"Why are you holding my phone?!" Inis na sabi nito at mabilis na lumapit sa kan'ya at hinablot ang cellphone. "S-Sino si Romulo, Mateo? At sino ang gising na?" Pero tila nanlaki ang mga mata nito. "N-Nothing, just one of my employee na nagkasakit." Mabilis naman siyang tumango kahit na ang totoo ay nagdududa pa rin siya. "Next time, huwag na huwag mong papakialaman ang mga gamit ko," seryosong sabi nito. Bigla naman siyang napatingin sa may katawan nito nang mapagtantong nakatali lang pala ng tuwalya ang bewang nito. Mabilis naman siyang napalunok dahil ang ganda ng katawan nito pero bahagya siyang napakunot noo nang makitang merong isang parang mamula-mulang bagay na nasa may bandang tiyan nito na tila tinakpan. Bigla tuloy siyang natigilan dahil pamilyar sa kan'ya ang markang i

