"Ano hong ibig niyong sabihin?" takang tanong niya rito. "Nagrequest na ako ng DNA test sa may hospital kanina. Hindi na ako nakapagpaalam dahil alam ko namang hindi ka naman magagalit, hindi?" ngisi nito sa kan'ya. Nagulat man ay hindi na siya nagpahalata. "Oo naman po, wala naman pong problema. Sige po, magpapalit na muna po ako ng damit." At marahan na siyang nagpaalam bago tuluyang umalis. Alam niyang hindi niya kailangang kabahan dahil alam niyang totoong anak ni Travis si Thor pero natatakot lang siya na baka may gawing paraan ang mommy nito para maging negative ang resulta kagaya ng mga palagi niyang napapanuod sa mga teleserye. Pero bago pa siya tuluyang makapasok sa kwarto ni Travis ay mabilis siya nitong tinawag. "Wait up, Luisa." Mabilis naman siyang huminto para hintayin

