Chapter 3

1784 Words
CHAPTER 3 ------------ YANZ POV ------------ Kahit saan ako lumugar ay nasa panganib pa rin talaga ang buhay ko!Halos maiyak na naman ako sa realisasyon kong yon. "Alam mo ba na 16 years old pa lang ako ha? Madami pa kong pangarap sa buhay! Pangarap na pilit pinagkakait sa akin ng tadhana! Pero hindi pa rin ako susuko dahil kailangan pa ako ng magulang ko! Ang tatay ko hindi ko na alam kung nasaan! Ang nanay ko, malubha ang sakit nya ngayon! Hindi ko nga alam kung ano na ang kalagayan nya sa mga oras na to eh. Alam mo ba napa-praning na talaga ko sa buhay ko tapos ang dami kong iniisip, dumadagdag pa tong sitwasyon mo!", Pagda-drama ko sa kanya ng dire-diretso. Wala akong pakialam kung hindi nya ko pinapakinggan! Basta sasabihin ko lahat ng gusto ko! "Mukha ka naman talagang praning eh! so what's your point in telling me all that?! Like I care!" cold na sagot nya sa akin. Ni hindi man lang nya ko nilingon o nakuhang bagalan ng konti ang sasakyan nya. Kahit pa nga ba tingin ko ay milya milya na ang layo namin sa mga humahabol sa kanya dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nya! Tukmol sya! "What's your point ka dyan!? Ang sinasabi ko lang! Sumakay ako dito sa sasakyan mo dahil namamag asa akong makatakas sa mga humahabol sa akin at magsimula ng bagong buhay! Hindi ko alam na mas komplikado pala ang buhay mo sa akin! Sino ba yung mga yon ha?! Sendikato ba yon? At bakit ganyan ang itsura mo? Tumakas ka lang sa hospital hano?!", Mahabang sita ko. Halos bumula ang bibig ko sa walang tigil kong pagsasalita. "That's true! So what?! Pinilit ba kitang sumakay dito?!", Supalpal nya sa akin. "Anong sabi mo?! Umaamin ka sa mga paratang ko? Hindi ka man lang mag de-deny!!!", Nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya. Actually ay mas natakot pa ko sa pag amin nya. Yung para pa ngang nag flashback sa isip ko ang masayang samahan namin ng pamilya ko. Samahan na balang araw ay gusto ko ulit mabuo. Sa isipin kong medyo imposible pa ang mga pangyayaring yon sa ngayon ay mabilis na nanggilid ang mga luha sa mga mata ko. "Makinig ka sa akin! Hindi ko alam kung anong klaseng tao ka, o anong krimen ang nagawa mo para habulin ka ng mga taong yan. Oo! Inaamin ko, pareho lang tayo. Hinahabol lang din naman ako, pero iba ang case ko sa case mo. Wala akong ginawang masama! Kaya kung pwede lang sana, pababain mo na ko ngayon! At promise ko sayo, wala akong nakita, wala akong narinig!... Please!", Pakiki usap ko habang umiiyak. Pero para lang akong nakipag usap sa hangin. Leche talaga at hindi na nya ko pinansin ulit! Maya maya ay may wet tissue na lumipad sa kandungan ko. Maang na napatingin ako don tapos ay sa kanya na nag hagis ng tissue. Sa dami kong sinabi ay yun lang ang bagay na magagawa nya? Ang hagisan ako ng wipes! "You're voice is really getting on my nerves and also your!...", Sinenyas nya ang mukha ko. Tapos ay automatic na kumilos ang vanity mirror sa tapat ko at tumapat yon sa mukha ko. Ganon nalang ang gulat ko ng makita ko na nag kalat na ang mascara na nilagay ng bwiset na make up artist kanina sa mata ko. Mukha talaga akong zombie! As in para lang naman akong umiyak ng tinta nito. Ayaw ko naman talaga na magpakolorete sa mukha kaso kung may nakatutok naman na baril sa akin tulad kanina ay sure na papayag talaga ako. Nahiya ako at agad kong pinunasan ang pagmumukha ko. Nasa ganon akong gawain ng biglang nagpreno ng malakas ang sasakyan. Muntik na naman akong masubsob! And again, thank you sa seatbelt! So ano na naman kaya ang nangyari? Napatingin ako sa tinitignan din nya na nasa harapan namin. At ganon nalang ang biglang kabog ng dibdib ko ng makita kong may mga nakaharang na tatlong itim na sasakyan sa dadaanan namin. Ilang metro nalang ang layo namin sa mga ito. Ilang mga malalaking tao din ang mga naghihintay sa amin doon na kapwa mga naka tuxedo. Sigurado ako na mga boss yon ng sindikato na humahabol sa lalaking to. Paglingon namin sa likuran ay andon naman ng mobil car at yung mga itim na sasakyan na nakabuntot sa amin. Wala na! Finish na! Sukol na kami! Ang masama pa dyan ay baka paulanan nalang kami ng bala at pulutin kaming dalawa sa kangkungan! "Diyos ko Lord!", Dalangin ko. Kung kinakailangan na tawagin ko ang Diyos at ang lahat ng mga Santo, gagawin ko talaga basta wag lang kami mamatay! "Sumuko ka na! Siguradong papatayin nila tayo!", Nag aalala at natatakot na suggestion ko. Promise! Naiiyak na naman ako sa takot lalo at nakita ko na madami ng dugo ang hospital dress ng kasama ko.Mukhang grabe din ang tama nya. Baka blood loss pa ang pumatay sa kanya bago pa kami paulanan ng bala. "Sumuko ka na!" Sabi ko ulit sa kanya. Basta salita lang ako ng salita, kahit obviously ay hindi naman sya nakikinig sa akin. Apura lang ang pindot nya don sa high tech na projector sa manibela nya. "Please... Para hindi tayo...", "Shut up!!!", Inis na sigaw nya sa akin tapos ay nag minor sya. "Teka anong gagawi mo?!", Nag aalalang tanong ko. Mukhang wala yata sa dictionary ng tukmol na to ang salitang pagsuko. Napatili nalang ako sa takot nung tinuloy nya ang pagda drive nya pero lumiko kami sa kanan. Nakakaloka! Tinalunton lang naman namin yung mga punong kahoy na parang sa pelikula! Daig ko pa tuloy ang nakasakay sa bump car s***h roller coaster! Halos umalis ang kalukuwa ko sa katawan ko dahil sa takot at sa pwersahang pagkaldag kaldag nito. Hindi na naawa ang lalaking ito sa akin o kahit sa ganda nalang ng sasakyang dina-drive nya! Sinira lang nya! Ilang minuto ding ganon ang byahe namin bago kami sumalpok sa isang puno. Hindi naman kami nasaktan sa impact dahil bukod sa bumagal na ang takbo namin ay protektodo ng twin airbag ng sasakyan ang mga sakay nito. Yun nga lang at talagang nakaramdam ako ng hilo. Bumaba agad ako at lumigid ako sa kabilang pinto para tulungan sya. Pero ni lock lang nya yon at binaba lang ang window, halatang ayaw magpatulong. "Go on! Paglagpas mo ng bukid, it won't be long until you see a barn. You'll be safe there.", Taboy nya sa akin at sumenyas pa syang umalis na ko. Feeling ko nga ay para lang akong langaw na binawal nya ng "shoo shoo" with matching his asar na asar na face. Gustuhin ko mang iwanan sya ay may puso pa naman ako. Hindi ko sya maatim na iwan lalo at mukha na syang mamamatay sa itsura nya. "Ayaw ko nga! Hindi ako aalis dito ng ako lang mag isa kaya halika na," yaya ko sa kanya. "No, ayaw ko," sagot nya sa akin na parang nainis pa nga. Napataas talaga nya ang kilay ko. "Wag ka ngang ano! Tignan mo, grabe na yung blood loss mo. I'm sure na hindi ka na tatagal, at machuchugi ka na agad bago pa man dumating dito ang mga humahabol sayo, kaya halika na," pamimilit ko pa sa kanya na may kasamang pananakot. Pero sa itchura nya ay wala talaga syang balak na magpatulong! Ang taas ng pride ng taong to! Feeling strong talaga ang loko! Nagkulitan pa kami ng ilang salitaan bago ko sya mapapayag na bumaba. Basta! Hindi ko na alam kung paano ko sya napapayag. Kung paano kami nakalayo sa sasakyan nya at nakuha pa naming kumubli sa likod ng isang malapad na puno. Basta ang alam ko ay sinira ko ang ladlaran ng maganda kong damit at yon ang ginamit ko para ipantakip sa sugat nya. Grabe na talaga kase ang pagdurugo non eh. Ayaw man nya ng tulong ko ay wala na din syang nagawa dahil wala syang ibang choice. After non ay ilang saglit lang ang lumipas ay tuluyan na syang nakatulog. Binalak ko na pag aralan ang daan sa bukid at sa barn na sinasabi nya kanina kaya umalis ako sandali. Pero hindi ko sya balak abandonahin! Kaya laking gulat ko na nung pagbalik ko ay hindi ko na sya nakita pa. Pati ang sasakyan nya na sumalpok sa puno sa di kalayuan ay wala na din. Basta ang mga naiwan nalang sa lupa ay ang bakas ng gulong ng mga sasakyan. Biglang bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko. What if nakuha na pala sya ng sendikatong humahabol sa kanya? Natakot ako! Pero hindi na ako nakapag isip agad ng mga gagawin ko ng biglang may mga kamay na tumakip sa bibig at ilong ko kaya hindi ko na nagawang sumigaw. Nanlaban ako pero hindi sapat ang lakas ko! Hanggang sa nagdilim na ang paningin ko. --------------------------- GRAND MIDORI FACILITY Sub-basement Tokyo branch, JAPAN --------------------------- 1 week later -> alone in an empty room ---------------------------- Kinalma ko ang sarili ko bago ko magdesisyon na dumilat. Sa totoo lang ay kanina pa ako gising. Pero dahil may naririnig at nararamdaman pa akong ibang tao na kasama ko sa kwartong ito ay nagpanggap pa din akong walang malay. Hindi ko kase talaga alam kung ano ang tama kong gawin kanina. Kung pinairal ko ang takot at galit na nararamdaman ko ay baka mas lalo akong napahamak dahil baka ora mismo ay patahimikin na nila ako. So ginamit ko muna ang utak ko at nag isip ng plano. Pero hindi naging madali yon para sa akin dahil hindi ko maunawaan ang sinasabi nila! Gumagamit kasi sila ng banyagang salita. Mahilig ako manood ng mga anime na may english subtitle kaya alam ko na nihonggo yung usapan nila kanina. Ibig sabihin lang nito ay nagtagumpay ang mga hinayupak na scammer na yon na maibenta nga ako sa mayaman na hapon nilang buyer! Diyos ko po Lord! Alam nang Diyos kung gaano katinding pangamba ang bumaha sa dibdib ko. Nung magka malay ako at may naramdaman akong kakaiba sa katawan ko ay hindi ko talaga napigilan ang panginginig ng katawan ko. Kung sa takot yon o sa lamig ng aircon na nanunuot sa balat ko ay hindi ko na alam. Basta isa lang ang sigurado ko! Nasa alanganin talaga ako! Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago ko inilibot ang paningin ko sa maluwang na silid. Kulay puti ang buong paligid. Bukod sa mga salamin sa pader ay halos empty na ang mga gamit dito. Maliban sa ilang machine at computers na nakatabi sa kama na hinihigaan ko. "Teka machine?!", Nahintakutan ako sa naisip ko na yon. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD