Chapter 8

1064 Words
"Dahil nagbago ka na! Kahit kailan ay hindi mo ako kinausap at sinabihan ng gan'yan! Sa loob ng halos anim na taon natin na pagsasama ay hindi mo ako kailanman pinagsalitaan ng gan'yan!" "Why, Luisa? Everything can change, there is nothing permanent in this world," seryosong sabi nito. "Hindi na kita maintindihan." At mabilis na siyang tumalikod dito at kinuha ang mga damit niya. Doon na lang siya magbibihis sa may kwarto ni Thor. Hindi muna siya komportableng makita at makausap ang asawa niya. Akmang hahakbang na siya palabas nang mabilis na naman siya nitong haklitin sa isang braso. "Don't you dare turn your back on me!" matigas na sabi nito. "Bitawan mo ako, Mateo. Doon na lang ako sa may kwarto ni Thor magbibihis." "No! This is our room kaya rito ka magbihis," matigas pa rin na sabi nito sa kan'ya. "Please, Mateo. Ayoko munang makipag-away sa iyo. Hindi ako sanay sa ganito--" Pero nagulat siya nang mabilis siya nitong itinulak sa may pader at itinaas ang dalawang mga braso. "Why, Luisa? Nahihiya ka bang ipakita sa akin ang katawan mo?" "Mateo! Ano bang pinagsasabi mo?! Asawa kita, bakit naman ako mahihiya sa iyo?" "Exactly! Asawa mo ako, kwarto natin ito, pag-aari kita. Kaya dapat lang na rito ka magbihis. Huwag mo akong galitin, Luisa. Hindi mo magugustuhan kapag sinuway mo ako," seryosong sabi nito na nagpahinto sa kan'ya. Ang mga matang iyon, ibang-iba talaga ang matang iyon. Hindi siya ganoon titigan ni Mateo dati, at hindi siya madalas na tinititigan ng asawa niya. Malalim naman siyang napabuntong-hininga. "Oo na, Mateo. Pakiusap, bitawan mo na ako para makapagbihis na ako," sumusukong sabi niya. "That's my girl." At mabilis na binitawan ang magkabilang braso niya pagkatapos ay ginulo ang itaas ng buhok niya na siyang lalong ikinatigil niya. Isa lang ang gumagawa sa kan'ya nito noon. Mahilig din nitong ipatong sa may buhok niya ang kamay nito. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya rito pero mabilis naman itong nag-iwas ng tingin. "Sige na, pumasok ka na sa may banyo at magbihis. I'll just go outside." At mabilis na itong nagmartsa palabas. Ang mga titig nito, ang mga galaw nito. Ang mga salita nito, bakit tila lahat nag-iba? At bakit tila may isang taong pumapasok sa isip niya tuwing tinititigan siya nito? ---------- Mula nang lumabas si Mateo ay hindi na ulit sila nag-usap hanggang sa makauwi si Thor. "Mama! Look po, I have a lot of stars!" excited na sabi nito habang nasa labas sila. Inabangan kasi niya ito sa may labas ng bahay. "Wow! Ang galing-galing naman talaga ng anak ko!" At mabilis itong niyakap at hinalikan sa may pisngi. "Nako, sige na pumasok ka na sa may kwarto mo at maghilamos. Ihahanda ko na ang meryenda mo," ngiti pa niya rito. "Okay po. Nasaan po si papa, mama?" tanong naman nito. "I am here," bigla ay sabi ni Mateo, pero sa kan'ya ito nakatingin at base sa mukha niya ay masama na naman ang timpla nito. Dahil na naman ba sa hinintay niya si Thor sa labas? "Papa! Look, I have a lot of stars!" masayang sabi nito. Tamad lang itong tinignan ni Mateo at napa-ismid. "Those are nothing if you enter the real world. Mas angat pa rin ang diskarte kesa riyan sa mga stars na iyan." At mabilis na sila nitong nilampasan. Kita naman niya ang pagkatulala ng anak niya dahil sa sinabi nito. "Anak, hayaan mo muna ang papa mo. Pagod lang siya," at ngumiti rito. "Anong gusto mong meryenda?" "Okay lang po mama, sa room na lang muna po ako. Marami pa po kasi akong assignments," bahagyang ngiti nito. "Sige, tutulungan ka na lang ni mama--" "No po, mama. Okay lang po. Kaya ko na po ang mga assignments ko." At bagsak ang mga balikat na naglakad na ito papasok ng kwarto nito. Alam niyang kahit ito ay naninibago kay Mateo. Pagkapasok ni Thor sa may kwarto nito ay mabilis niyang sinundan ang asawa niya sa may kwarto. Nakita niya itong busy'ng-busy sa pagtipa sa may laptop nito. "Mateo, bakit mo naman ginanon si Thor?" mahinahong sabi niya rito. Pero tila dumaan lang ang sinabi niya rito sa may tenga nito. "Mateo, ano ba talagang problema? Bakit ba hindi mo sabihin sa akin kung ano ba talaga ang nangyayari sa iyo?" mahinahon pa rin na sabi niya rito. "Can you just please shut up, Luisa?! Bakit ba pinipilit mo na may problema ako?" inis na sabi nito nang tumingin sa kan'ya. "Dahil ramdam ko na may nag-iba mula sa pakikitungo mo sa akin at kay Thor. Pakiramdam ko ay ibang tao ang kasama namin dito sa bahay," seryosong sabi niya rito. Mabilis naman itong tumayo at hinarap siya. "Bakit, Luisa? May iba pa bang lalaking pumapasok sa isip mo, ha?" hamon na tanong nito sa kan'ya. "Mateo! Hindi gan'yan ang ibig kong sabihin." "Then, tigilan mo ang pagka-paranoid mo," iwas na sabi nito at mabilis nang umupo ulit sa may harapan ng laptop nito. Nang biglang tumunog ang cellphone na hawak nito ay muli itong napatingin sa kan'ya. "Lumabas ka muna, this call is important," seryosong sabi nito. Matagal muna niyang tinitigan ang mukha nito bago tuluyang nagmartsa palabas. Gusto niyang mapikon sa ipinapakitang ugali ng asawa pero pinipigilan niya ang sarili niya. Gusto niya itong intindihin. Paglabas niya ay dumiretso siya sa kwarto niya para tignan ang anak niya. Halos mapangiti siya nang makita itong mahimbing na natutulog habang may hawak-hawak pang lapis. Marahan niya itong nilapitan at iniligpit ang mga gamit nito sa may higaan. Dahan-dahan niya itong hinalikan sa may noo at mabilis na nagtungo sa may pinto para lumabas nang marinig niya ang boses ng asawa niya. "What's the news, Romulo?" Mabilis siyang tumigil at sumilip lang muna. At kita niya itong nasa may sala. "Okay, just be careful. I am on my way." Seryosong sabi pa nito. Ilang sandali pa ay tumahimik na ang paligid tanda na tapos na itong makipag-usap. Mabilis naman siyang lumabas ng kwarto at dire-diretso sa may kusina para magluto ng hapunan nila. Kita naman niyang mabilis na pumasok sa may kwarto nila ang asawa niya at mabilis din na lumabas habang nagsusuot ng jacket. "Aalis ka?" habol niya rito nang akmang lalabas na ito. "Why?" kunot-noong tanong nito. "Gusto ko lang malaman, asawa mo ako kaya dapat lang siguro na alam ko kung saan ka pupunta hindi ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD