para tawagan ko siya"
Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa side table..at isinave ang number niya..
Pero mabilis niyang inagaw sa akin ang Calling card at pinunit ito..nakita ko na lang na naglanding ito sa trash can na nasa isang sulok..
"Hindi mo pwedeng tawagan si Hanzel..at hindi ka narin pwedeng makipagkita sa kanya..di ko alam kung ano ang sinabi niya sayo kahapon at umiyak ka daw pagkatapos niyong mag usap at naging dahilan kaya ka nawalan ng malay!"
Pasigaw nitong sabi sa akin..
Bigla akong nakaramdam ng galit..di mo alam kong anong sinabi niya sa akin..sinabi lang naman niyang ikaw ang nasa likod ng pagbagsak ng Kompanya namin at posibleng dahilan ng kamatayan ni Papa!
Kamuntik ko ng maisatinig ang lahat ng iyon pero pinigilan ko ang
Ang sarili ko..
Ayaw kong mas lalo siyang magalit kay Hanz..
Gagamitin kong kasangkapan ang kaibigan niya para sa munting drama ko..
Siguro dahil sa sama ng loob ko sa kanya kaya napaiyak na lang ako..
"Bakit ka umiiyak?"
Mabilis kong kinalkal trash can at kinuha ang pira-pirasong calling card na itinapon niya..
"I really want his num..ber.."
Pasinghot singhot pa ako habang pilit na pinagdududtong ang punit ng papel..
"Bakit ba gustong-gusto mong tawagan ang lalaking iyon?"
Mariin niyang tanong sa akin..
"Kasi gustong-gusto ko siyang makita..ang guwapo guwapo niya kasi..bat ngayon ko lang iyon nakita?"
"Bullshit!
At mabilis niyang dinampot ang suit niyang nakapatong sa kama at walang lingon itong lumabas ng kuwarto..
Nang nasigurado kong wala na siya..bumalik ako sa pagkakaupo sa kama..
Napangiti ako..
Ang totoo..kaninang gabi ko pa na isave ang number ni Hanzel sa phone ko..
Bigla akong nakaramdam ng gutom..mabilis kong kinuha ang ang tray na dala ni John..
May Egg omellete..bacon,slices toasted bread at isang basong gatas..
Sino kaya ang nagluto nito?
Siya kaya?
Wow..unang beses kong kumain ng luto ng hambog na biliyonaryo..
Magana akong kumain..
Alam ko..bumaba na iyon sa Opisina niya sa 45 Floor..
Nag isip ako ng next step na gagawin ko para sa emotional torture na gagawin ko sa kanya..
Things are getting better and better..
Hinipo ko ang tiyan ko..
"Thanks baby..for coming into my life"