Chapter 7

1846 Words
Chapter 7 BUONG PAGTATAKA nila dahil ang akalang yabag ng paang narinig ay galing lamang sa iisang tao-- ngunit nagkamali sila dahil anim na estrangherong lalaki ang lumabas mula sa isang silid. Ilang sandali pa ay sumunod din na lumabas ang kinikilala nitong pinuno na si Pinunong Magallon at saka nagpatuloy sa paglalakad. "Nakakainis naman! Bakit gising na gising pa rin sila ng ganitong oras, hindi ba dapat ay oras na ng pahinga?" mahinang bulalas ni Kitch habang sinusundan ng tingin ang mga estrangherong lalaki. "Kaya nga, e, paano kaya natin malalaman kung saan nila itinago sina Loise at Siobe?" mahina namang tanong ni Devee at sa puntong iyon ay natigilan sila sa pag-uusap nang matunugan ang palakas na palakas na yabag ng mga paa sa pwesto nila. At nang makadaan na ang mga ito ay doon sila at lumiko sa isang may arko na pintuan ay doon lang sila nakahinga ng maluwag. May kaniya-kaniya itong armas mula sa kanilang bandang likuran at kapansin-pansin ang malalaki nitong pangangatawan. Subalit napahinto ang isa sa mga ito na nagngangalang si Zytus. Sumenyas ito nang pagpigil, dahilan para mapatigil ang lahat. "Anong nangyayari?" Hindi naiwasang naitanong ni Devee. Pero hindi sumagot si Kitch dahil batid niya na kinukutuban ang isang lalaking palibot-libot ng tingin. Pero malaki pa rin ang paninindigan ni Zytus na tama ang kaniyang pakiramdam. "Sa wala, madugay adunay uban dinhi!" anito na ikinakaba ng magkaklase, hindi man nila maintindihan ang sinabi nito ay nagdulot iyon ng kilabot sa kanila lalo na nang tila may hinahanap-hanap ang mga ito. Translation: "Sandali, parang may ibang tao rito!" "Halughugin ang buong lugar na ito!" utos pa ni Pinunong Magallon. Kaya naman sinikap nilang dalawa na mas maging alerto sa kung anumang p'wedeng mangyari. Mabuti na lamang at hindi agad sila mapapansin dahil kulay itim ang kanilang suot na damit at nagkataong madilim sa bahaging pinagtataguan nila. "Paumanhin pinuno sapagka't wala adunay uban dito," ani ng isang alagad. Kaya naman nagpatuloy sa paglalakad ang mga iyon habang sinusundan ang kanilang pinuno. Doo'y napahinga ng malalim ang dalawa at piniling lihim na sundan ang mga ito. Kung saan ay nakita nilang pumasok naman ang mga ito sa isang silid. Lingid sa kanilang kaalaman na ang grupo ng mga estrangherong lalaki ay kilala sa tawag na Obalagi. Maya-maya pa'y may dala-dala na silang patag na higaan at nakita nilang nakahiga roon si Loise. Labis ang kanilang awa nang pagitnaan si Loise ng mga Obalagi at ilipat sa isang malaginto na higaan. Wala namang ipinagbago sa itsura ni Loise, mas lalo pa nga itong naging kaaya-aya dahil sa mala-prinsesa nitong kasuotan ngunit kapansin-pansin ang kawalan nito ng emosyon. Nagsimula na naman ang mga ito sa ritwal habang galak na galak ang kanilang pinuno. Doo'y nagawa muling kuhanan ni Kitch ito ng video. "Kitch," pagpigil sa kaniya ni Devee Bahagya siyang napalingon sa kaklase habang patuloy pa rin siya sa pagkuha ng video. "Kailangan na natin makaalis dito habang busy pa sila," pagpapatuloy na sabi ni Devee. Napahinto si Kitch sa ginagawa at in-off na ang camera at recorder. At sa puntong iyon ay nakatanggap sila ng go signal mula kila Fudge. "Sige, Devee, kailangan na talaga nating umalis." Pagkasabi no'n ni Kitch ay todo ang kaba ni Devee habang sinusuyod nila ang daan palabas sa lagusan na kanilang pinasukan. At nang makahanap sila ng tamang tsempo ay tuluyan na nilang nilisan ang kwebang iyon. Doo'y sinalubong sila sa labas nina Fudge at Daizy na todo ang pag-aalala sa kanila. "Okay lang kayo? Anong balita?" pagbungad kaagad ni Fudge pero sinusubukan nilang mahina lang ang kanilang usapan. "Ayos lang kami, e, kayo rito? Akala ko ay nasa panganib kayo kaya narinig ko ang go signal mo, Fudge," wika ni Kitch. Napailing si Fudge. "Pero teka, ano bang nangyari sa loob? Medyo matagal din kayo, hah." "Doon na lang namin iku-kuwento, ang mahalaga ay ligtas tayong lahat," sabi ni Kitch at doo'y nagsimula na silang maglakad ng mabilis para makabalik agad sa kubo ni Lola Esma. Nang makarating doon ay i-kwinento nila ni Devee ang nakita. "So, inulit lang nila ang ritwal na ginawa nila kay Loise? Pero bakit?" "Hindi ko rin alam. Pero heto at may record ako kung saan ay malinaw na na-i-record ang kanilang pag-uusap mula sa wikang Cebuano," sabi ni Kitch na sandaling nagpakunot ng kilay ni Daizy. "Pero paano natin maiitindihan 'yan kung ang puro salita nila ay wikang Cebuano?" tanong nito. "Walang problema, maaari tayong humingi ng tulong kay Lola Esma," suhestyon ni Kitch na sinang-ayunan nila. "Oo nga, no, matagal na rin palang naninirahan dito si Lola Esma," sabi ni Devee. Napangiti silang apat pero sandaling napawi ang ngiti ni Fudge sa isiping kanina pa gumugulo sa kaniyang isipan. "Guys, kailangan nanating mailigtas sina Siobe at Loise," ang sabi ni Fudge. Pero hindi nito inaasahang sasalungat ang kaibigang si Kitch. "Naisip na namin 'yan kanina, Fudge. Pero mapanganib ang kagustuhan mo, Fudge," wika ni Kitch. At sa puntong iyon ay inilabas niya ang camera at ipinanuod sa mga kasama ang video na kinuhanan kanina lang. "Ano bang klaseng ritwal ang ginagawa nila kay Loise, at bakit hindi niya magawang magpumiglas?" nag-aalalang sabi ni Fudge habang patuloy na naaawa para sa kaibigan. "Nasaan kaya si Siobe, at bakit hindi sila magkasama ni Loise?" tanong naman ni Daizy na sinang-ayunan ng tatlo. "Iyan din ang iniisip ko, Daizy. Imposibleng magkalayo sila ni Siobe at kung nandoon nga rin si Siobe.. marahil ay itinatago siya," matalinong pagbibigay konklusyon ni Kitch kaya hindi rin maiwasan na mapaisip ng tatlo. Samantala, ay nagawa na niyang patayin ang camera upang makatipid sa natitirang baterya nito. Kinabukasa'y nagdesisyon si Kitch na sumaglit muli sila sa kwebang iyon dahil nagbabakasakali siyang makikita roon si Siobe. Pero bago pa man siya tuluyang makaalis ay may kamay na pumigil sa braso niya. "Kitch, sasama ako," wika ni Fudge na ikinatango at ikinangiti niya. "Kung ganoon ay sasama na rin kami," ang sabi ni Daizy. Kaya kahit wala sa plano ay sinuyod nilang muli ang daan patungo sa kwebang iyon na nagsisilbing kaharian ng mga Obalagi. At katulad no'ng una ay wala silang napansing bago. Ngunit alinsunod ang kanilang tingin sa mga Obalagi na siyang lumabas mula sa kweba at tila natupad ang isa sa inaasam ni Kitch at iyon ay ang makitang akay-akay ng mga ito si Siobe. At katulad ni Loise ay lupaypay din ang katawan nito at bihis na bihis na parang isang prinsesa. Nagsalita na naman sa wikang Cebuano ang mga Obalagi habang patuloy ang ritwal. Tila nagkakasundo sila sa bawat isa dahil halos lahat sila ay may ngiti sa mga labi. Subalit, lingid sa kaalaman nina Kitch, Fudge, Daizy at Devee na may pinaplano na ang mga ito para hanapin sila. Lingid din sa kanilang kaalaman na ang kanilang natuklasan ay parte ng isang tradisyon, marahil ay nagkakaroon na ng konklusyon si Kitch ngunit wala pa iyon sa kalahati ng kanilang nalalaman. Nang makabalik sila sa bahay kubo ay nadatnan nila si Lola Esma na may kausap na isang lalaki. Si Lola Esma na isa rin sa nakatuklas at nakaranas ng tradisyon sa kanilang bayan. "Lola," pagbigay pansin ni Devee para malaman nito ang kanilang pagdating. Binigyan naman sila ng kakaibang tingin ng lalaking kausap nito subalit napatitig si Devee sa matandang lalaki at naaalala niya kung saan ito unang nakita. Kapansin-pansin ang kakaiba nitong tingin sa kanilang apat. Nagpaalam na rin ang lalaki pagkarating pa lamang nila subalit mabilis niya itong pinigilan. "Sandali po." Unti-unti itong napasulyap sa kaniya. "Hindi po ba at ikaw 'yung matandang lalaking nakausap namin kagabi? 'Di ba, Kitch?" "Ah oo, magkakilala po pala kayo ni Lola Esma! Nakatutuwa naman po," wika ni Kitch na bahagyang nagpangiti rito. Pero agad silang nagtaka nang nagmamadaling umalis ang matandang lalaki imbes na sila'y kausapin. "Sino po iyon, lola?" tanong ni Kitch. "Kaibigan ko siya, 'wag kayong mag-alala dahil mapagkakatiwalaan naman iyon," ani Lola Esma. Subalit hindi naging sapat para sa kanila ang isinagot ng matanda kaya nagtanong pa sila nang nagtanong. "Pero bakit po ganoon na lang siya kung makatingin?" tanong ni Fudge. "E, kasi.. mukhang alam na niya ang pu-p'wedeng mangyari sa inyo," sagot nito na ikinakunot muli ng noo nila. Hindi nila maintindihan kung bakit parating hindi malinaw ang isinasagot ni Lola Esma. "Ano po ba ang maaari namin sapitin, Lola Esma? Pakiusap naman, o, gustong-gusto na po namin malaman!" pagpupumilit ni Kitch. "O, sige, sasabihin ko na." Napabuntong hininga ito bago pa muling nagsalita. "Dalawa lang ang p'wedeng mangyari sa inyo, p'wedeng mabuhay ang katawan ninyo habang unti-unting nilalamon ang kaluluwa ninyo o p'wede rin naman na nasa hukay na ang isa ninyong mga paa." Ang mga salitang binitiwan ni Lola Esma ay lalong nakapagpagulo sa isip nila, hindi nila batid na sadyang makahulugan ang bawat salitang iyon na ang tanging solusyon lamang ay.. pagbabago. "Hindi ba't isa ring tradisyon ang natuklasan namin kanina at kahapon?" mungkahi ni Devee na ikinalingon ni Lola Esma. "Ano ba ang inyong nakita?" "Nakita po namin kung paano nila iniingatan ang isang babae, subalit ang nakapagtataka ay wala man lang itong reaksyon sa nangyayari, hindi namin alam kung nasisiyahan ba siya o kung kinikilabutan sa nangyayari.. at ang mas nakabibigla pa, ang babaeng iyon ay kilalang-kilala namin," ani Kitch na ikinapikit ng mata ni Fudge sa sobrang pag-aalala sa kaibigang si Loise. "Si Loise po," dagdag pa niya. "Mga hija, tama kayo, isa nga iyon sa tradisyon ng aming bayan. Subalit ang inyong natuklasan ay wala pa sa kalahati ng katotohanan.." Napaawang ang kanilang mga labi at hinayaang magsalita si Lola Esma,"Tandaan ninyo ang sinabi ko kanina, dalawang bagay lang ang p'wedeng mangyari sa inyo, iyon ay kung mabigo kayo sa misyon ninyo." "Misyon?" sabay na tanong nina Kitch at Fudge. "Oo, Kitch at Fudge, magmula nang tumuntong kayo sa bayan na ito ay nabuo ang inyong misyon.. hindi ba't nais ninyo rin na maging matagumpay ang inyong documentary?" anito na nagbigay pag-asa sa kanila. "Ito lang ang masasabi ko sa inyo, ngayon pa lang ay humahanga na ako sa angking katapangan ninyo sa pag-ungkat ng katotohanan, pero ngayon pa lang ay pina-alalahanan ko na kayo, bawat aksyon na gagawin ninyo ay may kakambal na peligro, kung kinakailangang may magbuwis buhay ay gawin, at sa bandang huli, hindi ninyo lang masasabi na isa ito sa pinaka-ayaw ninyo nang mangyari at balik-balikan na alaala, kundi magbibigay din ito ng aral at inspirasyon sa iba. Kitch, Fudge, Daizy at Devee.. naniniwala ako na magiging matagumpay ang inyong misyon at asahan ninyong nasa likod ninyo lang ako at hinding-hindi ko kayo iiwan sa kahit na anong laban." Hindi maiwasang magkaroon sila ng sari-saring emosyon. Kaya naman nagawa na lamang nilang tanggapin ang bawat yakap ng isa't isa. Magkakaiba man sila ng pananaw at paniniwala, ng determinasyon at pag-uugali, gayunpaman ay ang kanilang magkakaparehong mithiin na makakamtan ang katotohanan. "Magpahinga na kayo para makaipon kayo ng maraming lakas," ani Lola Esma na sobrang nag-aalala para sa kanila. Gayundin ang kaniyang munting pag-asa na magbabago ang tradisyon sa pamamagitan ng mga batang ito lalung-lalo na kay Kitch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD