Chapter 50

1093 Words

Nang hindi pa rin siya gumagalaw sa may kinatatayuan niya ay bigla siyang hinila nito dahilan para mapaupo siya sa may kandungan nito. Mabilis sana siyang tatayo nang bigla siya nitong hawakan sa may bewang. "Uhm, Travis, p-paano kita ma--" Pero hindi pa siya tapos magsalita nang bigla siya nitong halikan sa may labi. Ilang sandali lang tumagal iyon pagkatapos ay tinitigan siya nito ng matagal "I am tired." Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa may bulsa niya. Marahan naman nito itong kinuha at nakita ang pangalan ni Mateo. "Answer it," matigas na sabi nito na nakatingin din pala sa may cellphone na hawak niya. Ramdam niya ang biglang pagbabago ng awra nito. Mabilis naman siyang tumayo para magpunta sa may banyo bago ito tuluyang sagutin. "Any good

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD