"Simple lang, kapag nakuha ko na ang mga files na iyon. Magiging isang pulubi na ang kabit mo," ngisi nito. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang sabi niya. "Those files consist of agreements na binibili ko ang lahat ng shares nito sa lahat ng kompanyang kinabibilangan niya. After that, I will be one of the most powerful man here in Asia." At tumawa ito ng nakakaloko at malakas. "Hayop ka! Napakasama mo! Wala kang puso!" umiiyak na sigaw niya. "Kung wala akong puso, hindi ko sana inalagaan ang anak niyo ng kabit mo!" "Oo, siguro nga ay inalagaan mo ang anak ko pero lahat ng iyon may kapalit! Hindi mo ginawa iyon dahil bukal sa loob mo! Ginawa mo iyon dahil may motibo ka!" galit na sigaw niya rito. Malakas naman siya nitong sinampal. "Sumasagot ka na ngayon?! Hindi ba dapat ay magin

