"Why? Anong masama doon? Hindi ako nakikipaglokohan, masama bang purihin ko ang asawa ko?" ngiti nito at akmang hahawakan siya nang mabilis siyang lumayo. "Mag-asawa na lang tayo sa papel ngayon, Mateo," seryosong sabi niya rito. Itinaas naman nito ang dalawa nitong mga braso na parang sumusuko. "Fine, I am sorry." "Kelan ako magsisimula?" "You can start right now if you want," sabi nito sa kan'ya at may iniabot na papel. "Ano ito?" "Iyan ang address ng opisina at bahay ni Travis. Diyan mo siya mahahanap." Matagal naman niyang tinitigan ang papel na hawak at halos mapunit na niya ito sa tindi ng pagkakahawak niya. Labag man sa loob niya ay kailangan niya itong gawin. "Remember our rule, Luisa. Kapag nagsumbong ka kay Travis, isang pitik lang ng mga daliri ko ay may mangyayari ng ma

