"Mateo, tama na please! Ang anak ko, kailangan ng dalhin sa hospital!" sigaw niya rito. "What happened to him?" alalang tanong ni Travis na tila walang pakialam sa mga sinasabi ni Mateo. "Inaapoy siya ng lagnat. Please, Travis! Tulungan mo ang anak natin!" Umiiyak na sabi niya. "Damn! Just tell me what you f*****g want para madala ko na sa hospital ang anak ko!" Sigaw ni Travis kay Mateo. "You already know what I want. Pirma mo na lang ang kulay, Travis." "How can I be sure na papakawalan mo ang mag-ina ko kapag ginawa ko ang gusto mo?" "Marunong akong tumupad sa usapan. Kayo lang naman ang nakaisip gumawa ng kalokohan kaya na naman tayo humantong sa ganito," ngisi nito. "Give me a pen," seryosong sabi ni Travis dito. "Travis!" manghang sabi niya rito. "Just give me a damn pen!" s

