Kabanata 7

1447 Words
"But in another life, would I still be your... friend?" Katahimikan. Walang ibang bumubulong sa kanila kung hindi katahimikan. Nagmulat si Harlow ng kaniyang mga mata. Sa sandaling nagising ang dalaga, ang kaniyang unang nakita ay ang bobida na kulay-bahaghari. Kumurap-kurap siya, sinisiguradong hindi siya nananaginip, at hindi nga. Makulay pa rin ang simboryo at kahit paulit-ulit niya pang ipikit ang kaniyang paningin ay wala pa ring nagbago. Iniunat niya ang mga kamay sabay ng kaniyang paghikab. Tumayo siya't nilibot ang buong paligid. Bawat sulok ay mataginting na mga kulay. Siya ay nasa isang maliit na kuwarto kung saan walang gaanong palamuti maliban sa sopa kung saan niya nakita ang kaniyang sarili na nakahiga. "What's this place?" tanong niya sa sarili. Nang mahagilap ng dalaga ang pinto ay dali-dali siyang nagtungo rito. Hindi naman mapawi ang ngiti sa kaniyang marilag na mukha nang bumukas ito. Tuwang-tuwa siyang lumabas at nilibot ang mga mata sa paligid. Mayroon lamang isang tuwid na psilyo ang maaari niyang daanan. Maliban sa kuwartong pinanggalingan niya, ang mga pader dito ay walang kabuhay-buhay. Habang tinutuhok ang landas, naaninag niya sa dulo ang isang pinto. Nagkunot-noo siya. "Ano kayang meron sa pintong 'yan?" tanong niya sa sarili. "Baka 'yan na ang daan palabas. Palakad na sana ang dalaga papunta sa pintong iyon nang bumukas iyon. Matalim niyang itinitig ang kaniyang mata sa bandang iyon, umaasang may ibang taong lalabas. Lumiwanag naman ang mundo niya nang may isang lalaking nakasuot ng itim na terno, ang lumabas mula rito; medyo may kalayuan pa ito sa puwesto niya, ngunit tanaw niyang ayos na ayos ito dahil maging ang mga buhok nito ay nakabras pataas. Hindi inalis ni Harlow ang tingin sa lalaki hanggang sa lumakad ito papalapit sa kaniya't tuluyan na silang magkasalubong. Para bang bumagal ang takbo ng mundo niya nang makita niya nang malapitan ito. Isang malawak na ngiti ang dumampi sa mga labi ng dalaga nang ngitian siya ng lalaki. Napagtanto niyang mas marikit pa pala ang lalaki nang malapitan. Ang matatapang na mga mata nito ay ngumingisi sa kaniya; tila itong tanyag na tao na kinababaliwan ng mga babae. Hindi naman siya mahilig sa lalaki, pero iba ang dating nito. "Are we attending a wedding ceremony?" tawa ng lalaki. Hindi agad nakasagot ang dalaga. Bumalik lang siya sa katinuan nang iwagayway ng lalaki ang kamay nito sa kaniyang mukha. "What?" kunot-noo niya. "I said, are we going to attend to a wedding ceremony?" "Wedding ceremony?" Tumango ang lalaki. "Look at you, you're wearing a gown. Are you a bride?" Tiningnan ni Harlow ang sarili at doon niya lamang naunawaan na nakasuot pala siya ng bistidang pangkasal. Bukod doon, nakasuot din siya ng mga kolorete sa katawan. Muli niyang ibinaling ang tingin sa lalaking nakangiti pa rin sa kaniya. Doon niya rin lang naman napagtanto na parang sa kasal din ang tungo nito dahil sa suot nito. "Why are you wearing a suit?" natatawang tanong ng dalaga. Tiningnan din ng lalaki ang sarili. "What the hell," hindi maiwasang sambit nito nang malamang nakasuot din ito ng ternong pangkasal. "Anong what the hell?" "Ngayon ko lang napansin na gan'to ang suot ko. At ikaw, bakit ka rin nakasuot ng ganyan?" "I don't know, ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito. I don't know this place and I don't know you as well. Sino ka ba?" "Eh ikaw, sino ka ba?" "Why do you keep on asking me back my questions?" "Eh, gusto ko ring itanong. Is it bad?" Inikot ni Harlow ang kaniyang mga mata. "Are you dumb? Kaya ko nga tinatanong sa 'yo kasi hindi ko alam. Ngayon tatanungin mo rin ako pabalik? Anong isasagot ko? Eh 'di wow? Awit." "Bakit ba ang sungit mo?" "Paanong hindi magsusungit ang tao eh, ang tanga mo?" "Wow, maka-tanga wagas." "Pero seryoso, nasaan ba talaga ako? Bakit ako nandito? Can you please just answer? Naguguluhan ako. Gusto ko nang makaalis dito dahil baka hinahanap na ako ng mga magulang ko." "Miss, will you please stop asking me? Hindi ko rin alam ang kasagutan sa mga tanong mo. Nagising na lang ako na nandito ako sa lugar na 'to. And stop acting na parang ikaw lang ang hinahanap ng magulang dito. Mahal din ako ng mga magulang ko kaya siguradong iniiyakan na nila ako ngayon kakahanap sa akin." "Teka nga," kibit-balikat ng dalaga, "can you please repeat what you've said?" "Mahal din ako ng magulang ko." "No, not that." "Ano?" "'Yong sabi mo, nagising ka na lang tapos napunta ka rito?" "Well I guess, yes? I exactly don't know. Actually, I'm looking for a way out, pero iba ang nahanap ko." "Do you mean walang labasan sa kuwartong pinanggalingan mo?" "Nothing," matamlay na sagot nito. "It's just a small colorful room. Ang sakit sa mata." "Fuck." "Why?" "If that's the case, that means there's no way out here! Nanggaling lang din ako sa isang maliit na kuwarto na wala man lang ni maliit na bintana." Nagtinginan lamang ang dalawa nang mapagtanto nilang tila ba sila'y pinaglalaruan. Isang makitid na daan na may pinto sa magkabilaang dulo? Paano sila napunta roon at paano sila makalalabas? Napaupo na lamang sa sahig si Harlow at umiyak na para bang iniwanan ng kaniyang groom. "What are you doin'?" tanong ng lalaki. "I'm crying, obviously! Ang tanga mo talaga," iyak niya. "Damn," bulong ng lalaki. "Get up! Paano tayo makakalabas kung iiyak ka na lang diyan? We need to find ways instead of crying." Pinunasan ni Harlow ang kaniyang luha saka tumayo. Tama nga naman ang lalaki, walang magandang mangyayari kung iiyak lamang siya. "I'm ready," mariin niyang sabi. Inialay ng lalaki ang kamay nito sa kaniya ngunit nagdalawang-isip siya kung ito'y kaniyang tatanggapin o hindi. Ngunit dahil ipinilit ng lalaki, wala na rin siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ito at nang makaalis na sila. Hawak-kamay nilang hinawakan ang isa't isa. Paalis na sana sila nang makaramdam sila ng pagyanig. Tumaas ang magkabilaang pader maging ang dalawang pinto na nasa dalawang dulo. Biglang lumiwag nang husto kaya pareho silang napapikit at napatakip sa mukha. Nang magbukas muli sila ng paningin ay nasa ibang lugar na sila. Pareho nilang inilibot ang paningin sa kabuuan ng dako habang hawak-hawak pa rin ang isa't isa. Ang kuwarto ay kuwadrante at ito'y medyo maluwang. Ang pader ay asul na sinabitan ng mga pintang nakapaloob sa kuwadro. May mga upuan at mesa rin, maging mahabang pambilang din sa gilid. Mukha itong isang restawran, ngunit walang katao-tao maliban sa kanilang dalawa. "Ano namang lugar 'to?" nagugulumihanang tanong ni Harlow. "I don't know. I really don't know what's going on. Bakit biglang nagkagano'n? Is it magic?" "I don't believe in magics, but-" "It did happen so you now believe," pagpuputol sa kaniya ng lalaki. Tumango si Harlow saka lumingon at napansin ang pinto roon. "Naiisip mo ba ang naiisip ko?" sambit niya. "Maybe that's the answer to our question," nakangiting sagot ng lalaki. "Ano, tara na?" "But, wait... what if mapunta na naman tayo sa ibang lugar kapag binuksan natin 'yan?" "We will not know unless we try." "If you say so." Paalis na dapat ang dalawa ngunit may boses na umalingawngaw sa lugar sa sandaling itinapak nila nang pasulong ang kanilang mga mata. "Hindi kayo maaaring makalabas sa lugar na ito hangga't hindi pa ninyo natatapos ang inyong misyon." Napatingin na lamang ang dalawa sa isa't isa. "Sino 'yon?" bulong ni Harlow sa lalaki. "Ewan ko, lingunin mo para malaman natin," mahinang tugon ng lalaki. "Anong ako? Ikaw na, mamaya aswang pala 'yan. Ayoko namang mamatay sa takot." "Hindi 'yan. Sige na, lingunin mo lang para malaman natin." "Ayoko nga. Ikaw na sabi. Ikaw ang lalaki sa ating dalawa. Be gentleman naman. Ipakita mo ang lakas ng loob mo." "Hindi ako isang aswang ni maligno, kaya maaari na ninyo akong lingunin," sambit ng hindi kilalang boses na iyon. Tumikhim ang dalaga. "How are you so sure with that?" tanong niya nang hindi ito nililingon. Naghintay ng sagot ang dalawa, pero wala silang nahintay. Kaya, wala silang nagawa kundi lingunin ang pinanggalingan ng boses na iyon. Sa counter ay may nakatayong isang lalaki na walang kaemo-emosyon. Nakasuot ito ng puting damit na may mahabang manggas na nakapaloob sa itim nitong pantalon. Mukha itong nasa edad na apatnapu't pataas. "Sino ka?" tanong ni Harlow. "Ako si Dukeh," tugon ng lalaking iyon. "Dukeh?" "Eh, nasaan kami?" tanong naman ng kasamang lalaki ni Harlow. Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa kabila ng malalakas na pagtalon ng mga puso ng dalawa. "Kayo ay nasa Plesingko," ani Dukeh. "Para sa inyong kaalaman, ang lugar na ito ay punong-puno ng masasaya at iba't ibang mga palaro. Ngunit ang tanong: handa na ba kayong sumugal?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD