Hindi naging tago ang relasyon nilang dalawa pero hindi rin ito naging madali. Gaya ng sa mga teleserye o pelikula, matindi ang disgusto ng mga magulang nito sa kan'ya. Sino ba namang magulang ang magkakagusto sa isang babaeng ni hindi nakatuntong ng kolehiyo habang si Travis ay nakapag-masteral at magdo-doctoral pa? Nanggaling kasi sa isang mayamang pamilya si Travis, halos lahat ng mga lupang sakahan na naririto ay pagmamay-ari ng pamilyang Williams.
"Kung gusto mo, I can marry you right away para maniwala ka na." Ngisi pa nito.
Mabilis naman niyang hinampas ng marahan ang dibdib nito. "Puro ka talaga kalokohan."
"Why? I am dead serious," seryosong titig nito sa mga mata niya.
"Alam mong hindi pwede, hindi ba? Baka kapag ginawa mo iyan ay lalong gipitin ng daddy mo ang tatay ko," malungkot na sagot niya.
Kita naman niya ang biglaang pagsalubong ng mga kilay nito. "Damn! I am sorry meds, I can't do anything right now. Kaka-graduate ko lang and--"
Agad naman niyang pinahinto ng isang mabilis na halik sa may labi ang sasabihin nito. Akmang ilalayo na niya ang mukha nitya nang mabilis na hinawakan nito ang likod ng ulo niya para mas lalo pang lumalim ang halikan nilang dalawa.
Ramdam na ramdam niya ang pinaghalong pagkasabik at pagmamahal sa mga halik nito. Ilang minuto pang nagtagal ang halikan nila bago sila tuluyang naghiwalay.
"Alam mong hindi pera ang habol ko sa iyo, Travis," seryosong sabi niya rito. Ayaw na ayaw niyang isipin nito na nagustuhan niya lang ito dahil mayaman ang pamilya nito.
"Call me meds, please." Simangot na sabi nito.
Ang gusto kasi nito ay tawagin niya ito sa tawagan nilang dalawa. Ito kasi ang nag-isip ng tawagan nilang dalawa na "MEDS" na ang ibig sabihin ay "My Ever Dearest Sweetheart" corny man pakinggan pero talaga namang kinikilig siya dahil ramdam niya kung gaano siya nito kamahal.
"Oo na, meds." Ngiti niya.
"That's my girl." At ginulo pa nito ang buhok niya. "And, kahit kailan ay hindi ko naisip na pera lang ang habol mo sa pamilya ko. Kumpiyansa akong mahal mo talaga ako, because that is what I feel everytime I am looking at you."
Gusto niyang maiyak dahil sa sinabi nito. Nitong mga nakaraang araw ay parang nagiging emosyonal siya kahit sa mga simpleng bagay lang.
Nang makauwi siya ay kita niya ang tatay niyang nakaupo sa may maliit nilang teresa habang seryosong nakatitig sa kawalan. Tila napakalaki ng iniisip nito.
"Tay, mano po." Sabay kuha sa isang kamay nito.
Tumango lang ang tatay niya at hindi nagsalita. Kaya mabilis siyang umupo sa may tabi nito. "Tay, may problema po ba?"
Malungkot na tumingin sa kan'ya ang tatay niya bago bahagyang ngumiti. "Wala anak, pumasok ka na sa loob. Nakapagluto na ako."
"Tay, alam ko pong may problema kayo kaya pakiusap po. Sabihin niyo na ho sa akin."
Matagal muna siya nitong tinitigan bago malungkot na nagsalita. "Sinisingil na kasi tayo ng mga Williams, anak. Masyado ng matagal ang pagkakasanla ng bukid sa kanila. At alam mo naman na napeste ang una sana nating ani. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng perang ipantutubos sa lupa natin. Alam mo namang matagal naming pinaghirapan ng nanay mo ang lupang iyan noong nabubuhay pa siya," seryosong sabi nito sa kan'ya na halos umiyak na ito.
Ngayon lang niya nakitang ganito kalungkot ang tatay niya. Noong hindi pa sila magkasintahan ni Travis ay nakasanla na ang lupang sinasakahan ng tatay niya sa mag-asawang Williams. Nabaon kasi sa utang ang mga magulang niya nang magkasakit ng cancer ang nanay niya at halos naratay ng isang taon bago tuluyang namatay. Para lang makabayad sa ospital ay isinanla ng tatay niya ang pinaghirapan ng mga itong lupa sa mga magulang ni Travis.
"Tay, kung gusto niyo po ay kakausapin ko ang mga magulang ni--"
"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin, anak. Ayokong iisipin nila na pera lang nila ang habol mo sa anak nila. Hindi ko papayagang mangyari iyon, anak."
"Pero paano na ang bukid, tay? Hindi ko rin gugustuhing makita na mawala ang lupang pinagpaguran niyo ng nanay," malungkot na sabi niya.
"Huwag kang mag-alala, Isa. Gagawa ako ng paraan." Ngiti pa nito sa kan'ya pero kitang-kita pa rin niya ang lungkot sa mga mata nito.
-------------
"Happy 2nd Anniversay, meds!" masayang sabi sa kan'ya ni Travis pagkatapos nitong tanggalin ang blindfold niya sa mga mata.
Naghanda kasi ito ng isang dinner date sa isang sikat na hotel sa kabilang bayan.
Mabilis naman siyang napangiti rito nang abutin nito sa kan'ya ang isang bouquet ng bulaklak pagkatapos ay mabilis siyang binigyan ng mariing halik sa mga labi.
"Thank you, meds! Happy Anniversay!" nakangiting sabi niya rito.
Mabilis naman siyang hinila ni Travis sa may upuan at ipinaghila bago tuluyang ipinaupo.
"Salamat," ngiti niya. "Nag-abala ka na naman," nahihiyang sabi niya rito. Nang nakaraang anniversary kasi nila ay dinala naman siya nito sa baguio. Sinabi kasi niya rito na pangarap niyang makapunta roon. Mababaw pero, sobrang saya niya lalo na at ito ang kasama niya.
"Anything for you, lahat gagawin ko para sa prinsesa ko." At kinuha ang isang kamay niya at marahang hinalikan.
Pagkatapos ay tumayo ito at tumayo sa may likuran ng kinauupuan niya at isinuot ang isang gold necklace na may pendant ng pinagsamahang letter T and L.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ito. "Meds?"
"Shhh. That is okay, hindi naman iyan kamahalan," ngiti nito sa kan'ya.
Mahina siyang napabuntong-hininga. Alam kasi nitong ayaw na ayaw niyang binibilhan siya nito ng mamahaling mga gamit.
Nang umupo ulit ito sa may harapan niya ay mabilis niyang kinuha ang isang maliit na box sa may bag niya at nahihiya siyang iabot ito rito.
"Pasensiya ka na meds, iyan lang kasi ang nakayanan--"
"Meds, I told you. Kahit anong manggaling mula sa iyo ay espesyal para sa akin. I don't care about it's price. Ang mahalaga, galing iyon sa babaeng pinakamamahal ko."
Marahan niya itong inilapag sa may mesa. Mabilis naman itong kinuha ni Travis at excited na binuksan. Isang simpleng silver bracelet lang ang regalo niya rito na may nakasulat na meds at ang araw ng anniversary nila.
Mabilis naman siyang tumayo at kinuha ang kamay nito at siya mismo ang nagsuot sa may isang kamay nito roon.
"Thank you, meds."
"I love you."
"I love you too so much, meds." At dahan-dahan nitong iniangat ang baba niya para magpantay ang mga mukha nilang dalawa. "Meds, just give me 2 more years and I will marry you. Gusto kong magsettle down kapag financially stable na ako. Ayokong umasa kay dad," seryosong sabi nito sa kan'ya habang nakatitig sa mga mata niya.