"Hatid na kita," ngiti nito nang maabutan siya nito. "Ha? Sorry pero hindi kasi ako basta-basta sumasama sa mga hindi ko lubos na kakilala at isa pa baka magalit ang asawa ko. Pasensiya na," nahihiyang sabi niya. "That is why you look familiar when I first met you. Ngayon ko lang lubos na naalala kung saan kita nakita," nakangiting sabi nito. "Ha? Hindi ko maintindihan," kunot-noong sabi niya rito. "You are Luisa Guillermo before, right?" Mabilis naman siyang tumango. "Maybe you doesn't know me, pero malimit kang nakukwento sa akin ni Travis noon," seryosong sabi nito na nagpahinto ng mundo niya. "K-Kaano-ano mo si T-Travis?" kinakabahang tanong niya. "Okay lang ba kung doon na lang tayo mag-usap? Ang hirap kasing makipagkwentuhan ng nakatayo," ngiti nito sabay turo nito sa isang c

