Bumaba ako para sana kumain ng hapunan. Akala ko wala nang tao dahil narinig ko ang mga sasakyan na umalis. Magluluto ako ng hapunan, ayaw ko sa mga luto ni ate Elvie dahil para sakin masyadong matabang.
Nang makababa na ako ay medyo madilim na. Ang tanging ilaw nalang na tumagos ay mula sa ilaw sa labas. Nang tignan ko ang relo ay alas otso na pala ng gabi. Kumunot ang noo ko nang mapansing nakabukas ang fireplace sa living room. Tinignan ko lang yun at nagpatuloy na sa kusina.
Binuksan ko ang refrigerator at tumambad agad sakin ang isang box ng pistachio cake na feeling ko ay galing pa sa ibang lugar. There's a note on the box.
'𝐹𝑜𝑟 𝑀𝑎𝑖𝑎' yun lang ang nakalagay sa note kay nagtaka ako. Hindi ko muna yun ginalaw at nag halughog ako ng ilang mga panakot na gagamitin para sa pagluluto. Nang buksan ko ang freezer ay napangiti ako dahil may whole chicken dun.
Nang maipon ko na lahat ng panakot ay agad akong nagtali ng buhok, nagsuot ng apron tapos kumuha ako ng gloves para naman hindi masyadong madumi tignan.
I was humming a song while cooking. Nang matapos na ako ay agad kong hinain ang adobong manok at kumuha ng maliit na kanin. Dinala ko ito sa hapag at dun na kumain.
Walang katao tao sa bahay ngayon parang nakakatakot ang bahay na walang mga tao. Parang may nagmamasid sa akin sa paligid. I felt like someone is watching me. Hindi ko na pinag tuonan ng pansin ang nararamdaman dahil na enjoy ako sa pagkain.
Kumuha ako ng isang slice na pistachio cake na nasa fridge at dinala sa counter. Kumuha din ako ng gatas dahil gabi naman din.
"How long have you been here?" Napatalon ako sa aking inupuan at humarap sa nagsalita. I met her sharp eyes. Napalunok ako ng mariin at dahan dahang yumuko.
"Uhmm kahapon lang ako dumating" simple kong sagot habang nakatingin parin sa sahig.
"I see, dinala ka din ba niya sa ibang mansyon?" Tanong nya, nag angat ako ng tingin at tumango. She chuckled out of humor. Ganito ba ang mga mayayaman? Tumatawa kahit wala namang katatawanan?
"Tell me, nakatakas ka sa unang mansyon na tinuluyan mo?" I raised a brow. Hindi ko alam na may mangyayaring interrogation ngayon. Hindi aki na inform.
"Y-yes" nauutal ko nang sagot. I played with my fingers. She scanned me from head to toe. She tilted her head a little with a grin in her face.
"Kaya pala dinala ka dito" usal niya at tumalikod. Naiwan akong may mga tanong sa utak. Ganun na yun? Apaka bastos naman. She approached me without introducing her identity and now she walked out of this place without any notice? Really? How rude!
Nagpakawala ako ng buntong hininga at bumalik na sa puwesto. Habang kumakain ako ay may narinig akong kasa ng baril. I felt the steel pointing at my head. I raise my arms up. I heard her chuckle behind me.
"Tell me, anong pinakain mo kay Draco?" Tanong niya na para bang galit. Napalunok ako ng mariin. Wala naman akong pinakain.
"W-wala akong pinakain sa kaniya" I denied, idiniin niya ang pagtutok ng baril sa ulo ko. Napapikit ako ng mariin.
"Why did you try to escape from his hands?"
"B-because ayaw ko sa kaniya. Hindi ko siya kilala" I answered. She fell silent for a while. Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Nahihirapan nadin akong huminga sa nerbiyos. Pinagpawisan ako ng malamig at nanginginig na ang aking katawan. Katapusan ko na siguro ngayon.
"Hindi mo siya kilala?" Tanong niya na para bang naguluhan. Pati ako naguluhan rin sa kaniya.
"Y-yes hindi ko siya kilala" I sincerely answered. Naramdaman kong unti unti niyang binaba ang baril. I slowly turned my attention to her. She is staring at me intently as if she's examining my reactions if I was telling the truth.
"Kailaingan bang makilala ko siya? When he abducted me I don't know him and I'm scared of him. That's why I ran away and hide for weeks" My eyes is fixed on her. I stood firmly. She stared at me for a moment as if she was balancing my weight of emotions. Then she nod her head. She smiled at me this time it's genuine. Parang nabunutan ako ng tinik nang maramdamang gumaan ang tensyon sa aming dalawa.
"Look I know you will get jealous. Pero hindi ko siya gusto, masyado siyang misteryoso para maging tipo ko. Nakakatakot siya" sabi ko sa kaniya. Tumingin siya sakin at tumawa ng malakas. Kunot noo ko naman siyang tinignan.
"Is that what you think? Kaya ka ba umalis sa terrace kanina kasi akala mo girlfriend niya ako?" Natatawa niyang tanong kaya tumango ako. Tumawa siya ulit at pinahiran ang mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata dahil sa kaniyang pag tawa.
"If only I could tell you. I'm not his girlfriend" she admits. I raise a brow and began wondering who she is. I felt embarass, para akong natataranta. Hindi ako mapakali at hindi ko siya matingnan sa mata. Nakakahiya. Bakit ko ba kasi nasabi yun.
"Kung ganun sino ka?" Kuryuso kong tanong. She shook her head as if I am forbidden to know her.
"You will know me once you and him is already up to something" sabi niya sakin. Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. That answer seems to have a hidden meaning. What something?
Tumawa na lang ako at tumango.
"I like you already. Alam mo-" naputol ang sinabi niya dahil sa isang tawag. She glance at me and smiled.
"I'll take this for a minute" she's wierd, all these people are wierd. Parang kanina lang gusto na niya akong patayin samantalang ngayon parang gusto niyang makipag kaibigan. Hindi dapat ako maging kampante sa mga taong to especially to Draco. Isa siya sa mga loan sharks na kinatatakutan ng mga sugarol. I know any moment they will blow my mind in just one pull.
Natapos na ako sa pagkain at hindi na bumalik ang babae. Hindi man lang siya nagpapakilala. Bumalik na ako sa itaas at pumasok sa kuwarto. Naisipan kong maligo muna bago matulog.
Nang makapasok ako ng tuluyan sa kuwarto ay hinubad ko na ang aking suot na blouse at naiwan nalanga ng aking bra at panty. I walked towards the bathroom.
Malawak ang bathroom, may malaking bathtub din sa tapat ng malaking glass window. Makikita dito ang mga bituin sa langit. Ang dilim ng paligid dahil nasa bukid nga ako. Nilagyan ko ng tubig ang bathtub at naglagay ng mga kung ano ano. Petals, mga pampabula at pampabango. I took a bath and then walk towards the bathtub at lumusong doon.