It's been weeks since I got here. Napakahirap makisama sa mga kalalakihan. Tanging si Cassian lang ang nagiging kausap ko. Ngayon, ako lang mag isa dito dahil lahat ng mga tauhan pati si ate Elvie ay may kina-aabalahan. Drakke is also not here. Pero kahit ganoon ay parang may nakatingin talaga sakin. Nakatunga-nga ako dito sa kuwarto.
Lumabas ako ng mansion at nag swimming. Suot ko naman ang aking bikini. Naka upo na ako sa gilid ng pool habang sumisimsim ng juice. I heard cars going inside the mansion. Nakarinig ako ng mga yapak sa loob. Hindi na ako tumayo dahil naka bikini ako at ayaw ko namang maglakad lakad habang basa ako.
"Miss Floquentez...." Lumingon ako sa lalaking tumawag. He was stunned to see me. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumayo ako at inilapag ang inumin sa mesa. He scanned me from head to toe pagkatapos ay ibinalik ang mata sa mukha ko. He then cleared his throat and shook his head. Halos maging konektado na ang kilay ko dahil sa pagtataka. Bigla kasi siyang tumalikod at mabilis na lumayo sakin. Kaya nag kibit balikat nalang ako at kinuha ang inumin.
"Maia!" Tawag ni Cassian. Lumingon ako at nakita ko din siyang pinasadahan ako ng tingin. Bakit ba ganito sila maka tingin? Anong problema ng mga ito? Cassian covered his eyes and walked away. Tinignan ko naman ang aking suot. Okay naman ah.
Suot ko ay black criscross bra na may bow na detailed sa gitna tapos high waisted panties. Two piece ang suot ko kaya anong problema nun? I have an hourglass body. Medyo may kalakihan din ang dib dib ko at may flat stomach ako. Maumbok ang aking puwet. I wrapped the sarong around my waist to cover my panties. Then went inside. Nakita ko sila sa living room na medyo taranta.
"Kairos? May problema ba?" Tanong ko sa kaniya. Kairos turned his attention to me but Cassian covered his eyes.
"Don't look if you're still trying to live" madiin na sabi ni Cassian. The other bodyguards have their attention to the different places.
"Lah ano to? Ganda ng pader" usal ng isang lalaki sa likod ni Cassian. Halos matawa ako sa mga reaksyon niya.
"Ganda ng suot mo brad bagay sa iyo" sabi naman ng katabi nitong lalaki. Kahit na pareho naman talaga sila ng suot. Ang dalawang tauhan naman ay lumabas dahil magpapahangin daw.
Kairos then remove Cassian's palm from his eyes and turned his back on me. He walked away leaving Cassian. Hindi parin tumitingin si Cassian sakin.
"Cassian bakit? Tignan mo nga ako" sabi ko at humakbang papunta sakaniya. Umatras naman siya at pumikit ng mariin. Sumimangot ako at humakbang paatras sakanya.
"Gusto ko pang mabuhay" nangunot noo naman ako sa sinabi niya.
"Aalis na ako, ahh pinapunta lang kami ni Draco para tignan ka. Kung okay ka lang ba" sabi niya sakin na hindi parin tumitingin.
"Ah okay" tanging sagot ko. Tumango si Cassian at lumabas na sa mansion.
I tilted my head as I scartch my scalp. Nakakunot padin ang noo ko dahil sa mga inasta nila.
Natapos na ako sa pag swi-swimming at naisipan kong malilibot libot ng bahay. Pumunta ako sa ground floor sa iilang rooms na di ko pa napuntahan. Namangha nga ako kasi sa isang room ay may pool sa loob. Parang napaka sosyal. Then sa next door naman ay gymn na kumpleto sa mga gamit pang work out.
This house is huge. I stumble upon a ground bedroom. Binuksan ko iyon at tumambad sakin ang maraming mga litrato. Pumasok ako doon at tinignan isa isa ang litrato. A picture caught my attention. Sa litrato ay isang batang lalaki at batang babae na magka akbay. I think the girl was about 4 or five years old. Sa itaas naman nito ay litrato ng dalawang lalaki na medyo may katandaan na. Parang old version ni Draco ang isang lalaki at ang isa naman ay tingin ko matalik niyang kaibigan.
My eyes then flew to one picture. Draco and his girl. Yung babaeng pumunta dito nung mga nakaraang linggo. My heart aches a little for an unknown reason. Draco seems so happy in this picture together with her. There's no trace of coldness in his eyes.
Pinasadahan ko ng tingin ang bawat litrato at sa pinaka ibabaw nun ay ang matandang lalaki na naka tingin ng seryoso sa camera.
"Rodolfo Villadoble" sambit ko, siguro ay lolo ito nina Drakke. Tinignan ko naman ang dalawang babae sa picture. Siguro ay mama ni Draco yung isa. Natigilan ako sa babaeng katabi nito. She is somewhat familiar. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko alam kung nasaan o kailan. My heart suddenly beats fast. Medyo nahilo ako at parang may gustong pumasok na kung ano mang memorya sa utak ko.
Nang maramdamang hindi mabuti ang lagay ko ay lumabas na ako sa kuwartong yun at natungo sa main hall. Nakarinig ako ng mga kaluskos sa living room kaya agad akong nagtungo doon. I saw Kairos together with Drakke. Drakke's eyes flew to me. Examining every inch of my figure. My heart one again hammered inside me. Parang galit siya at naiinis. Nang makita niya ako ay kumalma ang kaniyang mga mata.
"Where have you been?" He asked, voice soft and calm. I took a deep breath and walk towards him.
"I took myself for a tour in the house" simple kong sagot. Hindi ko maiwasang matakot sa kaniya. Napaka misteryoso niya at hindi ko mahulaan ang mga emosyong dumagan sa mga mata niya. Yung aura niya parang may ibang isinisigaw bukod sa kaniyang pagka misteryoso.
Nanginginig ako sa hindi malamang dahilan. When I am around him I felt like my world stopped for a moment. Nakakatakot siya at siguro kung gagalitin siya ay paniguradong papatayin niya ako.
"Umakyat ka sa taas" utos niya, now his mood had change. His eyes were now looking at me intently. It was dark and sharp. His brow furrowed like he was annoyed or angry. Cassian touch my back and walk with me towards the stairs. Lumingon ako kay Drakke na ngayoy madilim na nakatitig sakin. Somehow I remove Cassian's hands that was touching my back.
Nang maihatid ako sa kuwarto ay tinignan ko si Cassian.
"May problema ba Volkov?" Nag aaalala kong tanong. Tinignan niya ako sandali at umiling.
"Lock the door. Ipapahatid ko nalang ang hapunan mo" seryoso niyang sabi. Ang mga mata niya ay may bahid na takot at pag aaalala. I'm sure something happened. Siguro may nangyaring hindi maganda kung saan man sila pumaroon.
I know what type of person Drakke is. Alam kong isa siyang negosyante sa isang illegal na paraan. Alam ko yun, hindi ako bulag. Pero hanggang doon lang ang kaya kong halungkatin. Hindi ko alam kung sino siya, saan siya nanggaling, bakit illegal ang business niya. Alam ko rin na kaya niyang pumatay pero palagi kong sinasabi at kinukumbinsi ang sarili na hindi niya kaya.
Nakatunganga ako sa aking kuwarto. Hinatid nadin ni Elvie ang aking hapunan. Kaya pagkatapos kong kumain ay umupo na ako sa kama. Nang maramdamang inaantok na ako ay humiga na ako at natulog.
Nagising ako dahil sa paggalaw ng kama. Tinignan ko ang taong sumampa nun at nagulat ako nang makita si Drakke na naka upo sa tabi ko. Nakasandal siya sa headboard ng kama habang kaharap ang kaniyang laptop. May sugat siya sa kilay kaya bumalikwas ako ng bangon.
His eyes widened. Hindi ako mapakali, nandito siya sa tabi ko. Ngumisi siya, yung ngising kakaiba. Para bang may binabalak siyang masama sakin. He closed his laptop and put it in the bedside table. Then he grabbed his gun? He stared at me for a moment. Walang emosyon ang kaniyang mga mata na kahit sanay na ako ay naiilang parin ako dahil parang may mali sa kaniya. Parang wala siya sa sarili at parang napilitan lang.
He aimed his gun at me! I froze in place while trembling. Pinag pawisan ako ng malamig at parang napako ang katawan ko sa aking posisyon. Ang lakas ng kabog ng dib dib ko. Kinasa niya ang baril at walang pag aalinlangang pinutok iyon. Nandilim ang paningin ko at naabutan ko siyang nakangising nakatingin sakin.
Nagising ako at pawisan, humihingal. Bumangon ako at tinignan ang orasan, ala una na ng madaling araw. Ang lakas parin ng kabog ng dib dib ko. Hinawakan ko yun habang kinakalma ang sarili. Nang kumalma na ako aya agad akong tumayo sa kama. Kinuha ko ang waitress na uniform at nagbihis nun. Kahit may punit ito. I can't stay in this place any further.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang nasa isip ko ngayon ay kailangan kong umalis dito bago niya ako patayin. O bago ko siya mahalin.