Tila nagulat naman ito at mabilis na napatayo. Mabilis naman siyang lumapit dito. "What are you doing here? Where is Mabel?" Kunot-noong tanong nito. "Nagpresinta na ang ihatid kasi baka marami siyang ginagawa," alanganing ngiti niya rito. "Sige aalis na ako." Akmang tatalikod na siya nang magsalita si Nicole. "Dito ka na mag-lunch." Nakangiting sabi nito sa kan'ya. Nang tignan naman niya si Travis ay wala itong reaksiyon. "Lets go." Sabay hila sa kan'ya ng babae. Hindi na siya nakapagprotesta rito. "Matagal ka na ba kay Travis? Bakit parang ngayon lang kita nakita?" tanong sa kan'ya ng babae habang kumakain sila. "Ah? Hindi, kakaumpisa ko lang ngayon." Pilit na ngiti niya rito. Naiilang kasi siya rito. "I didn't know na kailangan pala nitong si Travis ng P.A, nag-apply sana

