Hindi batid ni Harlow na may ganito pa lang lugar. Gusto niya sanang isipin na siya'y na isang perya lamang, ngunit imposible naman iyon dahil sa mga kamangha-manghang pangyayari.
Tiningnan niyang muli si Dukeh. Mukhang seryoso naman ito sa sinabing nasa isang palaruan sila. Ngunit, anong klaseng palaruan ba? Kung gayong totoo ang sinasabi nito, kailangan niyang ihanda ang kaniyang sarili. Hindi siya magaling sa mga laro, pero kung iyon ang daan upang makalabas sila ng kasama niya sa lugar na iyon, gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya.
Mayamaya'y lumakad si Harlow papalapit kay Dukeh na sinundan naman ng kasama niyang lalaki. "Are you damn serious with what are you saying?" tanong niya.
"Mukha ba akong nakikipagbiruan?" walang emosyon na sambit ni Dukeh.
Napalunok ang dalaga. "No," matipid niyang sagot pagdaka.
"'Yon naman pala. Kung handa na kayo, ipapaliwanag ko na sa inyo ang laro. Ngunit bago iyon, ano muna ang nais ninyong kainin?"
"Libre ba mga pagkain n'yo?" tanong ng kasama ni Harlow na tinanguan naman ni Dukeh.
Nanlaki ang mga mata ng dalawa at mabilis na gumalaw ang mga ito sa kani-kanilang puwesto, saka pumunta sa mesa. Sakto, gutom na rin sila at wala silang dalang pera.
Binigyan sila ng pagkakataon ni Dukeh na pumili ng kanilang gustong pagkain. Mas lalo pang nadagdagan ang pagkamangha nila nang malaman na kahit ano palang pagkain ay mayroon doon. Hindi limitado. Walang pang katumbas na presyo.
Sarap na sarap ang dalawa sa pagkain at parang ilang taon silang hindi lumamon. Nang matapos sila ay humiling pa sila ng isa pang serving. At dahil mapagbigay itong si Dukeh, pinagbigyan sila nito.
Pinatapos muna sila ni Dukeh na kumain bagot nito ipaliwanag ang mga bagay-bagay.
"Bago ang lahat, hayaan muna ninyo akong tanungin kayo ng dalawang bagay," sambit nito.
"What?" sabay na tanong ng dalawa.
Isa-isang tiningnan ni Dukeh ang dalawa. "Batid ba ninyo ang inyong mga pangalan?"
"Of course yes," sagot ni Harlow, saka ipinakilala rito ang sarili.
"And I'm Tyson Faulkner," sambit naman ng kasama niyang lalaki.
"Kilala n'yo ba ang isa't isa?" isa pang tanong ni Dukeh na pareho namang tinaggihan ng dalawa. "Kung gayon, handa na siguro kayo sa unang laro."
Ipinatong nito ang dalawang buton sa ibabaw ng mesa: asul at pula. "Ngunit bago pa man tayo mag-umpisa, nais ko munang ihayag sa inyo ang takbo nito. Sinumang manalo ay magkakamit ng isang token. Sa kabilang banda nama'y magkakamit ng parusa ang matatalo."
"Parusa?" kunot-noo ni Harlow. "Anong parusa?"
"Iyan ay inyong malalaman pagkatapos ng laro. Paalala lang kung sakaling ito ma'y bumubuo sa inyong isipan: kailangan ninyong tanggapin ang larong ito dahil kung hindi, mananatili kayo sa lugar na ito habambuhay at hinding-hindi na kayo makakalabas."
"Pero hindi naman namin ginusto ang mapunta rito, then why?"
"Sa oras na ito, atin nang uumpisahan ang laro. Maari lamang na pindutin ninyo ang buton kung alam ninyo ang kasagutan sa aking katanungan," paglilihis ni Dukeh sa usapin, kaya naman ay wala nang nagawa ang dalawa kung hindi ang tumango. "Unang katanungan: ano ang kahulugan ng buhay para sa inyo?"
Unang pumindot ng buton si Harlow.
"Life is something to be treasured with. Life could offer everything, so everyone should be grateful about it," sagot niya.
"Pinahahalagahan mo ba ang iyong buhay?" tanong ni Dukeh.
"Of course, yes. Why wouldn't I?"
Binigyan ni Dukeh ang dalaga ng isang hindi siguradong ngiti bago magbaling ng tingin kay Tyson. "Ngayon naman, bibigyan kita ng pagkakataong sumagot, Tyson," sambit nito.
"Oh, okay," bigkas ni Tyson. "Personally, life is full of mysteries. If you'll not search for things, you won't find the truth behind the lies."
"Deep," bulong ni Harlow.
Nagpakawala ng mababaw ng singhal si Dukeh. "Ako'y nagagalak sa kasagutan ninyong dalawa. Ngunit, hindi pa 'yan ang laro sapagkat iyan lamang ay isang panimula."
Nagsimula na namang gumalaw ang mga pader at mag-iba ng ayos, dahilan upang napahawak ang dalawa sa kanilang mga ulo. Nang payapa na ulit ang lugar ay inilibot ng dalawa ang kanilang paningin sa kabuuan, at doon lamang nila napagtanto na nasa ibang dako na naman sila.
And dalawa ay nakulong sa isang maliit na kuwarto kung saan Ang mga pader ay itim na sinabitan ng neon lights. Walang mga binta ni pinto. Sa gitna nila ay may dalawang magkabilaang set ng kompyuter. Papunta na sana sila rito nang mapagtanto nilang wala na si Dukeh. Nasaan na ito?
Nasa kalagitnaan ng kaguluhan ang dalawa nang may umalingawngaw na boses sa loob.
"Marahil ay nagtataka kayo kung ano ang gamit ng dalawang computer sa inyong harapan," si Dukeh. "Gagamitin n'yo iyan upang maisagawa ang unang laro. Maaari lamang na umupo na kayo at harapin ang mga ito sapagkat tayo'y mag-uumpisa na."
Lumakad nga ang dalawa papunta roon, saka umupo.
"Ang larong ito ay pinamagatang Shoot The Ball. Batid na sa titulo kung paano laruin 'yan. Kailangan n'yo lamang ipasok ang bola sa ring. Mayroon kayong limang buhay upang gawin iyan, bawat palpak ay katumbas ng isang buhay. Bibigyan ko lamang kayo ng dalawampung segundo upang tapusin iyan."
Isang malawak na ngiti ang dumampi sa mga labi ni Tyson nang malamang madali lamang ang laro. Mahilig din naman ito sa basketbol kaya malaki ang pag-asa na ito ang mananalo sa laro.
Sa kabilang banda, dismayado ang mukha ni Harlow. Hindi siya mahilig sa online games, ni hindi rin sa basketbol. Naisip niyang hindi makatarungan ang palaro.
Parehong humugot ng malalim na hininga ang dalawa at inihanda ang mga sarili.
"Your time starts now," pagdaka'y anunsyo ni Dukeh.
Isinagawa na ni Tyson ang first shot nito at sa kabutihang-palad, pumasok ang bola sa ring. Sa pangalawang tira nito ay muli itong nagtagumpay.
Sa kabilang banda, dalawang buhay na ang nasayang ni Harlow dahil hindi niya pa nagawang itira ang bola paloob sa net.
Labing-limang segundo na lamang ang nalalabi nang pumalpak si Tyson sa pangatlong tira nito.
Samantala, napasigaw na lamang sa tuwa si Harlow nang sa wakas ay nakatira na rin siya. Maging ang kaniyang ikaapat na buhay ay naging matagumpay rin.
Sampung segundo na lamang ang natitira sa dalawang panig. Ang iskor ay pareho na, kaya ang huling round ay kanila pang paglalabanan. Ang tanong: sino ba ang magtatagumpay?
Sandaling nagkaroon ng katahimikan ang tanging tunog lamang ng mouse ang maririnig, maging ang kumakabog nilang mga puso.
"Woah, yes!"
Natigil si Tyson sa malakas at tuwang-tuwa na sigaw na iyon ng dalaga.
Tapos na ang laban. May nanalo na.
Naputol ang kasiyahan ni Harlow nang mapansin ang dismayadong mukha ng binata. "Oh, ba't ganyan 'yang mukha mo?" tanong niya.
"It's so disappointing, I didn't made the last shot," singhal nito. "You won."
"Eh, paano ba 'yan, may token ako tapos ikaw may parusa?" agik-ik ng dalaga.
"The token has no use for me anyway. I'll just accept the punishment, whatever it is."
Muli ay ngumiti si Harlow dahil hindi pa rin siya makapaniwalang siya ang nagwagi sa patimpalak na ito. Habang nagpupunyagi siya, ilang sandali pa'y sumulpot na itong si Dukeh at sabi,
"Binabati ko kayong dalawa sa natapos na laro, lalo na ikaw, Harlow."
Biglang lumitaw si Dukeh na lubha namang ikinagulat ng dalawa. Lumakad ito papunta sa dalaga, saka ibinigay ang token.
Ngiting-ngiti na pinasalamatan ni Harlow ito. "Saan ko nga pala gagamitin itong token?" tanong niya.
"Malalaman mo kapag tapos na ang lahat ng mga laro," sagot ni Dukeh.
"So, may kasunod pa?"
"Marami pa."
Napasimangot si Harlow sa nalaman. Buong akala niya kasi ay isang palaro lamang ang kanilang kailangang tanggapin at maaari na silang makalabas sa lugar, ngunit hindi pala.
"Tyson," pagdaka'y tawag dito ni Dukeh.
Hindi umiik ang binata. Masama pa rin talaga ang loob nito. Hindi nito akalaing tatalunin ito ng isang babae, at sa online basketball pa talaga.
"Ikinalukungkot ko ang iyong pagkatalo," dagdag pa ng walang emosyon na lalaki, "ngunit maaari ka pa namang bumawi sa mga susunod. Sa oras na ito, kailangan mo munang tanggapin ang iyong kaparusahan."
"Okay, I'm ready," mariing sabi ni Tyson. "What's the punishment?"
"Sigurado ka bang handa ka na? Kung hindi pa, maaari pa naman kitang bigyan ng kaunti pang oras. Hindi ko sigurado kung magugustuhan mo ang iyong kaparusahan."
"There's no good punishment anyway. We can proceed now."
"Kung gayon, mabuti."
Bago ibigay ni Dukeh ang parusa, inalis muna nito si Harlow sa lugar. Nang dalawa na lamang sila ni Tyson ang naiwan, tinanggal din nito ang mga kompyuter gamit ang makapangyarihang palad nito.
Tiningnan ni Dukeh ang binata. "Iyo pa bang naaalala ang iyong sariling pagpapakahulugan sa buhay bago mag-umpisa ang larong ito?"
Tumango si Tyson.
"Mabuti," sabi ni Dukeh. "At dahil naniniwala kang ang buhay ay punong-puno ng misteryo, ito ang parusa mo." Dumukot ito ng tatlong susi mula sa bulsa at ipinakita ang mga iyon sa binata. "Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon upang makaiwas sa iyong kaparusahan. Sa tatlong susi na hawak ko, isa rito ay ang tinatawag na Susi ng Misteryo. Kapag natukoy mo kung saan iyon sa tatlong ito, ligtas ka. Ngunit kapag nagkamali ka ng pagpili, buhay mo at buhay ni Harlow ang kapalit."
Nanlaki ang mga mata ni Tyson. "Bakit kailangang pati buhay ni Harlow? Ako ang natalo, 'di ba? That means, the punishment should only be thrown at me."
"Bibigyan kita ng limang minuto upang suriin sa tatlong ito ang susing iyon. Galingan mo." Nawalang parang bula si Dukeh, samantalang ang mga susi ay nahulog sa sahig.
Napasinghal na lamang ang binata dahil hindi man lang ito sinagot ni Dukeh. Nakatanga ito't hindi alam ang gagawin. Kailangan nitong mapili ang nararapat na susi, dahil kung hindi, maaari pa nitong mapahamak si Harlow.
Humugot si Tyson ng isang malalim na hininga bago pinulot ang mga susi. At bago pa man mag-umpisa ang lahat, isang boses ng babaeng robot ang umalingawngaw sa lugar at sabi,
"Maaari mo nang simulan."