"Ha? Wala naman, bakit?" mabilis na sagot niya. Pero nagkibit-balikat lang ito at hindi na din siya sinagot. Habang busy ito sa pagtipa sa may laptop nito ay minabuti niyang magpunas-punas roon at ayusin ang mga gamit nito. Dahil sa ginagawa ay hindi sinasadyang may makita siyang isang piraso ng hikaw na may desenyong letter C. Mabilis naman siyang napatingin kay Mateo at tila kinabahan. "Uhm, love? Meron ka bang mga kliyenteng babae na nagpupunta rito?" mahinang tanong niya. Kaagad naman itong napakunot-noo. "Why you are asking?" "Baka kasi familiar sa iyo itong hikaw." At mabilis na inilapag iyon sa may mesa nito. ------------ Travis Side Mabilis na napakunot ang noo niya nang makita ang hikaw na hawak ni Luisa. "Maybe one of our investors left that here. Why? Are you accusing

