Chapter 7

1126 Words
"Handa akong maghintay," ngiti niya rito. Ngumiti lang ito sa kan'ya bago dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa may mukha nito. Nang una ay marahan lang ang ginawa nitong paghalik pero hindi nagtagal ay naging maalab na ito. Humigpit ang isang braso nito na yumayakap sa may bewang niya habang ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa may isang pisngi niya. Ilang sandali pa ay marahan na siya nitong binuhat at inihiga sa may kama. Pinakatitigan siya nito sa mukha na siyang ikinailang niya. "You are so beautiful, hinding-hindi ako magsasawang titigan ang mukha mo, meds." Bahagya naman siyang namula dahil sa sinabi nito. Hindi siya magpapaka-impokrita. Hindi ito ang uunang beses nila magkasama na silang dalawa lang pero palagi pa rin siyang parang naninibago. Doon sa may baguio noong unang anniversary nila naibigay ang p********e niya rito na hindi naman niya pinagsisisihan. Mabilis na sinakop nito ang mga labi niya at binigyan ng mas malalim ng halik habang mabilis na kumikilos ang mga kamay nito para hubarin ang mumurahing dress na suot-suot niya. Ilang sandali lang ay hindi niya namamalayan na tanging panloob na lamang ang natitirang mga saplot sa katawan niya. Marahan nitong sinupsop ang isang dibdib niya habang mahigpit naman ang hawak ng isang kamay nito sa may isa pa. Isang mahabang ungol ang pinakawalan niya nang maingat nitong kagatin ang maliit na u***g niya na tila nanggigil ito roon. "Travis!" singhap niya. "Call me meds," mahinang sabi nito. Akmang bababa pa ang mukha nito nang biglang tumunog ang de keypad niyang cellphone. "Uhmm, hayaan mo na muna iyan," angal nito. Pero hindi ito tumitigil sa pagtunog. Marahan niya itong itinulak para makatayo. "Baka importante ito." Mabilis niyang kinuha ang cellphone pero hindi pamilyar sa kan'ya ang numero ng tumatawag pero minabuti pa rin niyang sagutin ito. "Hello?" "Hello? Luisa? Nasaan ka?" dinig niyang sabi ng boses lalaking matanda mula sa kabilang linya. "Ho? Sino po sila?" "Si Tiyo Lando mo ito, maaari mo bang puntahan ang tatay mo rito? Lasing na lasing kasi siya at hindi maawat sa pag-iyak," alalang sabi pa nito. "Ho? Sige ho at pupunta na ako." At mabilis na pinatay ang tawag. Nakalimutan niyang hubad pa pala siya kaya mabilis niyang kinuha ang nahubad na dress niya ni Travis. "What's wrong?" alalang tanong nito. "Sorry meds, pero pwede bang ihatid mo na muna ko kina Tiyo Lando? Susunduin ko lang si tatay." Mabilis naman itong tumango. "Oo naman." Naputol ang pagbabalik tanaw niya nang marinig niya ang boses ng asawa niya. Mabilis naman siyang pumasok ng kwarto at halos matulala siya nang makita ang bagong ligong asawa niya. Tumutulo pa nga ang iilang butil ng tubig sa may katawan nito. "M-May kailangan ka ba?" kinakabahang tanong niya. Teka? Bakit nga ba siya kinakabahan e asawa naman niya ito at ang isa pa, maraming beses naman niyang nakita ang katawan nito. Pero nagulat siya nang mabilis siya nitong hilahin at itulak sa may kama at biglang kubabawan na siyang ikinalaki ng mga mata niya. "Mateo!" gulat na gulat na sabi niya rito. "Why?" seryosong sabi nito sa kan'ya habang nakatitig sa mga mata niya. "A-Ah, ano kasi may gagawin pa kasi ako sa may kusina." At akmang itutulak niya ito nang biglang hawakan nito ang magkabila niyang mga kamay at ilagay sa magkabila niyang gilid. "Why are you stammering?" "H-Ha? Hindi, Mateo sige na tumayo ka na, please," pakiusap niya rito. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. "Am I not allowed to do this, Luisa?" Bigla naman siyang natigilan nang magkatitigan silang dalawa ng mga mata. Bakit tila pamilyar na pamilyar talaga sa kan'ya ang mga titig na iyon? "Bakit lagi mo akong tinititigan ng gan'yan?" seryosong tanong nito sa kan'ya. "Bakit parang may nag-iba sa iyo, love?" Bigla naman nanlaki ang mata nito at mabilis na tumayo mula sa pagkakadagan sa kan'ya. "Sige na, lumabas ka na," iwas nito ng tingin sa kan'ya. "May itinatago ka ba sa akin, Mateo?" seryosong tanong niya rito. "Meron ba akong dapat na itago sa iyo?" Bigla naman siyang natigilan para mag-isip, tama ito. Ano ba ang dapat nitong itago sa kan'ya? Marahan naman siyang tumango at nagpaalam na para lumabas. Nang ganap na makalabas ay parang kinabog ang puso niya. Bakit lagi siyang kinakabahan na dati rati ay hindi naman niya nararamdaman bago pa umalis ang asawa niya noon? Gustuhin man niyang maligo sa may kwarto nila ay hindi niya magawa dahil sa presensiya ng asawa niya kaya minabuti niyang sa may kwarto na lang ni Thor maligo. Pagkatapos maligo ay mabilis niyang ibinalabal ang tuwalyang naroroon nang makarinig siya nang sunod-sunod na doorbell sa may pinto. Wala siyang damit sa may kwarto ni Thor kaya dala ng pagkakataranta niya ay mabilis siyang nakapunta sa may pinto. Isang lalaki mula sa may philpost ang nabungaran niya. Kita niya pang tila nagulat din ito nang makita siya. "Goodafternoon po, ma'am. May papers po para kay Mr. Mateo Santiago," tulalang sabi nito na tila nag-iiwas ng tingin. Akmang aabutin na niya ang envelop nang may biglang may mahabang kamay na kumuha niyon mula sa may likuran niya at bumulong sa may tenga niya. "Go to our goddamn room right now!" matigas pero mahinang sabi nito sa kan'ya. Mabilis naman siyang napalingon dito at natigilan nang makita ang galit na mukha nito base na rin sa paggalaw ng mga panga nito. "Ah, o-oo." At mabilis na siyang nagbalik sa papunta sa may kwarto nila. Mabilis siyang lumapit sa may closet niya at naghanap ng mga underwear. Akmang isusuot pa lang niya ang panty na hawak niya nang marinig niya ang pabagsak na pagsara ng pintuan. "Damn! What do you think you are doing, Luisa?!" galit na galit na sabi nito na tila napuno ang buong silid ng boses nito. Bahagya naman siyang nahintakutan dahil sa nakikita niya sa mukha nito. "M-Mateo.." "Gan'yan ba talaga ang ginagawa mo sa tuwing wala ako rito? Una, iyong bus driver ni Thor. Ngayon naman, pati delivery man?!" at unti-unti itong lumalapit sa kan'ya. "Love, nagkakamali ka. Naligo lang ako at nataranta na ako kasi sunod-sunod ang pag-doorbell sa may pinto kaya--" "Shut up!" At mabilis na hinaklit ang isang kamay niya. "You are really proud on showing of your body, huh?" "Love, alam mong hindi ako ganoon--" "Ano bang malay ko kung sinu-sino pa lang mga lalaki ang pinapapasok mo rito sa may papamahay ko nang wala ako?" nanlilisik ang mga matang sabi nito. Mabilis niyang nahila ang braso niyang hawak nito at mabilis ang isang kamay niya na dumapo sa isang pisngi nito. "Paano mo nasasabi sa akin iyan, Mateo?! Alam mong hindi ako gan'yan klase ng babae!" sigaw niya rito. "Really, Luisa? You are shouting at me?!" at lalong nagalit ang mga mata nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD