"Naghanap pa kasi ako ng makakainan e. At ang isa pa naglakad--" "That's fine," putol nito sa sinasabi niya at mabilis na ulit itong bumalik sa trabaho. Dahil wala naman siyang gagawin ay minabuti na lamang niyang umupo sa may sofang naroroon. Ilang sandali pa ay may kumatok at pumasok ang sekretarya nito. "Sir, Mr. David is here." "Let him in," balewalang sabi ng asawa niya rito. Ilang sandali pa ay pumasok ang isang matangkad na lalaki. Halos manlaki ang mga mata niya nang makilala ito. Nang mapagawi rin ang tingin nito sa kan'ya ay kita rin nito ang gulat sa mga mata nito. "Ikaw?" ngiti nito sa kan'ya. Binigyan naman niya ito ng matipid na ngiti pagkatapos ay napalingon sa asawa niya na bahagyang nakataas ang isang kilay. "Do you know each other?" "Hindi." "Yes." Sabay pa na

