Ilang sandali pa ay bumalik si Travis sa loob ng sasakyan para buhatin si Thor. "Let's go, they are waiting for us." Ngiti nito at inilabas na si Thor. Marahan naman siyang bumaba dahil ayaw niyang isipin ng mga ito na nagpapaimportante siya. Nang makita ang nanay ni Travis ay mabilis niya itong binati. "Magandang hapon po, Mrs. William." At kinuha ang isang kamay nito para magmano pero mabilis nito iyong iniiwas. "Ano ka ba, Luisa. Masiyado mo naman akong pinapatanda." At ito na mismo ang nakipag beso-beso sa kan'ya pero mahinang bumulong sa kan'ya. "You are not welcome here." Sabay ngiti nito nang lumingon si Travis sa kanila. "Mom, I want you to meet Thor, my son," ngiting baling nito sa ina nito. "Give your lola a kiss," utos nito kay Thor na mabilis naman nitong sinunod. "Are you

