Napilitan na lamang siyang umuwi sa may condong ibinigay sa kan'ya ni Mateo. Sinabi niya rito na kailangan niya ng sarili niyang tirahan dahil sinabi niya kay Travis na hiwalay na sila ni Mateo dahil iyon naman ang totoo. Napag-alaman niyang ang condong iyon ay malapit lang sa opisina ni Travis. Kinabukasan ay minabuti niyang ipagluto ito ng mga paborito nitong pagkain. Halos alas-otso pa lang ng umaga ay nasa may opisina na siya nito. "Goodmorning, maaari ko ho bang makausap si Travis Williams?" magalang na tanong niya sa babaeng tingin niya ay secretary nito. "Good morning, do you have any appointment with him?" Mabilis naman siyang umiling. "Wala pa pero--" 'I am sorry ma'am pero makakaalis na po kayo. Hindi po tumatanggap si sir ng biglaang walk-in," seryosong sabi nito. "Sigr n

