Chapter 5

1040 Words
"Iyong tungkol sa pills ko, paubos na kasi. Baka pwedeng dumaan muna tayo sa drugstore?" seryosong sabi niya rito. Mabilis naman nitong na-ipreno ang sasakyan na siyang ikinagulat niya. Pagkatapos ay kunot-noong napatitig sa kan'ya. "You are taking pills?" Naguguluhan man ay bahagya siyang tumango. "Yes, hindi ba ay iyon naman ang gusto mo? Ang sabi mo ay planuhin muna natin ang lahat bago tayo--" "Yeah, you are right. Mas mabuti ngang mag-pills ka. I don't want you to get pregnant, again." Seryosong sabi nito pagkatapos ay mabilis na pinaandar muli ang sasakyan. Mabilis din siyang natigilan. Bakit tila iba ang kahulugan ng sinabi nito sa kan'ya? Hanggang ngayong ba ay ayaw pa rin ni Mateo na magka-anak sila? Tila bahagya siyang nakaramdam ng lungkot. Sa halos anim na taon kasi nilang pagsasama ng asawa niya ay gustong-gusto na niyang sundan si Thor. Naaawa kasi siya sa anak niya dahil mag-isa lang ito. Naputol ang pag-iisip niya nang huminto ang sasakyan nila sa isang boutique. Kaagad na bumaba ang asawa niya kaya naman sumunod siya rito. "Goodmorning Sir and Ma'am," ngiting bati ng sales personnel na bumungad sa kanila. "Give her pants, longsleeves, much better kung turtle necks. Sweatshirts, simple blouses, leggings. Anything that can cover her up." Seryosong sabi ni Mateo bago mabilis na naupo sa may sofang naroroon. "Po?" gulat na gulat na tanong ng sales personnel. "Can you call somebody else na hindi bingi?" iritableng sagot nito. "Sorry po sir, I mean bakit po? Para po ba ito kay ma'am?" magalang na sagot pa nito. Pero tinitigan lang ito ng asawa niya at hindi sinagot. "Sorry po sir, I am Chin Robles po pala. I am also a fashion stylist here. At base po sa nakikita ko, hindi po nababagay kay ma'am ang ganoong mga klase ng damit. She is so gorgeous para lang itago ang katawan niya, and besides papasa nga po siyang model--" "Do I need your opinion?" putol ni Mateo sa sinasabi nito. Nakita niya na biglang natigilan ang babae at napayuko. Mabilis naman niya itong nilapitan at ngumiti rito. "Okay lang ako, saan ba iyong mga longsleeves niyo?" ngiti niya rito. "This way po ma'am." At iginiya na siya nito papunta sa may gilid. Matapos makapamili ng mga damit niya ay mabilis silang dumaan sa isang drugstore at bumili siya ng pills. Pagpasok niya sa may sasakyan ay may kausap ito sa may cellphone nito, pero mabilis nito iyong ibinaba nang makita siya. "Work?" ngiting tanong niya rito. "Let's go." Balewala nito sa tanong niya at mabilis nang pinaandar ang sasakyan. Tahimik naman siyang napabuntong-hininga. Napakalaki talaga ng ipinagbago ni Mateo. Nang makauwi sa may bahay ay mabilis siyang nagbihis ng isang oversize shirt at mabilis na nagluto. Ni hindi man lang siya niyaya ng asawa niya na kumain sa labas na dati naman nilang ginagawa. "Love, kain na tayo," ngiting tawag niya rito. Sinisikap niya pa rin na ngumiti kahit alam niyang ang laki na ng ipinagbago nito sa loob lamang ng dalawang buwang nawala ito. Habang kumakain ay panaka-naka ang sulyap niya rito. Tila napansin naman nito ang ginagawa niya kaya napatigil ito at kunot-noong napatingin sa kan'ya. "Is there anything you want to say?" "Ha? Ah, wala naman. Medyo naninibago lang ako sa mga ikinikilos mo mula nang dumating ka," seryosong sabi niya rito. "Why? Ano ba ang ipinagbago ko?" Taas kilay na tanong pa nito. Matagal muna siyang tumitig dito bago umiling. "Wala naman, huwag mo ng alalahanin iyon." "Kung tungkol sa nangyari kagabi. Don't worry Luisa, I can make love to you everyday starting today," seryosong sabi nito sa kan'ya habang bahagyang nakangisi. "Mateo! Hindi iyon ang ibig kong sabihin," namumulang sabi niya rito. Iba kasi ang dating sa kan'ya ng mga titig nito. "Why, Luisa? Don't you miss my touch? My kiss? The way I licked your whole body?" mahinang sabi nito. Mabilis naman siyang nagulat bago nanlaki ang mga mata. Eversince they got married, hindi kailanman naging sensuwal ang pagniniig nilang mag-asawa. Tila hindi ito nasa-satisfied sa kan'ya kahit na nagsusuot pa siya ng mga sexy'ng mga damit. "Bakit tila gulat na gulat ka? Nakalimutan mo na ba kung paano kita paulit-ulit na inangkin noon?" seryosong sabi pa nito na lalong ikinagulat niya. Pero mabilis na nagbago ang mood ng mukha nito at mabilis na napatayo. "I'm done." At tuluyan na itong umalis. Mabilis naman niyang naihilamos ang mga kamay sa mukha niya. Bakit tila ibang tao ang naaalala niya sa bawat bigkas nito ng mga salita? Ang lalaking matagal na niyang ibinaon sa limot. Ang lalaking naging dahilan kung bakit at paano niya nakilala si Mateo. "Meds, okay ka lang ba?" alalang tanong ni Travis sa kan'ya. Tipid naman siyang ngumiti at tumango. "Oo meds, huwag kang mag-alala sa akin." Mabilis naman siyang inakbayan ni Travis habang naglalakad sila papunta sa may lilim ng puno. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang titigan ang gwapong mukha ni Travis. Sa dinami-rami kasi ng mga babaeng nagpapapansin dito ay siya ang napansin nito kahit isa lang siyang hamak at simpleng anak ng mga magsasaka. Naglapag muna ito ng medyo may malaking panyo sa may ilam ng puno bago sila umupo. "Meds, are you sure you are okay?" alalang tanong nito sa kan'ya. Mabilis naman siyang napatitig dito bago itinaas ang isang kamay para haplusin ang isang pisngi nito. "Travis, talaga bang hindi ka aalis?" Mabilis naman itong napangiti bago nito tuluyang hawakan ang kamay niyang nasa may pisngi niya. "Oo naman, natatakot ka ba na baka ma-miss mo ako?" ngisi nito sa kan'ya. Mabilis naman siyang napasimangot. "Puro ka naman biro e!" Sabay ismid dito. Naging seryoso naman ang mukha nito pagkatapos ay bumaba ang mga kamay nito para hawakan ang mga kamay niya. "Seriously meds, I declined my fathers offer na hawakan ang business namin sa ibang bansa. Isa pa kaka-graduate ko lang and I don't think I can already handle the pressure there. And besides, hindi kita kayang iwan." "Talaga, Travis?" bigla naman nagliwanag ang mukha niya. Nitong mga nakaraang araw ay lagi niyang naiisip na hindi niya kakayanin kapag nawala si Travis sa kan'ya. Lalo na nang malaman niyang ipinapadala ito sa ibang bansa ng tatay nito para ito ang magpatuloy ng business nila roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD