"Ayy pusaaa!!!". "Sir nandyan ka pala"
Laking gulat ko ng bigla na lang lumapit si Anthony at tumambay sa likod ko.
Humalakhak siya sabay pumalakpak ng bahagya.
"Kape pa more Sands!" Kutya ni Anton sabay patuloy pa din sa pagtawa.
He's my wave mate nung nagstart kami dito sa office. Medyo naging close din kami until malipat siya sa ibang department. Magaling at madiskarte si Anton when it comes to work. Dati nga nung bago bago pa lang pinag lalove team nila kaming dalawa. Nagkateam kami under kay Ms.Gie ng almost five years kung di ako nagkakamali. Until nagkaroon ng opening for Managerial sa Control Team. At first, ako yung pinupush niya na mag apply. But, I feel like ayaw ko pang lumabas sa comfort zone ko that time and I was waiting for the next opening within the team. So, siya na ang inudyukan kong sumubok and fortunately, he got it.
I was so happy for him. Niloloko ko nga madalas na kapag may opening sa team niya piratahin niya ako. But ofcourse, hindi naman papayag itong si Ms.Gie.
After that,pareho na kaming naging busy. Bibihira na lang magcatch up. Pag medyo libre siya mag aaya lang magkape then that's it. Di kasi kaya ng oras niya na mglunch kami together.
Single pa din siya until now. Gwapo si Anton. Matangkad na tama lang ang kulay ng balat nito. Friendly din. Isa din siyang Amboy kasi sa Amerika siya lumaki at dito na lang sa Pinas siya ngcollege. By the way, He graduated in Ateneo. So, talagang complete package na si Anton.
"Kape tayo Sands?". Aniya.
"Himala hindi ka yata busy ngayon Sir" pabiro ko.
Yes! Sir Anton ang tawag ko na sa kaniya. 2 job level ang tinaas na niya sa akin.
"SB?" Tanong niya.
"G" tugon ko.
"Ahemmmm!" agaw pansin ni Lanie sa amin.
"May gusto atang sumama Sir" biro nito sabay tawa at tingin sa kabilang cube.
"Tara" alok ni Anton kay Lanie.
"Joke lang Sir, kaya nyo na yan" ani Lanie sabay tawa.
Nglock ako ng PC tsaka tumawo habang hinihintay ako ni Anton.
Habang pinapagpag ko ng bahagya ang aking Skirt sumimpleng tingin ako banda kay Diego.
Kita ang pagkaseryoso sa mukha nito. Napakadiin din ng hawak niya sa mouse.
Tsaka kami magkasamang lumabas at bumaba ng building.
Sa coffee shop. Pumila kami at umorder. I ordered yung favorite ko na Iced White Chocolate Mocha Blended Whip Cream. Si Anton naman ay Hot Caramel Macchiato. Umorder din siya ng pareho naming favorite na New york cheesecake.
Tumagal kami sa Coffee Shop ng almost 2 hours. Na-over break na yata ako. Pero pinaalam naman ako ni Anton kay Ms.Gie kaya okay lang. Tsaka bihira lang naman ako magtake ng lunch.
Puro kwentuhan. Shinare niya ang mga hektik at ka-stress niyang team member. Binahagi din niya ang mga plans nya for his team. Yung mga ideas nya way forward. Vinavalidate niya sa akin kung okay ba ito. Sobrang komportable kami sa isat isa.
Nabalitaan din niya kay Ms.Gie na nagbakasyon ako recently so kinamusta niya sila Chloe at Lola. Sa katunayan, ninong ninongan din siya ni Chloe kahit hindi official.
Ganun kabait si Anton. Napakahumble and grounded kahit nung naging Manager na siya.
Naiinis nga siya tuwing tinatawag ko siyang Sir Anton. Para daw siyang naaalibadbaran.
Pero ofcourse, it's my way of respect.
Pag-akyat namin ng office, agad na din kaming nagtungo sa kaniya kaniyang team. Bago ako maupo, nilingon ko ang station ni Diego and he's not there.
"Wala-bumaba mukhang na-upset" sambit ni Lanie na may pangungutya.
"I didn't do anything wrong di ba?" Pabiro kong sabi kay Lanie tsaka kami nag apir.
Maya maya ay dumating na din si Diego from lunch break. Sabay kaming naglingunan ni Lanie dahil napansin namin ang hawak niyang SB coffee din.
"San kayo ngkape ni Sir Anton girl?". Tanong ni Lanie
"Sa SB" tugon ko.
"Weh?" Di makapaniwalang tanong niya.
Anyway, dalawa naman ang Starbucks store sa Area. Dun kami sa may malapit nagpunta ni Anton.
Hmmm! Posible kayang nagpunta din si Diego. Sumunod? Pwede din namang naglakad sa mas malayo na store.
Ilang sandali ay lumapit ulit si Anton. At inabot ang tinake out naming pastry. Nakalimutan ko pala. Siya kasi ang nagbitbit ng mga ito paakyat.
"Baka manaba ako pag kinain ko lahat yan" pabiro niya sabay tawa.
"Sir may opening sainyo?. Kunin mo itong si Sandra ayaw na daw niya dito sa team" biglanh sabat na pabiro ni Lanie kay Anton.
Nakakaasar tong si Lanie! Habang sinasabi niya ang mga ito nililingon pa niya kay Diego. Nahihiya tuloy ako.
Agad namang tumawa si Anton. "Sus! Matagal ko na kaya yan inaaya, siya lang tong may ayaw" pagkumpirma ni anton. "Bukas naman ang pinto ko" pasunod niya sabay ngiti.
"Anyway, malapit na ang Year end Annual Party, you guys going?" Paibang tanong niya samin ni Lanie.
Nanguha siya ng upuan sa malapit tsaka naki seat in sa amin. Namiss niya yata ang may kakwentuhan.
"Ofcourse Sir, ikaw po?" Tugon ni Lanie.
"Kung pupunta itong si Sands pupunta din ako" lambing na sabi ni Anton.
"Awww that's so cute" pabiro naman ni Lanie.
Nagkwentuhan muna kaming tatlo ng mahigit trenta minutos siguro bago bumalik si Anton sa area niya.
Maya maya pa ay may nagpop up na message sa teams. Isang sad emoticon na galing kay Diego. Aba at nakita din pala ni Lanie ang message niya sa pagkaechusera nito.
Agad ko namang ni-minimize.
"Naku ayan na nga ba ang sinasabi ko" pabiro ni Lanie.
"Di mo rereplyan girl?" sunod niya.
Ilang sandali ay nireplyan ko siya ng "?".
Nagpop up ulit ang message niya "do you have plans tonight?".
Di ko na siya nireplyan. Naalala ko friday nga pala at weekend na naman bukas.
Ano na naman kaya ang pinaplano nito? Mangingidnap na naman ba? Aniya ko sa sarili.
Nang hindi niya mahintay ang reply ko, nagpop up ulit ang message niya "hatid kita pauwi".
Ngunit di ko ito ni-read tsaka ako nagDND status at ngfocus sa work.
Trenta minutos bago mag out at naggagayak na kami ni Lanie, tumunog ang cellphone ko. Isang sms message "P2 D12" ngunit di ko na naman ito ni-read.
Nang biglang mag aya itong si Lanie.
"Girl, gusto mo uminom?. Gusto mo magshare?" Alok ni Lanie. Naging curious ako bigla. Parang gusto ko nga uminom at ilabas lahat ng nararamdaman ko.
"Sa bahay" pagkumpirma ni Lanie.
"Hmmm sige go ako dyan" pagkumpirma ko.
"Yes! Akala ko tatanggi ka. But, I know you" masaya at nakangiti si Lanie na may pagkasarkastika.
"May alam akong daan" alok ko.
"Oww, mukhang may tinatakasan ka ah" curious na biro niya.
As usual, bumaba na naman kami sa 2nd floor patungong grocery store habang nakapanabit ang kamay ni Lanie sa siko ko.
"Girl, excited na akong uminom" aniya na kita ang saya at excited sa mukha niya.
Ngayon lang ulit kami makapagbonding na dalawa.
Ang last kong dalaw sa bahay nila nung birthday ng kaniyang bunso and that was almost 2 years ago....