Kita naman niya ang ngiti sa mga mata at labi ni Travis. Dahil dito ay parang natulala siya at biglang naalala si Thor. Ganitong-ganito kasi ang itsura ng anak niya kapag masayang-masaya. Miss na miss na niya ito. Mabilis niyang pinalis ang mga luhang mabilis na tumulo. Isa-isang binati ng mga ito si Travis. Siya naman ay nagpunta sa may gilid at doon napiling umupo. Minsan ay naiisip na niyang aminin ang lahat dito, lalong-lalo na ang tungkol kay Thor para natatakot siya, ayaw niyang isugal ang kaligtasan ng anak niya. Naniniwala naman siyang matatapos din ang lahat ng ito. At kapag nakuha na niya ang anak niya ay lalayo na siya, malayong-malayo sa magulong lugar na ito. "Mukhang malalim iyang iniisip mo." Mabilis naman siyang napatikhim nang makita si Travis at umayos ng upo. "Ha

