Diego's POV "Hey Bro!" Bati ko kay Jake na isang geneticist na nagtatrabaho sa isang DNA testing lab kung saan ko pinagawa ang pagsusuri. Pagdating na pagdating namin sa pilipinas ni Tita Karla ay agad akong nagtungo sa kanila clinic upang mag inquire. Naging kaklase ko siya noong elementary ako sa Quezon na nag aral ng kursong BS Biology at kumuha ng masteral degree para ipagpatuloy ang pagiging geneticist. Sa liit ng mundo ay nagkita ulit kami sa Amerika noong siya ay dumalo sa isang seminar kung saan ay inalok ko siyang mamalagi sa bahay sa US ng dalawang linggo sapagkat malapit ito sa dadaluhan niyang seminar. Mula noon ay naging magkaibigan na kami. Bagama't bibihira kaming magkita. Nagpasya akong sa clinic ni Jake ko ipapasuri dahil natitiyak kong mapagkakatiwalaan ko siya sa m

