"Tita Sandra!" Natutuwang pagsalubong ni Luigi sa akin nang makarating kami sa bahay nila Lanie.
Lanie's husband is an OFW, isang seaman. Kada anim na buwan o mahigit pa bago siya magbakasyon. Nataong out of the country siya kaya malakas ang loob nitong si Lanie magyaya ng inom sa bahay nila.
"Lalo kang gumaganda Tita Sandra" nagagalak na puri ni Luigi sa akin. Natutuwa ako sa batang ito kasi lagi niya sinasabi tuwing dadalaw ako na he will gonna merry my Chloe someday.
Hay! bata nga talaga! Pinakita ko kasi ang picture ni Chloe sa kaniya minsan. At sobrang ganda nga daw kagaya ko.
One time nga nasabi din niya "I'm gonna merry your daughter so you can also be my Mom". Di ko makalimutan itong sinabi niya na parang tumatak din sa akin. Nakakatuwa talaga siya.
Sinalubong ko siya ng yakap tsaka kinarga.
"You're getting taller na" sabay gigil ko sa kaniya habang karga karga. May kabigatan na din na halos di ko na matagalan na kargahin. Naglaro kami saglit ni Luigi. Pag bata talaga angdaming tanong at kwento. Ako naman natutuwa ako na para bang naiibsan ang stress ko sa katawan dahil napapatawa ako.
Mag aalas nuebe na ng gabi nang simulan ni Lanie iprepare ang inuman session namin. Pinatulog na din niya ang dalawa niyang anak.
Sa roof top ng bahay nila kami pumwesto. Saktong nasa 3rd floor sila. Sa una at pangalawang palapag, pinapaupahan niya. May apat na studio type.
Habang pinupunasan niya ang mesa at upuan na pupwestuhan namin, nakatingin ako sa labas sabay sabing "Sana soon Lans magkaroon din ako ng ganto - paupahan para naman may passive income kami". "Tumatanda na din kasi si Lola at gusto ko na din patigilin sa pagtitinda" sabi ko na tila bang nangangarap ng gising.
"Girl alam mo, hindi malabo sayo yan. Sa sipag at dedikasyon mo mas malayo pa mararating mo kesa dito. Believe me!" Pag encourage ni Lanie.
Bumaba na siya at kinuha ang isang lechon manok na dinaanan namin pati na din nilagang baka na pinaluto niya sa kasambahay nila for our dinner.
"Kain muna tayo bago natin tirahin!" Pabiro nito.
Mabilis kaming kumain ni Lanie. Sumubo lang ako ng konting kanin tsaka humigop ng sabaw.
Maya maya ay kinuha na niya ang malamig na smirnoff. Ito pala yung sinabi niyang may nakahanda na siya sa bahay na inumin nang magprisinta akong bibili sana.
"Aba! Alam na alam mo na ang favorite ko mamsh ah" sambit ko.
Tsaka namin nilagay sa plato ang lechon manok at sinimulan na ang pag inom.
Nang maubos na namin pareho ang tig isa naming bote ng smirnoff, biniro ko siya. "Girl, pag di ko na kaya mamaya kahit dito na lang ako sa roof top matulog ah" pabiro ko.
"Gaga! Lalamigin ka dito" sabay tawa niya.
"Kesa naman gumapang ako pauwi, san ka don" humalakhak kami pareho sabay lagok ng alak.
Ito na at nakadalawang bote na kami pareho.
"Cheers!!!" Sabay kampay sa mga botelya na hawak namin.
"Hays, namiss kita Girl" tila malungkot kong sabi.
"Wait, start na ba?" Sabay halakhak itong si Lanie.
"Sira! Oo nga namiss kita kabonding buti na lang at niyaya mo ako ngayon" paliwanag ko.
"Kasi naman sa iba ka sumasama" seryoso niyang sabi. Hindi ako kumibo kasi guilty ako.
Nang maubos ko na ang tatlong bote, ramdam ko na ang tama at init sa aking katawan.
"Friend ang init pwede bako magtanggal ng blouse?" Pakiusap ko kay Lanie.
"Gow Girl nasa rooftop naman tayo, no one will see you" tugon ni Lanie na halata na din ang tama.
"Pang apat na ba natin toh mare?" Makulit kong sambit.
"Mare, pangatlo pa lang yan!" Sagot ni Lanie.
"Mare, dalhan mo na lang ako ng unat at kumot, please di na yata ako makakauwi" pakiusap ko ulit.
"Don't worry Mare, you are safe" sambit niya na may pagaralgal na din ng salita.
Tinuloy namin ang kwentuhan ng kung ano ano.
Nang bukas na ni Lanie ang pang apat naming bote nagtanong na siya out of nowhere.
"Mare kamusta? Mukhang seryoso ang Lover boy natin ah" panimula nito.
"Naguguluhan na nga ako Mare eh, bigla ba naman umamin. Maayos naman kami as fvck buddy eh" pabiro kong ganon sabay tawa.
Anglakas ng halakhak ni Lanie at napatahol pa nga din ang mga aso sa baba.
"Mare balita ko mayaman tong si boy?" Sabi niya.
"Wehh?" Tanong ko.
"Di binababanggit sayo Mare?". Isa daw yata siyang prospect heirs ng kanyang tiyahin sa Amerika" sambit nito. At madami pa siyang binanggit about kay Diego.
Sa mga oras na 'to tila ba wala akong naiintindihan. Tinuloy pa din ni Lanie ang kwento niya. Subalit ako, lumalakas na ang tama ko.
Maya maya ay biglang nagring ang cellphone ko.
Agad naman itong dinampot ni Lanie at sinagot. Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang di ko na din kaya ang sarili ko.
Rinig ko lang ng bahagya sa kabilang linya ang boses ng isang lalaki.
Si Diego yata ang kausap.
Nag uusap sila sa cellphone ngunit tila ba wala akong maintindihan kahit ni isang salita. Basta naririnig ko lang. Lumakas na talaga ang tama ko at patuloy pa din ako sa paglagok.
Nakalimang bote na kami. Ang natanim lang sa isipan ko, madami ako binabanggit kay Lanie. Not sure kung naabaorb niya. Di ko na matandaan kung ano ang mga ito. Malamang tungkol ito kay diego.
Nagtapos kami sa limang bote at nagkwentuhan na lang kami. Kwentong lasing at nablock na din ang isip ko.
Maya maya ay tila ba may isang hubog ng lalaki na tumabi sa akin. OMG, r****t ba ito? Paano ko naman maipagtatanggol ang sarili ko sa mga oras nito. Pag alala ko na halos di ko na mamanage ang sarili.
"Sands gusto mo na ba umuwi?" Sambit ng lalaking kaboses ni Diego. Para akong nananaginip at bigla ko siyang niyakap. Naramdaman kong niyakap din niya ako ng mahigpit....
Maya maya nang medyo nahimasmasan na ako dahil may malamig na bagay na dumampi sa mukha ko. Parang bimpo. "Diego, I Love You!" Biglang sambit ko na di ko na alam ang pinaggagagawa ko.
Nasulyapan kong napangiti siya at narinig ko ng mahina "so tayo na sands" kita ko pa din ang saya sa mukha ni Diego.
Di na ako umimik.
Parang nasa loob ako ng sasakyan. Nakasandal sa isang matigas na braso at hinahawi ang aking buhok. Hanggang sa tuluyan na akong nablock nakaidlip na ako....
Napapailing ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Gamit ang isa kong kamay hinaharangan ko ito. May nakabalot din sa akin na malong. Mukhang kinumutan ako. Napatingin ako sa kaliwa at laking gulat ko na si Diego pala ang kasama ko.
Naparami na naman yata ako ng inom.
Di ko mawari kung paano ako napunta sa sasakyan niya. Ang tanging tanda ko lang ay may isang lalaki kagabi na akala ko ay nananaginip lang ako.
Pinagmamasdan ko ang mukha ni Diego. Nakayakap sa kaniyang sarili. Napapangiti ako. Medyo kinikilig ba. Persistent ang lalaking ito. Ang sarap pagmasdan.
Nakaawang pala ng bahagya ang window glass ng sasakyan. Kaya ramdam ko ang medyo lamig na pumapasok. Nilipat ko at binigay ko ang malong kay Diego.
Mangyaring matatakpan ko pa lang sana ang buo niyang katawan, ay biglang gumalaw ito. Biglang nagising na para bang naalimpungatan. Tinignan niya agad ang kaniyang relo. "Mag aalas syete na pala" sambit nito.
"Kamusta pakiramdam mo Sands?" Sabay tanggal ng malong at nilipat niya ulit sa akin. "Lalamigin ka" pag alala nito. Bahagyang ngiti lang ang naging tugon ko. Inabot din niya ang isang unopened na mineral water para ipainom sa akin. "Oh eto para dumaloy pababa ang alak na ininom mo. Nakalimang bote ka na naman" ngiting sambit nito. Medyo nahihiya ako kaya di ko siya tinutugan. At nilagok ko na din ang mineral water na bigay niya.
"Kaya pala di ka nagreply, may inuman session pala kayo ni Lanie" kutya niya sa akin ng nakangiti. Nakatingin lang din ako sa labas dahil parang wala akong mukhang maihaharap sa kaniya. Ano na naman kaya ang kagagahang ginawa ko kagabi?
"Kain muna tayo somewhere para maka-ihi ka din" sabay andar ng sasakyan nito. Habang di pa niya ito sineset to drive "nasan tayo" tanong ko.
"This is what they call a lil Baguio and a lil' Tagaytay" pa-triviang banggit nito na parang gusto pa niya akong pahulain.
"Nasa Tanay lang tayo Sands". "At pupunta tayo somewhere na magrerelax ka for sure". "Pero magbreakfast muna tayo bago natin puntahan" nakangiting paliwanag nito tsaka nagdrive....