"Patawarin mo ako," nakayukong sabi nito. "Iyon lang ang sasabihin mo? Ipinagpalit mo ako para lang sa walang kwentang bagay?!" galit na sigaw niya. Pero nagulat siya nang mabilis siya nitong sinampal. "Dahil baka bigla rin na dumating ang araw na iwan mo ako kagaya ng ginawa mo noon." Seryosong sabi nito at mabilis na siyang iniwanan. Nanghihina naman siyang napaupo sa may kama. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tanungin siya ni Mateo sa mga ganitong klaseng bagay at maging siya ay nagtataka. Hindi tuloy niya maiwasang maisip at bumalik na naman sa nakaraan.. Maaga siyang nagising kinabukasan dahil may importante siyang pupuntahan. Kailangan niyang makausap ang mga Williams tungkol sa lupang sakahan ng mga magulang niya. Nang makarating ay mabilis niyang pinindot ang doorbell ng i

