Flashback... Lola Agnes POV "Braaannnnggg!" Tunog ng babasaging baso na nahulog ko sa sahig matapos kong mabasa ang dokumento na nakailalim sa bag ni Sandra. Nagpaalam siya kanina sa akin na dadalaw lang daw ito sa bahay nila Mika. Bihira naman itong gumala kaya ayos lang sa akin na lumabas siya paminsan minsan. Isa pay ay nasa tamang edad na siya. Maya maya ay biglang bumuhos ang ulan kaya dali dali kong sinamsam ang mga damit ni Sandra na nakasampay sa labas na nilabhan niya kaninang umaga. Nang masamsam ko na itong lahat ay diniretso ko na ito sa loob ng kaniyang silid. Pinatong ko ang mga ito sa ibabaw ng kaniyang kama. Nakita ko na madaming balat ng dalandan at orange na nagkalat sa kaniyang mesa. "Tong apo ko talaga!" Wika ko at napakamot ako ng ulo sabay pulot sa mga balat.

