Mabilis naman siyang tumango at sumunod dito. "Ay Ma'am Luisa, ako na po riyan. Baka magalit po kasi si Sir Travis kapag nakita niya kayo. Kabilin-bilinan po kasi niya ay huwag kayong paggawain sa mga gawaing bahay--" "Josefa! Anong sinasabi mo? Sino ba ang nagpapasahod sa iyo ha? Don't you dare tell this to my son kung hindi ay malilintikan ka sa akin!" galit na sabi ni Mrs. Williams sa isa pang kasambahay. Mabilis naman na tumango ang babae at mabilis na umalis. "After that, labhan mo iyong mga kurtina. Mano-mano ang paglalaba sa mga iyon, ha?" Ngisi nito sa kan'ya bago ito tuluyang umalis. Nang mapalingon siya sa may kurtina ay gusto niyang mahimatay. Paano niya lalabhan ang ganito kalalaking mga kurtina na tingin niya ay aabot ng limang tao ang taas? Pinapahirapan ba siya ni Mrs

