Chapter 6

1475 Words

HINDI MAN gaano naging matagumpay ang kanilang pananaliksik ay sapat ng ebidensya ang kanilang nakita kanina. Wari'y hindi lang nila maintindihan kung bakit ganoon ang nakasanayang tradisyon ng bayang iyon. "Tama ba ang hula ko? Mga babae talaga ang nagiging biktima nila?" tanong ni Fudge nang makabalik sila sa kubo ni Lolo Esma. At hindi naman sinasadya na maririnig iyon ni Lola Esma kung kaya't napasabat ito. "Hindi ba't minsan ko nang sinabi sa inyo na naging biktima rin nila ako." Naging palaisipan sa kanila ang sinabi ni Lola Esma subalit batid nilang kahit magtanong pa sila rito ay wala silang mahahanap na malinaw na kasagutan dahil bawal nga raw ang pagku-kuwento nang naitatagong lihim ng bayang iyon. "Kung ganoon ay tama ng ang hinala ko," konklusyon ni Fudge na tinanguan naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD